VII

5.3K 13 1
                                    

Halos di ako makatulog at ginawa ko na yata lahat ng posisyon sa kama pero di ko mahanap ang tamang posisyon para makatulog.

Wala na si Rikki at ang ilang babae na nakatira sa bahay. Nakakapag-taka lang dahil gabi ang trabaho nila.

Mukhang di din maganda ang naiisip kong trabaho nila, pero di din naman maganda na pag isipan ko sila ng masama.

Napalingon ako kay Josefa ng marinig ko nag hikbi nito. Umupo ako mula sa aking pakakahiga.

"Josefa" tawag ko, tumayo ako at lumapit sa kanya, hinawakan ko ang balikat nya para humarap sya sa akin.

Bigla naman ito umupo mula din sa kanyang pag kakahiga at niyakap ako.

"Patawarin mo, Aey" wika nito "Kasalanan ko kung bakit tayo nandito at kung bakit nakuha ang pera natin"

Niyakap ko ito pabalik "Shhh... Hindi mo kasalanan okay"

"Ako nag pumilit sayo e, patawarin mo sana ako"

"Ginusto ko din naman, isa pa walang May kasalanan sa atin, masyado din tayo padalos-dalos"

Bumitaw ito sa pagkakayakap "Sorry talaga"

"Ayos lang" huminga ako ng malalim "Nakakapang hinayang nga lang, pero May awa ang diyos" ngumiti ako para iparating na maayos ako

Kahit sa loob ko hindi.

Di ko alam kung paano ko mababayaran ang ipinangako ko sa aking tiyahin.

Pero bahala na. Sana gabayan kami ng diyos.

__________________________________

"Saan ang punta nyo?" Wika ni Jeya

"Mag hahanap kami ng trabaho" wika ko, napansin ko naman nag pasimpleng tinginan nila Jeya at Rikki

"Sige sabihan nyo lang ako kung May maitutulong ako sa inyo" wika ni Jeya

"Jeya pwede mag tanong?" Wika ni Josefa

"Nag tatanong ka na" sarkastikong sagot ni Jeya

"Ano ba trabaho nyo? Pwede ba kami dyan?" -Josefa

"Tss, hindi ito simpleng trabaho hindi din madali, kailangan mo ng lakas ng loob sa trabahong ito" wika ni Jeya habang pinapalobo ang bubble gum na nasa bibig nya

"Isa pa mukhang hindi ito para sa inyo, nakatuntong naman kayo sa kolehiyo edi mag call center kayo" wika ni Rikki

"Saan ba pwede mag apply nun?" Tanong ni Josefa

"Yun lang ang di ko alam, malay ko ba dyan" tumayo si Rikki "Una na muna ako ang sakit ng katawan ko ang dami kong customer kagabi" wika nito bago umalis at pumasok sa kwarto

"Mag dala na lang kayo ng madaming resume at mag pasa sa lahat ng hiring na makita nyo" -Jeya

"Hindi ba kami pwede sa inyo?" Tanong pa rin ni Josefa

Lumapit ng konti si Jeya "Kilala ko kayo, alam kong May ideya na kayo kung ano ang trabaho ko, pero sige kung gusto nyo, pwede naman, wag nyo lang ako sisihin pag dating ng oras" seryosong wika ni Jeya

So tama nga ang iniisip ko, paano sya napunta sa ganung trabaho?

"Tara na Josefa para makauwi din tayo ng maaga" Aya ko kay Josefa "Mauuna na muna kami, Jeya, babalik din kami"

"Sige mag iingat kayo" wika nito

Lumabas na ako ng kuwarto at katulad kahapon ay halos pinagtinginan kami ng ilang babae na nakatira sa mansion na iyon.

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon