C H A P T E R 18

129 16 17
                                    

Justine Mae's POV

Naalimpungatan ako sa sigaw ng isa sa mga kaklase kong lalaki na akala hinabol ng sampung toro. Tss istorbo sa tulog ng dyosa.

"Guyss... P-pwede... Na natin... Makita... Yung mga GRADES natin!!" Hingal ngunit hyper nyang sabi.

Naka enervon yata toh araw-araw kaya kahit hingal na hingal na halos kunti na lang mahihimatay na hyper pa rin.

Pagkarinig na pagkarinig pa lang ng mga kaklase ko ay agad-agad at marahas silang nag-unahan sa paglabas kaya yung lalaki kanina ay naipit na. Nakakaawa ang kalagayan nya ngayon na gulo gulo na ang buhok pati na ang kanyang uniporme gusot gusot na.

Tutulungan ko na sana yung lalaki nang hilain bigla ako ni Darell palabas ng room. Walanjo! Excited lang! Excited! Tss. Kawawa pa naman yung lalaki.

"Hoy yelo! Dahan dahan naman sa pagtakbo baka mahulog pa tayo sa hagdan, kakahila mo sa akin!" Singhal ko habang natakbo kami pababa ng hagdan.

"Hehe sorry na, dalian lang natin baka maunahan pa tayo." Kamot batok nyang sabi.

Napapailing na lang ako sa kanya. Excited lang!

Pagdating namin sa bulletin area, marami ng studyante ang tumitingin din sa bulletin board.

Nakikipagsiksikan pa kami bago makapunta sa harapan. Nagtataka rin ako kung bakit panay ang tingin sa akin, yung iba ay ngumingiti.

Nandito na rin pala ang baklitong toh, hindi man nya ako sinama papunta rito, hmp!

Siniko ko sya nang mahina kaya napatingin sya sa akin na may ngiti at nagpipigil na tumili haha.

Umangkla sya sa braso ko at hinila sa dulong bahagi ng bulletin board kaya nabitawan ako ni yelo at sumunod sa amin.

"Look Mae! Ang galing galing mo talaga wah!" Excited nyang sambit habang turo turo nya kung nasaan ang pangalan ko.

Sinundan ko ng tingin ang tinuturo nya at napanganga sa nalaman.

Loading...

Napatili at nagtatalon ako sa saya ng mag top one ako sa exam overall at hindi lang yun perfect pa!

Ang talino talaga ng dyosa nyo!

"Is this really true Josh, Darell?!" Hindi makapaniwala kong sambit habang inaalog alog ko ang mga balikat nila.

"Congrats Justine!" Nakangiting bati sa akin ni Darell.

"Thank you!" Masaya kong sambit.

"Congrats Mae! Ang talino talaga ng bestfriend ko. Mana sa akin." Bulong nya sa akin yung dulo.

"I know right pero salamat bestfriend." Niyakap ko sya sa sobrang saya.

"Ehem! Ako ba wala ring hug dyan." Nakapout at parang batang nyang sabi ni Darell.

Aaminin ko ang cute nya haha. I can't resist  his cuteness wah! I love cute things talaga.

Hindi ko na napigilang paggigilan ang pisngi nya.

"Wah! Ang cute cute mo talaga haha." Natatawa kong sambit habang pinipisil pisil ko ang pisngi nya.

"Aw ang shakit tine." Nakasimangot nyang daing.

Natatawa akong binitiwan ang pisngi nyang namumula na.

"Sorry na, hindi ko napigilan eh hehe." Malambing kong sabi at hinilot hilot ko ang pisngi nya.

Napangiti naman sya, nabigla ako nang hapitin nya ako at niyakap.

Narinig ko ang mga tilian na nasa paligid namin.

"Ayieeee bagay sila." Kinikilig na sabi ni Joshua.

"Aray! Kinagat ako ng langgam. Ang sweet kasi eh." Boses nila Zero at Bryce na hindi ko alam na nandito na pala sila.

Dali dali akong kumalas sa yakap ni Darell ng makita ko si sir na nasa likod ng mga studyante na nakatingin pala sa amin at walang emosyon na umalis. Hahabulin ko na sana si sir ng may humawak sa braso ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Darell na nagtataka.

"Mag c-cr muna ako sige bye." Pagsisinungaling ko at hindi ko na hinintay ang sasabihin nya.

Lakad takbo at luminga linga ako sa paligid na baka sakaling makita ko sya. Bigo akong makita sya kaya dumiretso na lang ako sa garden na bagsak ang balikat. Umupo ako sa ugat ng puno ng mangga.

Mali yung nakita nya!

Pero napapaisip ako na bakit ganun ang makatingin si sir kanina na walang emosyon at nakakuyom ang kamao nya habang nakatingin sa amin na magkayakap kami ni Darell.

Ano pa ba ang aasahan ko. Alam ko naman na wala syang pakielam tsaka hindi nya pala alam na may gusto ako sa kanya. Mas lalong walang kami at hindi kami pwede sa isa't isa.

Napabuntong hininga ako sa naiisip ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Liam James POV

Nakaupo ako ngayon sa lilim ng puno ng mangga dito garden at nakatingin sa malayo.

May kung ano sa loob loob ko na makita ko kanina na magkayakap sila.

Flashback...

Pagkatapos kong gawin ang ginagawa ko na trabaho sa laptop ko na para sa kompanya namin.

Napasandal ako sa swivel chair at hinilot hilot ang aking sintido.

"D*mn ang sakit sa ulo." Inis na bulong ko.

Napatingin ako sa garden ngunit wala sya ngayon doon. Napapangiti ako ng makita ko sya nung isang araw na kumakanta.

What an angelic voice she had.

Ang sarap sa pandinig na kumakanta sya. Ngunit napasimangot ako ng maalala ko na biglang sumulpot sa harapan nya yung magaling kong kapatid tss.

Nakangiti ang ugok na nakikipag usap kay Justine. Nainis pa ako ng makita na mukhang naging close agad sila. Tss.

Naisipan kong lumabas muna at maglakad lakad. Gusto kong kamustahin at batiin si Justine dahil sa perfect sya sa exam sa overall, gano'n din dahil highest ang average nya this second grading.

Ngunit sa hindi ko inaasahan na makitang magkayakap sila ni mr Ermita at may nagtitilian sa paligid nila na mukhang nais ang kanilang nakikita.

May kung ano sa puso ko at napakuyom ang mga kamay ko. Umalis na ako doon at dumiretso sa garden para magpahangin.

Flashback End...

Aalis na sana ako ng maramdaman kong may pumatong sa balikat ko. Napatingin ako sa katabi ko at hindi ko man lang namalayan na may tumabi pala sa akin.

Si Justine na nakatulog sa balikat ko, kita ko sa mukha nya ang lungkot.

Inilagay ko sa tenga nya ang kaunting hibla ng kanyang buhok na humaharang sa maamo nyang mukha.

Hindi ko napigilang ngumiti dahil sa magandang tanawin na meron ngayon.

D*mn naramdaman ko na biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang baliw na nakangiti habang nakatitig sa magandang babae na katabi ko ngayon.

Mahirap aminin pero...











I'm starting to like her.

To be continued...

Finished Edit: 01/15/2022  1:40 P.M.

© 2021 SweetQueen_24

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon