C H A P T E R 25

111 9 0
                                    

Liam James POV

Balak ko sana syang dalhin sa labas para doon ko sya yayain na kumain but I think sa office ko na lang para may privacy kami at walang istorbo.

Masaya ako dahil makakasama ko sya na mag-lunch. Nagdala ako ng baon, hindi ko gawain ang magbaon dahil lagi sa labas kumakain but not today.

I will called this a lunch date in the office. Crazy right? But I don't care. I'm starting to like her, I want know about her. Her likes, dislike, hobbies, and favorites. I want to take risks even though I know it is not possible and will never be possible.

Susubukan ko lang.

Alam kong mas matanda ako sa kanya ng pitong taon. Walang makakapagpigil sa nararamdaman ko sa kanya.

Walang dumadaan sa parteng bahagi dito dahil maiingay sila at istorbo sila sa trabaho ko so I forbid them to come here unless there is a need.

Pinagbuksan ko sya ng pinto para ipakita sa kanya ang pagiging gentleman ko. Corny ko right haha.

Nakita ang pagkagulat sa mga mata nya ngunit nginitian ko lang sya at sinenyasan syang pumasok na. I rolled my eyes around if someone saw us but there's no one.

Justine Mae's POV

Nagtataka na talaga ako kung ano ba ang nangyayari.

"May iuutos po ba ikaw sir?" Diretsahang tanong ko dahil nagugutom na talaga ako. Promise, walang halong biro.

Tumawa sya nang mahina habang umiling-iling.

Luh? Si sir.

"Please sit down on couch and wait for me here." Alok nya. Sumunod ako.

Pumasok sya sa isang pinto dito sa office. Habang naghihintay ay pinagmamasdan ko ang paligid, he such a organize man pero obvious naman kasi teacher sya. Tumango tango ako sa naiisip ko.

Napatingin ako sa pinto kung saan pumapasok si sir na bumukas ito, lumabas sya roon na may dalang lunch box na...

Dalawa?

Malakas kumain si sir kaya dalawa ang dala nya. Paiinggitin ba ako ni sir dahil sa gutom ako.

Papanoorin ko ba syang kumain? O sa akin yung isa?

Sana nga, kasi gutom na talaga ako.

Umupo sya sa tabi ko at inilapag sa center table. Binuksan nya ang mga ito at nilagyan ng kutsara at tinidor.

"Sayo itong isa kaya kumain ka." Alok nya sa akin.

Napatingin ako doon sa laman ng lunch box at natakam dahil mukhang masarap ang pagkain na nakahain doon.

Adobong manok na may pineapple chunks na syang paborito ko, fish fillet, at kanin.

Tinignan ko ng may malawak na ngiti. "Totoo po ba sa akin itong isa?" Excited kong tanong. Pumapalakpak na ang tenga ko sa tuwa.

"Yes, ako na ang bahala sa lunch mo today dahil sa maganda ang kinalabasan ng club. Sige na kumain ka, ako pa naman ang nagluto nyan." Nakangiti nyang sabi.

Aww~ I'm so touch hehe.

Nakakaturn on sya grabe!

Kinuha ko ito at inilagay sa lap ko. "Thank you po sir sa lunch!" At kumain na.

Ang sarap nyang magluto kaya mapalad ang magiging asawa nito in the future kung hindi ako papalarin, right?

Habang kumakain ako ay nakaramdam ako ng pagkailang dahil nakatitig lamang sya sa akin na nakangiti.

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon