C H A P T E R 29

99 8 0
                                    

Justine Mae's POV

Kinabukasan...

Maaga aga akong nagising dahil mamayang 9 am ay aalis ang bus na aming sasakyan papunta Centra Verga University dahil doon gaganapin ang paligsahan.

I'm here at my parents house. Dito ako umuwi kagabi gaya ng sabi sa akin ni mama.

Pagkatapos kong mag aagahan ay naligo na ako.

"Sweetie are you done!" She asked while knocking at my bedroom door.

"Magbibihis lang po ako sandali!" Sagot ko, kasalukuyan akong nagbibihis.

I wear a denim dress na off shoulder, one inch above the knee at color sky blue na bumagay sa aking skin tone.

Sinimulan kong suklayin ang buhok ko na hanggang dibdib, hinayaan ko lang itong bagsak para habang nasa daan ako ay matuyo ng kusa.

May kumatok muli. "Anak papasok na ako ah?"

"Sige po." Tanging sagot ko dahil inaayos ko na ang aking kama.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

I turned my gaze to mama who was walking towards me as she was wearing the bright smile that my daddy loved so much.

Hinalikan nya ako sa pisngi ko tsaka ngumiti. "Goodmorning sweetie." Malambing nyang bati.

I kissed her cheek also and smiled. "Goodmorning mama."

"Handa na ang lahat at nasa kotse na ang kakailanganin mo at kami na ang magdadala mamaya, I'm so excited na makita ka mamaya sa stage!..." She giggled. "Ipapahatid kita kay manong, okay? Tapos susunod na lang kami doon ng daddy mo sa nasabing lugar. Kasama rin namin ang magiging make-up at hair stylist mo sweetie." Lintaya nya.

Niyakap ko sya nang mabilis. "Thank you po sa inyo ni papa, you're the best mom! I love you po!"

"Haha I love you too sweetie basta para sa princess namin."

Hinatid na ako ni manong papunta sa school. Pinagbuksan ako ni manong ng pinto. "Thank you manong."

"Walang anuman ma'am."

"Ingat po sa pagmamaneho manong." Tumango naman at umalis na.

Habang busy ako kakatingin sa labas ay biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang mensahe from that 'Matcha Boy'. Iyon ang inilagay ko sa contacts ko.

Matcha Boy:

Goodmorning to my Matcha Girl! Don't forget to eat your breakfast. I don't want you to be hungry so eat a lot but don't worry even if you gain weight, you are still the most beautiful woman in my eyes.

See you later sweetheart 😘

Napangiti ako ng kusa. Walanya kung sino ka man, naku!

Pa-kutos kahit isa lang, ang cheesy.

Nakita ko na ang mga makakasama ko kaya dali dali akong pumunta doon. Hindi pa sila nakaayos katulad ko dahil baka maging haggard ang itsura namin kung na ayos na kaming lahat pagdating doon.

Napatingin sila sa akin kaya kumaway ako sa kanila na kumaway din sa akin pabalik. Ang ibang kalalakihan sa grupo ay napaawang pa ng bibig, hindi ko ito pinansin.

"Goodmorning guys!" Masayang bati ko.

"Goodmorning President!" Bati nila pabalik.

"Mae!" Tawag sa akin na alam kong si Joshua yun haha.

I turned my gaze at him na kararating lamang, nakatingin kami ng mga impit na tilian sa paligid pero yung iba tumili talaga. Haha ang gwapo ba naman ni Joshua sa polo nya at ang bakla ay na shades pang nalalaman na hindi mo akalain na bakla ang isang ito.

"Ang gwapo natin ngayon ah?" Nakangisi kong puri sa kanya. Ngunit iniripan lamang ako ng bakla haha.

Attitude ka beks?

Napatingin ako sa paligid kung nandito na sya ngunit bigo ako. "Nakita nyo ba si sir kanina?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi pa po pres." Tugon sa akin ni Janna na isang third year.

"Hinahanap mo ba ako?"

"Ay gwapo!" Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat.

Narinig ako ng mahina nyang pagtawa sa likuran. Pagkaharap ko sa kanya ay sumalubong sa aking ang kagwapuhan nya. He's like an angel for me sa suot nyang 3 piece white tuxedo. Nagsalubong ang mga mata namin, parang may kinang sa mga mata nya habang tinitingnan nya ako sa aking kabuuan.

"Ayieeee gwapo ka DAW sir!"

"Justine ah haha."

Namumula na ako sa hiya grabe.

"Tama na iyan Justine baka matunaw si sir sa titig mo!" Asar ni Joshua.

Ako na ang umiwas sa tinginan namin dahil hindi ko kinaya ang titig nya sa akin. I composed myself ganun din ang ginawa nya tsaka sya tumikhim with his intimidate expression na humarap sa amin.

"Are we all complete?"

"Yes sir!" Sigaw namin.

"Then let's go."

Pagkasabi non ay nagsipag-unahan ang lahat sa bus maski si Joshua bago sya tumalikod ay ngumiti sya nang nakakaloko na parang ba'ng may binabalak syang kalokohan.

"You go first." He said.

Gosh he's so gentleman as ever.

"Thank you po." Nginitian ko tsaka ako pumasok ng bus na halos kami na lang ni sir ang wala. Ramdam ko na nasa likod ko sya kahit hindi lingunin.

Halos lahat ay may nakaupo na, napatingin ako sa dulong bahagi kung may bakante pa ba. Napangiti ako ng makita meron nga. Agad akong pumunta doon at umupo sa tabi ng bintana.

Umupo sa tabi ko si sir James na nagpakilig sa akin, kasi first time ko syang makatabi sa bus. Amoy na amoy ko ang pabango nya, sweet but manly scent.

Pwede ba'ng ganito na lang kami forever? Na forever ko syang nasa tabi ko?

But I guess, it will never be happened.

And I guess, susulitin ko na ang oras na ito.

Nagsimula ng umandar bus. Kumuha ako ng matcha chocolate sa mini bagpack ko para maalis ang boredom ko.

Ramdam ko ang titig nya sa akin kaya nabaling ang paningin ko sa kanya. Nakatingin talaga sya sa akin na may mumunting ngiti sa labi.

Huwag ganyan sir! Baka mahulog ako sa'yo ng tuluyan!

"Gusto mo po ba?" Alok ko sa kanya ng matcha chocolate ko.

Umaliwalas ang mukha nya at ngumiti. "Oo naman bakit hindi."

Gusto nya rin ang ganitong flavor? Parehas lang pala kami ng gusto.

Ibinigay ko sa kanya ang isang buo na matcha chocolate ko. "Thank you."

"Walang anuman."

Pagkatapos kong kumain ng chocolate ay nakaramdam ako ng antok dahil sa hangin na sumasagi sa akin. Unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko at tuluyan na nakatulog sa biyahe.

Ngunit bago po ako lamunin ng kadiliman ay naramdaman ko ang matikas na balikat na naging komportable sa akin.




To be continued...

Finished Edit: 02/18/2022 6:44 P.M.

© 2021 SweetQueen_24

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon