C H A P T E R 27

104 9 3
                                    

Justine Mae's POV

*Bell rings*

Kasabay non ay napangiwi ako nang bigla akong hilahin ni Joshua matapos kong ayusin ang mga gamit ko.

"Hoy Joshua saan mo dadalhin si Justine?!" Rinig kong sigaw ni Darell habang papalabas ng room.

"Basta! Somewhere! Babush!" Sigaw pabalik ni Joshua.

Nang makarating kami sa parking lot ay binitiwan ako ni Joshua at pareho kaming hingal na hingal. Binigyan ko sya ng batok.

"Ouchi~ para saan yun chararat?!" Nakanguso nyang sabi.

"Walanghiya ka kasi, kung makahila akala mo may concert ng BTS tayong pupuntahan, tsk." Inis kong sabi.

"Punta na muna tayo sa mall para makapag ayos tayo. Remember? Fake girlfriend thing eww." Nandidiri nyang saad. "Nakakainis kasi eh!" Maktol nya pa.

Ayaw nya pa kasing maging tuwid sa baliko nyang pagkatao nang hindi sya nahihirapan.

Napatawa ako. "Magpalalaki ka na kasi. Kung gusto mo tulungan kitang maging tuwid?" Taas-baba ng kilay at nakangising alok ko.

"No, thanks na lang. NEVER magbabago ang pagkatao ko, TAPOS! hmp!"

"Sus! Huwag mong sabihin ang salitang tapos badaf, baka balang araw ay makahanap ka ng katapat at magpapabago sa'yo." Mahina kong sabi sa dulong bahagi.

Sana magkatotoo yun haha.

"Whatever." Sabay sakay nya sa kotse.

Pagkarating namin sa mall, as usual ay agaw pansin itong katabi ko sa mga kababaihan. Some of them ay kinukuhanan si Joshua ng pictures ngunit baliwala lang sa katabi ko diretso ang tingin. Kulang na lang reporter at red carpet haha.

Iba talaga ang karisma ng baklang ito.

"Bagay na bagay sila."

"Kuya pa notice po!"

"Kuya ang pogi mo daw sabi ng kaibigan ko!"

"Ano daw po ang pangalan mo kuyang pogi!"

Napatingin ako kay Joshua na hindi maipinta ang pagmumukha haha. "Yuck~ kaderder ang sinasabi nila." Bulong sa akin ni Joshua.

Napahagikgik ako sa sinabi nya.

Gusto ko sana pagtripan kaso huwag na lang baka mawala pa ang usapan namin eh.

Nagtungo kami sa isang botique na pagmamay-ari ng mama nya na isang fashion designer. Hanep!

Nang makarating kami ay sabay sabay na yumuko ang mga nagtatrabaho.

"Good afternoon po sir Tan!" Bati nila.

Owws sir nga ba? Haha.

Tumango lang si Joshua. "Pumili ka na Mae."

"Okay." Tanging sambit ko.

Nagsisimula na akong pumili tsaka iyon binayaran ni Joshua. Baka daw malugi ang shop kung libre lang.

Kay bait na bata, charot!

Sinuot ko na rin ang binili ni Joshua, kahit sya ay nakapag-ayos na rin syempre ako ang pumili ng susuotin nya. Pumunta naman kami sa isang salon at nagpaayos, gusto ko ay simple lang.

Habang naglalakad kami papalabas ng mall ay naramdaman ko na tila may nakatingin sa akin or I should say sa amin.

Nagpalinga-linga ako para makita kung sino yun ngunit wala akong mahagilap na tao. Guni guni ko lang yata yun.

And the night comes ay nakarating kami kila Joshua, nagmeryenda kasi kami kanina. Napa wow ako sa ganda ng bahay nila este mansion, classic na classic ang dating nito na bagay pa rin modernong panahon. Para akong dinala sa sinaunang panahon.

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon