C H A P T E R 01

250 34 36
                                    

Justine Mae's POV

Kasalukuyan ako nasa cafeteria at kumakain ng pancake pero matcha flavor hehe. Remember I'm a matcha girl?

2nd day na ako dito pero sad to say wala pa rin akong friend maliban sa crush which is my hot and handsome teacher pero parang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa laging seryoso at never ngumiti.

Isusubo ko na sana ang last piece ng matcha pancake ko ng makita ko si sir na sobrang gwapo sa simpleng nyang polo na gray kaya kitang-kita ang kakisigang taglay.

Halatang alagang gym ang katawan nya.

Ilang taon na kaya si sir kasi ako 16 pa lang at NBSB pa rin kahit crush wala pa. Ganon yata ako kailap para makahanap ng crush haha.

Dadaan sya dito oh my gosh! Kaya pasimple akong nag ayos ng upo at pigilan na kiligin kung baga hard to get muna ako.

"Goodmorning Sir!" Masigla kong bati at ngumiti ng pagkatamis-tamis na siguradong lalanggamin ka.

Tumango sya, "Morning." Pero stay seryoso pa rin sya at pumunta na sa counter, kita ko kung paano magpacute yung tindera.

Tsk, mas maganda pa kaya ako don, hmp!

Hindi rin tumalab ang charm ko sa kanya, napasimangot ako sa isipan ko.

"Psst! Pwedeng makiupo?" Tanong isang di familiar na lalaki pero ang pogi ni kuya.

"Sige lang matatapos na rin naman ako eh." Walang gana kong sabi.

"Oh bat ang tamlay mo yata?" At kain ng order nyang pancake kaso oat chocolate na pancke.

"Nothing, wala rin kasi akong kaibigan dito dahil transferee lang ako." At napabuntong hininga ako.

"Ako pwede."

Napatingin ako sa kanya na may pagtataka.

"Huh?"

"I mean pwede mo akong maging kaibigan kasi parehas lang tayong walang kaibigan dahil may sekreto ako at natatakot akong malaman nila yun."

"Bakit anong bang klaseng sekreto yan?" Usisa ko.

"Nahihiya ako." Habang may lagay buhok sa kanyang tenga kahit wala naman talaga.

Hala sya!

Tumikhim muna ako at tumingin sa kanya na inu-usisa ko ang kabuuan nya.

"You mean, yung sinasabi mong sekreto ay..."

Tumabi ako sa kanya para kami lang ang nagkakarinigan sa sasabihin ko.

"Bakla ka?" Bulong ko.

Rumehistro sa mukha nya ang pagkagulat.

"Huwag mong ipagsasabi yan ha? Tsaka can we be sisterets I mean bestfriend." Sabay lahad ng kamay nya.

"Mochiron! (Oo naman!) Este oo naman hehe and of course your secret is safe with me badaf?"

"Haha baliw ka. Matanong ko lang hapones ka ba?"

"Half lang. Papa ko Hapones, si mama naman pure Filipino. Pero sayang ka badaf ang pogi mo pa naman."

"Baliw hindi pogi kundi maganda chararat, by the way I'm Joshua Kurt Tan but call me Joshia." Maarte nyang sabi.

"I am the cutest and most beautiful goddess on the face of the earth and named Justine Mae Usui. Nice to meet you fairy haha." Pagpapakilala ko.

"Gege ako ang fairy ikaw ang dyosa sa ating dalawa hahaha."

"Badaf ka nga talaga."

"Chararat ka naman."

Nagtinginan kaming dalawa at tumawa. Yehey! Sa wakas may friend este BESTfriend na ako.

***

Hindi ko akalain na magkaklase pala kami ni Joshua I mean Joshia at nasa harapan ko pala sya nakaupo kaya hindi ako magiging lonely sa likod.

As always nandito rin yung tatlo pero hindi ko sila pinapansin dahil hindi naman dapat kahit na gwapo silang tatlo pero mas gwapo pa rin sa paningin ko si sir hihi at sapat na si Joshua para maging kaibigan ko pero nanghihinayang talaga ako sa baklang toh, ang pogi pogi tapos ang manly ng pormahan yun pala naka del fabricon.

Tinignan ko ang schedule namin at nakakalungkot dahil hindi sya magtuturo ngayon, he's music teacher sakto I love music. Nakabalik na raw ang original adviser namin this year.

Speaking of adviser, ayan na sya.

Tumayo kaming lahat bumati tsaka umupo.

"Goodmorning everyone, I'm really sorry to all of you, it's the wrong time for me to get sick... By the way, you miss on the back can you introduce yourself because I found out that you are a transferee." Sabay turo nya sa akin.

Deretso english si ma'am ah.

"Yes po ma'am." Tanging sagot ko at tumayo na.

Sanay na ako sa introduce yourself dahil sa japan ganon ang ginagawa namin. Pumunta ako sa harap at ngumiti ng matamis sa kanila sabay bow ng kaunti.

"Hello everyone! I'm Justine Mae Usui but just call me tine-tine, I'm half Japanese and half Filipino I transferred here from japan because of my daddy's business. Yoroshiku!" (Nice to meet you all!) Sabay bow ko ulit.

"You're so cute."

"Tsk another bitch."

"Ang ganda mo naman tine-tine!"

"Can I get your number ms cutie!"

"Thank you for choosing our school ms. Usui, you can sit down now."

"Nice to meet rin po ma'am." At nagbow ulit ako sa kanya at ngumiti. Ngumiti rin sya, bumalik na ako sa upuan.

"Hi, I'm Bryce Kent Santiago nice to meet you." Sabay lahad nya ng kamay, mukha naman syang good boy tsaka honestly gwapo sya.

Kinuha ko ang kamay nya at ngumiti. "Nice to meet you rin."

"Eto nga pala si Zero at Darell kaibigan ko pero mag ingat ka kay Darell suplado yan tsaka si Zero playboy yan, ako lang ang good boy sa kanila." At tumawa sya ng mahina.

Tumawa rin ako ng mahina at tumango tango ako.

"Hoy Bryce huwag mo nga akong siraan kay miss beautiful. Hi miss beautiful, huwag mo syang pansinin inggit lang sya sa karisma ko." Ani ni Zero.

"Anong inggit ka dyan, mahiya ka nga dude alam naman nating mas gwapo ako sayo noh." Ani ni Bryce.

"Tsk, hey you two! Shut up you two or else!" Iritang at cold saway ni Darell sa dalawa, hay naku! Eto kasing dalawa nagpapalamangan pa kasi kung sino ang gwapo sa kanilang dalawa.

Bigla tumahimik yung dalawa, natakot yata sa boss nila, ang cold ba naman.

Hindi ko na sila pinansin at nakinig kay ma'am nagtuturo na.

Magiging maganda yata ang school year ko ngayon ah!

Okay lang kung hindi magturo si sir James ngayon, basta ang mahalaga ay nakita ko sya at pinansin nya ako kahit simpleng 'morning' at pagsulyap nya sa akin ay sapat na.

Napapangiti na lang ako sa kawalan nang ma-imagine ang itsura nya kanina.

Ang gwapo talaga ni crush este ni Sir James.




To be continued...

Finished Edit: 12/05/2021 9:44 P.M.

© 2021 SweetQueen_24

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon