C H A P T E R 21

118 12 9
                                    

Someone's POV

Nakakagod dahil sunod sunod ang project ng professor namin pero buti na lang nakapagpasa na ako.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway papuntang garden ng highschool dahil mas tahimik ang garden nila dito kaysa sa garden ng college, marami ang naghaharutan tsaka kapag nandoon ako, nakikita ko ang ala ala ng ex ko pero move on na ako sa kanya dahil ngayon may nagugustuhan na ako.

Napakunot ako nang makita na may natutulog na babae sa ilalim ng puno. Hindi basta basta babae, ang babaeng gusto ko. Simula noong nakita ko sya, may kung ano akong nararamdaman at iba ang aura nya kumpara sa ibang babae na nakilala ko.

Pupuntahan ko na sana sya para pagmasdan ang kanyang ganda nang may pumunta doon na lalaki at hinalikan ang babaeng gusto ko, hindi ko namalayan na nakakuyom na pala ang dalawang kamay ko.

Hindi ko mamukaan yung lalaki dahil malayo ako sa kanila at nakatalikod sya sa akin ngunit yung tindig at suot nya ay hindi parang isang estudyante.

Sa iglap ay biglang nawala ang lalaki kasabay nun may narinig akong yapak kaya taranta ako at nagtago sa mga halaman na mayroon dito, pagdating ng isang lalaki na mukhang kaibigan nya ito ginising nya ang babaeng gusto ko at umalis na sila na naghahabulan.

She's so cute haha.

Justine Mae's POV

Kinabukasan...

Tarantang napabangon ako dahil ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Ugh! Sino kayang walangya ang biglang nag-istorbo ng tulog ko.

Napangiwi ako ng si papa pala ang tumatawag. Sunday pala ngayon at family bonding pala namin.

Muntik ko ng makalimutan.

Sinagot ko ang tawag kahit inaantok pa ako.

"Hello papa." Inaantok kong sabi.

"Good morning princess, gumising ka na dyan at susunduin ka namin ng mama mo."

"Good morning din po, sige po papa I love you po. Bye."

"I love you too princess, sige na at mag aayos pa kami ng mama mo. Bye."  Then call ended.

Biglang nawala ang antok sa katawan ko ng may mag-doorbell. Ang bilis naman yata nila.

Walang ayos-ayos ay agad akong pumunta doon at buksan ang pinto.

Nahiya bigla ako dahil sa ayos ng sarili ko at malala pa nakita nya akong ganito na hindi pa naghihilamos at nakakapagsuklay. Sa pagkabigla ko at magsasalita sana sya ng isara ko ang pinto at hindi ko sinasadya na mapalakas ng pagsara.

Bakit sya nandito?

Dahil sa hiya ay agad akong pumunta sa banyo at naghilamos at nagsipilyo. Mabilisan akong nagsuklay at pumunta na sa pintuan.

Sana hindi sya umalis para makahingi ako ng sorry.

Huminga muna ako nang malalim at pinihit ang door knob. Nakahinga ako nang maluwag dahil dininig agad ang hiling ko.

"G-good m-morning po sir." Utal utal kong bati sa kanya.

My goodness Justine umayos ka!

"Good morning and please don't call me sir kung wala tayo sa school, just call me James or Liam or maybe mine." Pabulong nyang sambit sa dulong bahagi na hindi ko narinig.

"Pasensya na sir I mean James sa pagsara ko ng pinto kanina hehe." Nahihiya kong sambit.

"Pft it's ok. By the way, This matcha chocolate was just sent to me by my friend in Japan. He gave me more so the others are just for you, baka sumakit pa ang ngipin ko kapag napasobra haha." natatawa nyang saad.

Natawa ako sa sinabi nya pero ang hot nyang tumawa.

Kinuha ko ito at aksidente kong nahawakan ang kamay nya, ito na naman ang kuryente at ang puso ko.

"S-salamat James. Ayun lang po ba?" Tanong ko dahil maliligo at mag aayos pa ako ng sarili ko, baka mamaya n'yan dumating na sila mama.

Napahawak sya sa batok at tila ay may sasabihin ngunit umiling lang ito at ngumiti nang matamis. "Nothing, sige alis na ako." Tumalikod na sya at pumasok muli sa unit nya.

Pigil hininga kong sinarado ang pinto, inilagay ko muna sa ref ang chocolate at dali daling pumunta sa kwarto. Humilata ako, kinuha ang unan at doon ako tumili sa kilig, baka marinig ako ng kapitbahay at mapagalitan pa ako.

Nang magsawa na ako magsisigaw dito ay naisipan ko ng maligo. Kinakanta ko pa habang naliligo ako ang 'Crush' by David Archuleta.

A/N: Nasa itaas hehe enjoy. Playing Crush by David Archuleta.

 Playing Crush by David Archuleta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


A/N: Ito ang suot nya.

A/N: Ito naman ang ayos ng buhok nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Ito naman ang ayos ng buhok nya. Pasensya na at hindi magaling mag explain si author hehe.

Pagkatapos kong maligo ay nag ayos na ako at tapos na.

Isinuksok ko sa sling bag ko ang cellphone at wallet at lumabas na ng unit. Pagkalabas ko ng condominium ay hinintay ko sila mama syempre tinext ko muna.

Habang naghihintay ay nakita kong lumabas si James at napatingin sa gawi ko. Umiwas agad ako ng tingin at nagkunwaring nagc-cellphone.

Sa gilid ng mata ko, nakita ko syang nakatingin sa akin at tila nakakunot ang noo, ang gwapo nya at saan kaya sya pupunta ngayon?

Napaigtad ako sa gulat ng may bumisina sa harap ko.

Tumingin agad ako doon, si papa at mama lang pala. Pumasok agad ako sa passenger seat. Pinaandar agad ni papa ang kotse.

"Nakakagulat po kayo mama, papa." Nakanguso kong sambit.

"Sorry anak ang lalim kasi ang iniisip mo." Natatawang saad ni papa.

Mas lalo akong napanguso ng tawanan din ako ni mama. Bad mama.

"Haha kanina ka pa namin tinatawag kaya bumisina na ang papa mo. Sorry sweetie." Aniya.




To be continued...

Finished Edit: 01/27/2022  10:21 P.M.

© 2021 SweetQueen_24

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon