C H A P T E R 32

95 7 0
                                    

Justine Mae's POV

Feeling ko magkakasakit ako ngayon dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ako makatulog nang maayos kagabi dahil sa nangyari.

Pagkarating ko sa school ay ang pagbuhos ng ulan kaya dali dali akong pumasok sa hallway ng building. Tsk, hindi yata magiging maganda ang araw ko ngayon.

Kinuha ko ang bimpo ko sa bag at agad pinunasan ang sarili.

"Justine!" Sigaw ng pamilyar na boses.

Napatigil ako sa pagpupunas at napalingon sa kinaroroonan nya na ngayon ay nakangiti syang tumatakbo habang kumakaway. Ngumiti at kumaway din ako pabalik.

Si Darell.

Pagkalapit nya sa akin ay agad nya akong hinawakan sa balikat at nag aalala syang tumingin na makitang basa ako pero kaunti lamang.

"Are you okay? Basa ka."

"Okay lang ako, tsaka kaunting basa lang toh." Malumanay kong sabi at pinagpatuloy ang pagpupunas. Nabigla ako nang hawakan nya ang kamay ko na may hawak na bimpo, kinuha nya ang bimpo sa kamay ko tsaka nya pinunasan ang buhok ko.

Napawaang ang bibig ko habang pinagmamasdan ko.

"Hindi kaba nagdala ng payong?" Sermon nya.

Napanguso ako sa sinabi nya. "Hindi ko kasi alam na uulan eh."

Natawa sya at inakbayan ako. "Tara sa cr para makapagbihis ka, baka magkasakit ka pa. Malalagot pa kami sa mga kuya mo."

Napalaki ang mga mata ko at tsaka pinag-cross ang mga braso ko sa aking dibdib.

"What?" Inosente nyang tanong.

Napalayo ako sa kanya at matalim ko syang tiningnan. "Siraulo ka ba o sadyang siraulo ka lang! Huwag ka nang sumama sa akin papunta sa cr, kaya ko ang sarili ko."

"Tss, hanggang labas lang ako. Don't worry I respect you as a woman, iba yata ang nasa isip mo..."

Bigla syang ngumisi at lumapit sa akin, napaatras ako hanggang sa maramdaman ang pader sa aking likuran. I was about to run when suddenly he pinned me to the wall and his arms were on the other side of me. Inilapit nya ang kanyang mukha kaya napapikit ako nang mariin.

"Pero kung anuman iyang nasa isip mo... Gusto mo gawin natin." He whispered in my ear which widened my eyes. Nataranta ako sa sinabi nya, sa taranta ko ay nasipa ko bigla ang ano nya — ang kanyang kinabukasan at tinulak ko sya.

Namumula na ako ngayon sa hiya. Siraulo kasi sya eh!

"Arrgh! F*ck! I'm just kidding, I'm not really going to do that! I'm not that kind of guy. D*mn, kawawa ang magiging anak ko nito!" Reklamo nyang daing.

Inirapan ko sya at nag-cross arm sa harap nya. "You deserve that you pervert! Bahala ka na diyan, hmp!" At kinuha ko sa kamay nya ang bimpo ko at naglakad palayo.

"Hey I'm sorry! Hintayin mo ako sandali! Ouch!"

Nag make face lang ako sa kanya at natawa dahil sa pa-ika ika syang lumakad habang nakasimangot papunta sa akin.

Naawa naman ako sa kalagayan nya. Inalalayan ko syang maglakad, nakaakbay sya sa akin at hawak ko bewang nya.

"Sorry Darell." Malumanay kong paumanhin.

"..."

"Ay nagtatampo sya oh." Kunwari kong malungkot.

Napatigil kami sa paglalakad at humarap sya sakin. Hinawakan nya ang pisngi ko at tinignan nya ako na may ngiti sa labi.

"Huwag ka nang malungkot, hindi ako nagtatampo. Promise."

"Totoo?"

"Hindi, ayaw kitang makita na malungkot dahil..." He took a deep breath. "Special ka sa akin at lagi mo iyan tatandaan palagi." Hinila nya ako at niyakap nang mahigpit at hinalikan nya ang noo ko kaya napapikit ako.

Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at inilahad ang kanyang kanang kamay. "Tara na." Nakangiti nyang aya.

Tumango at ngumiti sa kanya tsaka tinanggap ang kamay nya. He suddenly intertwined out hands kaya nakaramdam ako ng kaunting pagkailang.

"Uncomfortable?"

Umiling ako. "Awkward lang hehe."

He chuckled. "Don't worry, masanay ka na sa akin. Dahil araw-araw akong ganito sa iyo at sa iyo lamang." Sincere nyang sabi.

Suddenly my heart going crazy and feel tingling.

Pagkapasok namin sa room, bibitawan ko na sana ang kamay nya na hinigpitan nya ito sa pagkakahawak kaya napatingin ang mga kaklase namin sa amin na may pagtataka, nakangiti, disappointment, at kinikilig.

Nahiya tuloy ako. Yumuko ako dahil sa hiya, siraulo rin kasi itong lalaki. Inalalayan at hinatid nya pa ako sa upuan at umupo sya sa tabi ko.

Lumapit naman sa akin ang tatlo na may nakakalokong ngiti.

"Hoy ano yun, huh?" Pangangasar ni Joshua.

"Oo nga naman. What's the meaning of this?" Nagtatakang sabi ni Bryce.

"Wushu! So speed pare. May holdings hands pero wala namang label haha."

Namumula akong dumukdok sa mesa ko.

Mga walanghiya talaga!

"Stop teasing us. Maghanap kayo ng sa inyo, tss." Naiirita sabi ni Darell.

"Ows bakit ikaw namumula ayieee." Asar ni Joshua.

"N-nothing." Rinig kong sabi ni Darell.

"Haha nahiya pa kayong dalawa. Ang ship lumalayag na!" Sabi ni Bryce.

Nakakahiya sila grabe! Ramdam ko na nasa amin ang ibang atensyon ng kaklase namin.

Maya maya ay may pumasok na isa sa kaklase ko na lalaki, yung nag announce dati tungkol sa grade namin, sya ang news caster namin dito sa room.

"Madlang kaklase! Vacant tayo ng dalawang oras dahil wala si sir James na magtuturo sa akin!"

Nakuha ang atensyon ko sa narinig kaya napaangat ako ng ulo. Narinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga kaklase ko at ang iba ay naghiyawan.

"Ayy anu ba iyan!"

"ML tayo pre."

"Todo ayos pa naman ako para sa kanya, tapos wala pala sya ngayon."

"Cafeteria na lang muna tayo."

Bakit wala sya ngayon?

Lalong bumigat ang pakiramdam ko sa hindi ko malaman ang kadahilanan at may kaunting kaba.

Magtatapat na sana ako kahapon kaso iyon na nga. Where did he go yesterday? Mahalaga ba iyon?

Nakakainis minsan dahil kung meron ng pagkakataon ako tsaka lang may e-epal, haisst! Ang buhay parang life but understand kung reasonable ang ginawa nya kahapon kaya hindi sya nakapunta.

Dahil sa boring at mabigat pa ang pakiramdam ko plus umuulan pa ay nakaramdam ako ng antok. Gusto kong humilata ngayon sa kama.

"Inaantok ako." Saad ko.

"You should dahil halata sa mata mo." Sabi ng katabi ko.

Tumango ako at dumukdok muli ako sa mesa at pumikit.

"Sleep tight, gisingin na lang kita kapag breaktime na." Hindi na ako nakasagot dahil sa antok pero nararamdaman ko, naramdaman ko ang mainit at malambot na bagay sa noo ko and I know kung ano iyon.

He kissed my forehead at hinahaplos ko ang buhok kaya naging komportable ako.





To be continued...

Finished Edit: 03/03/2022  11:53 A.M.

© 2021 SweetQueen_24

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon