E P I L O G U E

257 7 0
                                    

Justine Mae's POV

This is the last day at kinabukasan ay graduation namin kaya heto ako ngayon nakatulala habang nakatingin sa isang papel na mukhang isang scented paper dahil halos loob ng locker ko ay ang bango at maliit na kahon na kulay maroon na nasa locker ko. Balak kong ayusin ang locker ko, pagbukas ko ng locker ay ito na ang tumambad sa akin.

Kinuha ko ang scented paper at binuklat ito. Nagulat at napasinghap ako sa aking nabasa.

Hi! Hindi ko akalain na mahuhulog  ako sa iyo ng tuluyan sa madaling panahon na nakasama ka. Akala ko nga dati ay paghanga lamang ito dahil sa mga katangian na mayroon ka ngunit napatunayan ko ang aking nararamdaman noong kasama mo si Joshua noong gabing iyon sa kanilang bahay na halos gumunaw ang mundo ko ng malaman na boyfriend mo sya. Ngunit nakahinga ako ng maluwag ng malaman na hindi pala iyon totoo haha, nagseselos pa nga ako sa inyo ni Darell at araw-araw iyon ngunit nagpipigil lang ako ng sarili na hilain at yakapin ka ng mahigpit para hindi ka na mahiwalay sa akin. Sounds crazy right? Pero ayun talaga ang nararamdaman ko. Muntik ko na makalimutan na ako pala ang iyong matcha boy mo na haha, I know your favorites. Paano ko nalaman? I have my ways. By the way, this necklace is a symbol of my love for you and I hope you will wait for me when I return my love. At sa pagbabalik ko ay mamahalin na kita ng tuluyan na wala ng hadlang sa atin at bubuksan ang locket pendant na nasa akin, I'm really sorry sa sinabi ko nang magtapat ka sa akin. Hindi mo alam ngunit sobrang saya ng araw ko na iyon para sa akin at the same ay may kirot sa aking puso na hindi ko sa'yo masabi ang tunay kong nararamdaman sa iyo. Hanggang dito na lamang ako at laging mong tatandaan na babalik at mamahalin pa kita love. I love you my Mrs. Grayson.

Your Matcha Boy
Liam James Grayson


Napaluha ako at hindi ko akalain sya pala iyon. Pinagtitinginan din ako ng ibang studyante dito na kapwa ko nag-aayos ng locker kaya nahiya ako ng kaunti at pinunasan ang luha ko.

Kinuha ko ng kahon na maliit na kulay maroon at binuksan ito. Napaawang ang bibig ko sa pagkamangha, susi ang itsura nya ngunit ay napakaelegante ang design nito na halatang mamahalin at pinasadya.

Sinuri ko ito at nakaukit dito ang pangalan nya ngunit maliit lamang. Sinuot ko ito at napangiti habang hinahaplos ko ito.

I will never get tired for you and always wait for you...

***

Kinabukasan...

The day of graduation. Masaya ako ngayon dahil sa wakas natapos namin ang taon na ito ng mapayapa.

Kakatapos ko lamang na maligo ng biglang pumasok si mama sa kwarto ko. Umuwi muna ako sa bahay dahil nandito sila kuya, pupunta rin sila sa graduation ng princess nila daw. Ang sweet talaga nila kaya love na love ko sila kahit minsan ay may sapak sila sa pag-iisip haha.

"Sweetie, I'm so happy for you. Congratulations baby ko and mommy's so proud of you." Sabi nya at hinalikan ang pisngi ko habang sinusuklayan ang buhok ko.

"Thank you mom and I love you too." Ngiting sambit ko.

Inayusan na rin ako ni mama. Pagkarating ng pamilya namin sa school ay bumungad sa amin ang mga studyante, yung mga babae ay napapatingin sa gawi namin lalo na sa mga kuya ko na parang modelong maglakad. Ang gwagwapo kasi ng mga kuya ko eh.

Tumungo kami sa main hall kung saan gaganapin ang graduation ceremony ay bumungad sa amin ang maraming studyante kasama ang kanilang pamilya. Iginala ko ang paningin sa paligid at nakita ko sila Joshua na nakikipag-usap sa mga magulang nya.

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon