XIX

1K 5 0
                                    

Naunang pumasok sila Jeya papasok ng bar, habang ako ay nasa labas at nag papakundisyon pa ulit ng sarili.

Masyado na kaming napapalayo ni Josefa sa isa't-isa, hindi na kami ganun nag uusap kung kaya ay nangangamba ako kung kamusta na ba sya.

Huminga ako ng malalim at pumasok sa loob ng bar.

Lahat ng empleyado ay sa likod pumapasok, hindi lang din kami ang grupo ng mga babae dito, malaki ang bar, May iba't-ibang entablado kung saan May mga babaeng sumasayaw.

"Sorry" wika ko ng makabungguan ang isang babae

"Tss di kasi natingin sa dinadaanan" masungit na wika nito

Napa rolyo ang mata ko, wala ako sa mood makipag away ngayon.

"Teka..." Hawak nito sa braso ko ng akma akong mag lalakad "Taga mansyon ka din diba? Ikaw ang baguhan at dahilan kung bakit wala na sa akin ang kustomer ko" pag mamataray nito

Huminga ako ng malalim "Hindi ko alam ang sinasabi mo" wika ko

"Wag ka mag maang-maangan pa, kung sabagay, darating din ang araw na malalaos ka" lumapit ito sa akin "Pero mag ingat ka sa mga lalakeng sasamahan mo, lalo na sa dalawang yun"

"Sinong dalawa?" Tanong ko

"Aba bakit ko sasabihin sayo" tinignan ako nito mula ulo hanggang Paa "Kung ako sayo, mamimili ako ng lalakeng sasamahan, masyado ka kasing uhaw sa lalake at kung sino-sino na lang ang sinasamahan mo" inikot nito ang mata nya bago ako lagpasan muntikan pa ako matumba ng banggain nito ang braso ko

Umiling lang ako bago tumungo sa kwarto namin.

Aaminin ko na hindi ako namimili sa kustomer na sinasamahan ko, dahil may pag pipilian pa ba ako?

"Oh ang tagal mo" wika ni Jeya

Kinuha ko lang ang aking susuotin bago nag palit.

"May kinausap lang" wika ko

"Sino si Marites? Jusko literal na Marites yun, diba Rikki" wika ni Jeya, nilagay ko ang buhok ko sa likod ng aking mga tenga bago umupo at nag simula mag lagay ng palamuti sa mukha at katawan "Ang tahimik mo bakla Rikki"

Mula sa salamin ay nakita ko ang pag tapik ni Jeya sa balikat ni Rikki.

"Ano ba!" Halos nagulat kami sa pag sigaw ni Rikki

"Rikki" tawag ko "Anong nangyayari sayo?"

Napapikit ito at napakagat sa labi nya "Sorry, wala"

"May problema ba?" Tanong ko

"Ang sensitive mo naman tinapik ka lang e" wika ni Jeya, napatingin lang si Rikki kay Jeya "Tsaka kung may problema naman yan si Rikki for sure, wala lang yun, diba Rikki"

"Oh ayos na kayo?" Napatingin ako sa gilid nang mag salita si Ms. Rainbow "Bakit nakabusangot ka Rikki?"

"Pwede muna ba ako umuwi?" Tanong ni Rikki kay Ms. Rainbow "Masama ang pakiramdam ko ngayon"

Lumapit naman si Ms. Rainbow at hinawakan ang noo at leeg ni Rikki "Hindi ka naman mainit, mag pahinga ka lang muna dito, bibigyan kita ng 30 Minutos, hindi ka pwede umuwi nak, bayad na yung isa mong kustomer, malaki din ang binigay nya" tinignan ako ni Ms. Rainbow "Ikaw pumunta ka sa table VVIP 1 nandoon si Mr. Tob, mukha magiging regular kustomer mo yun" tumingin naman sya kila Josefa na tahimik lang sa gilid at si Jeya na nakatayo habang iniikot ang iilang hibla ng buhok "kayong dalawa, balik pa rin sa dati, sasayaw at mag hihintay ng reservation, wala pa mga amo nyo. O'sya, humayo na kayo at wag mag parami" natatawang wika nito sa huling salita bago lumabas

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon