XIII

2.8K 10 1
                                    

Warning This story contains sensitive speech, violence, sexuality or drugs and etc. that are not appropriate for minors.

__________________________________

Hindi ko alam kung paano ako mag sisimula. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba habang sinisilayan ang aking sarili sa isang malaking salamin.

Hindi ako ito.

Isang makintab na itim na bestida na hindi man lang umabot hanggang tuhod. Ang aking dibdib ay halos sumilay na, ang itim ko na buhok na lalong pinakulot at ang aking mapupulang labi

"Handa ka na?" Wika ni Josefa, hindi kutalad ko, halos makita na talaga ang kanyang kaluluwa sa kanyang suot habang May mataas na takong "Nakakapanibago, lalo ka gumanda Aey"

Napayuko at di ko alam kung matutuwa ako sa kanyang sinabi.

"Handa na ba kayo?" Wika ni Rikki

Katulad ko at kutalad ng tatlong babae na kasama ko ay pare-parehas kaming Naka bestida na hindi umabot sa tuhod at isang takong na sobrang taas.

"Just follow what we do" wika ni Jeya

"Tara na at mag trabaho mga puta" wika ni Rikki at nag lalakad palabas.

Buong lakas ako sumunod sa kanila at hindi na iniinda ang pwedeng mangyari ngayong gabi.

Basta't kailangan ko ng pera...

"Sumabay ka lang sa amin, sumabay ka lang sa tugtog" wika ni Josefa

Hindi na ako umimik at sinunod na lang sila.

Sa madilim na entablado ay doon sinabayan ko sila, sumunod na lang ako sa agos ng musika.

Puno ng hiyawan tawanan ng mga lalake ang umingay habang kami ay pinapanood.

Sumunod lang ako sa agos ng kanta...

________________________________

"Ngayon lang ulit ako nakakita ng madaming lalake" masayang wika ni Rikki habang nag aayos ng kanyang buhok sa tapat ng kanyang salamin

"Nandyan sya a" wika ni Jeya na tinutukoy kung sino

"Nakita ko nga" sagot ni Rikki "Pero ayaw ko na sa kanya, mababa sya mag bigay"

"Mga anak..." mula sa salamin sa harap ko ay nakita ko ang pag pasok ng manager "Jusko ang daming papa sa labas" napatingin ang manager sa akin "...at may gusto agad na sumubok sa iyo"

Napayuko ako at nag simulang kumabog ng mabilis ang aking puso.

"Pero ikaw... Ikaw bahala... Kung tatable ka or take home" malanding wika ng manager "Pero kung ako malaki ang kikitain ko pag nag pa take home ako, tutal birhen naman ako mas malaki ang kikitain ko... Pero katulad nga ng sabi ko ikaw ang bahala"

"Mama, nandyan na ba si Franco" pag iiba ni Josefa ng usapan

"Ay yeah yeah he's looking for you too, kaya puntahan mo na sayang din" wika ng manager habang inaayos ang buhok ni Josefa nang lumapit ito sa kanya

"Pupuntahan na din namin yung mga boyfriend namin" wika naman ni Rikki "Tara na Jeya" aya nito

Tumayo si Jeya at lumapit sa akin "Nasayo ang lahat ng desisyon Aey" ngumiti ito at niyakap ako bago lumabas

"Ano hija? Doon ka din kikita ng mas malaki" pag kumbinsi ng manager

Tumayo ako at nag lakad

Magugustuhan ko din naman sya, hindi lang ngayon pero magugustuhan ko din ang trabahong ito.

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon