XXIII

642 1 0
                                    

"Ang perfect naman" wika ng baklang nag aayos sa akin "ang cute ng fox eye mo akla" napatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin

Suot ang itim na gown na May hati sa gilid ng hita ko habang ang mahaba at kulot kong buhok ay Naka messy bun.

Hindi lang pala isang dinner ang pupunta namin ni Mr. Tob, kundi isang malaking Party.

Pag dating ko naman kanina sa office nya ay sumundo din sa akin na mga bakla at sabi aayusan ako nito.

Pumunta naman kami sa isang salon at doon ako inayusan.

"Ang swerte ni Papa Tobi sayo, ang ganda ganda mo ang fresh fresh, anong gayuma ba ang ginamit mo bakla" ngumiti lang ako

"Maswerte din naman sya kay Mr. Tob, manatakin mo, ang isa sa pinaka mayaman, matalino at gwapong lalake ay nakakasama nya" wika ng isang bakla

"Swerte nila sa isa't isa dahil parehas silang maganda at gwapo, nako hihintayin ko ang magiging anak nyo" nag tawanan ang dalawang bakla, ngumiti lang din ako

"O'sya kanina ka pa hinihintay ni papi sa labas" inalalayan ako ng dalawang bakla na makatayo at hanggang sa makalabas kami

"Ola, Mr. Martinez" bati ng isang bakla

Tumayo naman ito at tinignan ako mula ulo hanggang Paa "Better" ang tanging wika lang nila suot ang patay na emosyon "Follow me" nag lakad ito at katulad ng sinabi nya na sundan ko sya ay sinundan ko sya

Pumasok kami sa isang kwarto at pag pasok namin doon may isang lalake.

"Ola, Mr. Martinez" bati ng lalake "Ola, Madam"

Ngumiti ako "Ola" bati ko pabalik

Umupo si Mr. Tob sa couch at umupo din ako sa tabi nya.

"Here is the set of engagement ring, senior"

Napatingin ako sa lamesa at ilang box ng grupo ng mga singsing ang nandoon, mga nag lalakihan din ang mga diamond nito.

"Pick" napatingin ako kay Mr. Tob

"Diba bumili na ako kanina" bulong ko tinignan nya lang ako "Ahm... Okay..." Hindi na ako umangal pa at tinignan ang mga singsing

Sa itsura pa lang alam mong mamahalin na sila.

"Ahm wala ba yung medyo maliit lang ang bato, yung simple"

"Ow... A simple ring for a simple girl, just a moment madam, I'm gonna get y..."

"Here" naputol sa sasabihin ang lalake ng mag salita si Mr. Tob

Napatingin ako sa singsing, malaki ang bato nito sa gitna habang May mga maliliit din sa gilid. Ang ganda nya.

"Good choice, Mr. Tob, just a moment I'm gonna get you a box, Madam" ngumiti lang ako

Sinundot ko ang braso nya para maagaw ang pansin nya "Hindi kita mababayaran kung gaano man kamahal ang singsing na yan"

"I never ask you to pay for it" wika nito

"Okay, ibabalik ko na lang sa oras na matapos na tayo"

Hindi ito sumagot kaya nag kibit balikat lang ako.

Hindi naman nag tagal ay nakarating ang lalake dala ang box, Naka white gloves pa itong kinuha ang singsing at maingat na nilagay sa lalagyanan.

Pagkatapos namin doon ay may mga sinabi lang si Rohan, ang naintindihan ko lang ay May sampung grupo ang nandoon.

Hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin nya.

Ilang sandali pa ay lumabas na kami at sumakay sa isang limousine.

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon