XII

2.3K 16 1
                                    

Nakatayo ako sa harap ng salamin at kanina pa pinapasadahan ng tingin ang aking sarili.

Pinahiram ako ni Jeya ng iba nyang damit na pwede kong suotin para daw pag humarap ako sa kanyang boss ay maayos ako tignan.

Hindi na ako mag dadalawang isip. Sigurado na ako, kung nasa huli ang pagsisisi, sa huli na lamang ako mag iisip kung tama pa ba na ituloy ko ito.

Sa ngayon, kailangan ako ng pamilya ko.

"Aey" mula sa salamin ay nakita ko ang pag pasok ni Josefa sa aming kuwarto "Sigurado ka na ba dito?"

"Oo, Josefa" sagot ko "Kailangan ko ng pera para masustentuhan ang pamilya ko"

"Aey, marami namang trabaho na maganda, sa ating tatlo, ikaw ang alam kong makakapag isip ng kung ano ang tama sa mali, alam kong alam mo na mali ito"

"Eh ikaw?" Wika ko at humarap sa kanya "Matalino ka din, bakit pinili mo ang ganyang trabaho?"

Huminga sya ng malalim at lumapit sa akin "Dahil sa pangarap ko?" Sagot na patanong nya "Marami at malaki ang pangarap ko, sa sarili ko, ito lang ang alam kong trabaho na pwede kong pasukin na alam kong kikita ako ng malaki"

"Pero alam mong mali"

"Alam ko" tinignan ako ni Josefa sa mata "Alam kong mali, pero nandito na ako" ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko "Kung ito lang ang paraan para umahon ako sa hirap, handa akong lunurin ang sarili ko sa malalim na dagat, pero mag kaiba tayo, Aey, ako ginagawa ko ito para sa sarili ko, dahil gusto ko umangat"

"Tama ka" humiwalay ako sa pag kakahawak ni Josefa at nag lakad at umupo sa aking kama "Parehas tayo gusto umahon sa buhay na meron tayo ngayon at ito lang ang paraan na pwede natin gawin, parehas tayo ng sitwasyon, pero di tayo parehas ng pinagdaanan, parehas tayo gusto umangat, kung ito man ang natitirang sulosyon para maabot ang buhay na natatangi natin, sabay tayo tumahak nito, kaibigan mo ako, kaibigan kita, sabay tayo umahon"

Ngumiti si Josefa at lumapit sa akin bago nya ako yakapin. Kaibigan ko si Josefa, kababata, may pag kakataon na nag aaway kami, nag sisisihan at kung ano ano, pero ang isa't isa ang pwede naming sandalan sa ganitong situwasyon.

"Ang lalim nyo namang dalawa" napahiwalay kaming dalawa ni Josefa at sabay na napatingin sa pintuan, na lakad si Jeya at tumayo sa aming harap "Kayong dalawa, ilang taon ko kayo di nakausap at nakita, parang di nyo na ako kaibigan, kayo a, wag sana dumating sa panahon na sisihin nyo ako sa kung bakit kayo nandyan ngayon, kayo ang humingi ng pabor, di ko kayo inaya, ang tanging nagawa ko lang, ay tulungan kayo at sa huling pagkakataon, Aey, uulitin ko, sa oras na pumasok ka, di kasiguraduhan kung kailan ka maaring lumabas, hawak ka na sa leeg ng ibang tao, sigurado ka na ba?"

"Sigurado na ako" walang alinlangang kong sagot

Umiling lang si Jeya at huminga ng malalim. Kita mo sa kanya ang alinlangan.

"Mag handa ka na, aalis na tayo maya maya" wika nito sabay nag lakad palabas

Nag tinginan lang kami ni Josefa, ngumiti ng tipid si Josefa at tinap ang balikat ko bago ito tumayo at dumaretso sa kanyang drawer.

Ito na talaga ito, wala nang atrasan, bahala na ang tadhana kung saan nya ako dadalhin. Bahala na kung anong mangyari, ang importante sa akin ngayon ay ang pamilya ko, gagawin ko ito para sa pamilya ko.

May ilang oras pa akong nag ayos ng sarili bago ako ayain ni Jeya na mag ayos pa ng sarili.

Pinahiram ako nito ng ilang maiikling kasuotan na di ko karaniwang sinusuot. Kinulot naman ni Rikki ang mahaba at itim kong buhok.

Nang maayos na ang lahat ay nag pasya kaming sabay-sabay na umalis dala ang kaba.

Ito na talaga, wala nang atrasan pa.

Habang nasa biyahe kami papunta kung saan ay nasa labas lang ang aking tingin habang ang aking isipan naman ay lumulutang sa alapaap.

"Nandito na tayo" napatingin ako sa harap kung nasaan si Jeya

Bumaba ito at sumunod sila Rikki at Josefa, huminga ako ng malalim at bumaba na din.

Madilim na at marami na din ang mga lumalabas at pumapasok sa loob ng isang gusali.

Nag simula ng mag lakad sila Jeya habang ako ay nakasunod lang at nag mamasid sa paligid.

May mga iba't-ibang uri ng sasakyan ang dumadating at pumaparada sa gilid, may iba't-ibang lahi din ng mga kalalakihan ang aking nakikita, may iba't-ibang babae din na iba't-iba ang suot na damit.

Napatigil kami sa aming paglalakad papasok ng may humarang na lalake na malaki ang katawan.

May sinabi lang si Rikki at Jeya ganun din si Josefa, tumingin naman sa akin ang isang lalake bago nag salita si Jeya.

"She is with us" wika ni Rikki

Nag tinginan lang ang dalawang lalake bago ito nag bigay daan upang kami ay makapasok.

Sumalubong sa akin ang iba't-ibang kulay ng mga ilaw, mga usok na nang gagaling sa kung saan, ang malakas na musika, mga tawanan at kwentuhan ng mga taong nandoon.

"Mama!" Tawag ni Josefa

Hinanap ko ang taong tinawag ni Josefa hanggan sa ito na ang lumapit sa amin. Isang lalake? Babae? O mas mabuti nang sabihin na isang bakla.

"Nako mga hija, kanina pa kayo hinahanap ng mga customer nyo" maarte wika ng tinawag na mama ni Josefa

"Ang aga pa jusko naman" wika ni Rikki

"Nako walang maaga o gabi sa mga yan" napatingin ito sa akin at tinignan ako nito mula ulo hanggang paa "At sino naman sya?"

"Siya ang tinutukoy ko sayo, mama" wika ni Jeya "Si Aey, mama, Aey this is Rainbow, one of the mother of this bar"

"Bagong recruit?" Bulong na parang di pabulong ng mamang tinutukoy nila "Maganda, sya, makinis at... Sariwa" napatungo lang ako "Hello Aey"

Napaangat ako ng tingin "Hi po"

"Don't be shy, anak" lumapit ito at hinawakan ako sa balikat "I know you will like it here, cheer up like a beauty queen" gamit ang kanyang mga kamay ay pinaikot nya ako "You have sexy body, a slim body, big butt, not big or not small boobs" tinignan nya ako sa mata at lumapit pa ng konti "Gentle eye, sisikat ka iha, pero mag ingat ka sa bawat daan na tatahakin mo, mag ingat ka sa bawat galaw na gagawin mo, baka ang galaw at daan ang syang mag dadala sayo sa lugar na di mo gusto"  napalunok ako sa kanyang sinabi, lumayo ito at ngumiti "O'sya, mag simula ka na ngayon upang makarami ka, pero, sigurado ka na ba sa lugar na ito?"

"Nako, ma, tanungin mo ng ilang beses, kasi nagawa na namin yan" wika ni Jeya

Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa akin habang ito ay nakangiti "Iha" tawag nito "Bukas ang pintuan, maari kang tumakbo at umalis sa lugar na ito, tatanungin kita at gusto ko ng diretsahang sagot mula sa iyo"

Huminga ako ng malalim, ilang beses ko na ito tinanong sa sarili ko, kanina pa sa bahay, pero bahala na kung saan ako tatahakin ng aking mga Paa.

"Opo" ang tanging lumabas mula sa aking bibig

"O'sya, pwede ka umuwi at mag isip pa pwede din naman na mag simula ka na ngayon" wika nito at gumilid at buong palad nya tinuro ang daan "Nandoon ang magiging dressing room nyong apat, sakto ang isang bakante para sa iyo"

Tinignan ko sila Rikki, Jeya at Josefa at umiwas lang sila ng tingin sa akin bago ito nag lakad. Sumunod ako sa kanila at sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang mama na tinawag nila.

Medyo malayo na kami at di ko na masilayan ang kanyang muka, pero isa ang sigurado ko, nakangiti ito nang nakakaloko habang nakatingin sa akin.

To be continued

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon