C H A P T E R 37

113 5 0
                                    

Someone's POV

I'm so sorry...

Malungkot akong nakatanaw sa kanya mula sa malayo na ngayon ay kasama ang mga kaibigan nya na naglalakad palabas ng university.

While watching her from a far, my cellphone suddenly rang. Tinignan ko muna sya bago umalis at sagutin ang tawag.

Tsk it's her...

Justine Mae's POV

"Let's gooo!" Parang batang sabi ni Zero.

Napapailing na lamang kami sa ka-abnormalan nya.

"Hey..."

Nalulungkot at masakit para sa akin ang nangyari sa akin kanina. Ang hirap lang tanggapin, pero bago ako umalis sa harapan nya ay nakita ko ang lungkot sa mga mata nya na labis kong ipinagtaka.

Like something bothering at him.

Bumalik ang diwa ko ng may tumapik sa balikat ko.

"Justine are you okay?"  Nag-aalala nyang tanong.

"Nothing." Then I deep sighed.

"You sure?... Baka masama ang pakiramdam mo, gusto mo ba'ng ipabukas na lang natin ang group study at maihatid kita sa condo mo?" Sinapo nya ang noo ko.

Umiling na lang ako. Ang OA nya lang.

"I'm perfectly fine." I smiled to assure that I'm okay.

Mukha nakumbinsi naman sya. Sayang ang oras kung ipapabukas pa dahil sa susunod na araw ay final exam na namin.

"Hoy lovebirds bilisan nyong maglakad!" Sigaw mula sa malayo ni Joshua.

Lovebirds ang amp!

"Mamaya na kayo maglambingan hihi." Parang kitikiti na sabi ni Zero na nauna pumasok sa kotse nya. Natawa naman sila Joshua.

Namula ako sa kahihiyan at nauna na ako lumakad kay Darell na ramdam na nakasunod sa akin.

"Tumigil na kayo at namumula na ang baby ko." Malaking ngiting sabi ni Darell at umakbay sa akin.

"Baby your face! Che!" Namumula kong sambit.

"Witwew sana all baby!" - Bryce.

"Spread nyo naman sa mga single oh! Hmp!" - Joshua.

"Tama na iyan uy, baka mainggit ang mga babes ko!" - Zero.

"Babes mo ul*l hahaha." Asar sa kanya ni Bryce na natawa kami dahil sumimangot sya. Na mas ikinatawa nila Joshua.

"Don't mind them, mauna na tayo sa kanila."

Tumango na lang ako, inalalayan nya ako papunta sa kotse nya at pinagbuksan ng pinto ng kotse. Pumunta naman sya sa driver seat at nagmaneho, napapailing na lamang ako ng marinig si Bryce.

Sa labas lamang ako nakatingin ng bigla nyang basagin ang katahimikan sa aming dalawa.

"Ummm... Uh, yung tungkol sa sinabi ko noong nakaraang araw... Seryoso ako sa sinabi, I love you Justine and I meant it. I want to court you so I can show you how much I love you, if you will... Please?"

Napatingin ako sa kanya na nasa daan ang paningin nya habang nagmamaneho pero bakas sa mukha nya ang pagmamakaawa.

Feeling ko mahihimatay ako ngayon dahil sa magkasunod na pangyayari, love confession ko syempre ang rejection at ngayon ang panliligaw ni Darell. Masakit sa akin ang nangyari kanina, kaya kailangan kong pag-isipan ang mga pangyayari para malinawan ang pag-iisip. Ugh! Ang ulo ko.

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon