C H A P T E R 31

108 7 2
                                    

Justine Mae's POV

Lumipas ang mga buwan simula nung araw na iyon. Halos araw-araw may letter sa locker ko, minsan may matcha milktea akong naabutan. Pwede nang magpatayo ng milktea shop ang misteryo kong admirer which is si Matcha Boy.

Hindi natuloy ang date kuno namin ni sir Liam dahil may ginawa daw syang importante. Naiintindihan ko iyon.

Katatapos lang ang exam namin at malapit lapit na rin ang moving up, kasalukuyan akong naglalakad sa college campus at kasama ko ngayon si Joshua na kinikilig sa tabi ko at pinagpapantasyahan yung mga college boy student.

"Chararat ang hot isang iyon oh!" Habang turo turo nya yung isang guy na nakaupo sa bench na malayo sa amin.

Tumawa ako. "Ang linaw talaga ng mata mo. Sabihin mo nga ang totoo, may lahi ka ba'ng agila?"

"Baliw! Ganito talaga ang mata ko kapag nakakakita ng gwapo at hot guy, kusang lumilinaw." Proud nyang sabi.

"Pero seryoso badaf, huwag ka nang magpantasya diyan dahil meron ka ng meron sila at kung ako ang tatanungin mo, naku! Pak na pak ka katawan mo haha. Ang hot mo badaf!" Kunwaring kinikilig kong sabi matching haplos sa braso nyang matigas.

Napalayo sya sa akin ng kaunti na may nakakadiring tingin. "Kadiri ka talaga chararat! Hindi tayo talo noh! Ewww~."

"Haha talaga ba?~" Nakangising sabi ko.

Akmang hahawakan ko sya nang biglang kumaripas sya ng takbo sa kung saan. Tawang-tawa akong naiwan dito habang pinagmamasdan syang papalayo sa akin.

"Hahahaha epic hahahaha." Natatawa kong sambit.

Napagdesisyunan kong bumalik na room dahil nakaramdam ako ng antok. Ngunit biglang nawala ang antok na nararamdaman ko nang makasalubong ko sya, walang iba kundi si sir Liam.

Sumilay ang kanyang ngiti na ako lamang nakakakita.

"Hello po sir." Bati ko.

"Hi, pwede ba kitang makausap mamayang uwian?" Tanong nya.

"Yes po sir."

"Kita tayo sa park na malapit dito, hihintayin kita."

"Uh yeah." Tanging sambit ko. Lalakad na sana ako paalis nang hawakan nya ako sa braso kaya napahinto ako. Lumingon ako sa kanya na may pagtataka.

May inabot syang supot na milktea na matcha flavor ang laman na katulad noong ibinigay nya sa akin sa garden, ngunit may kasama na itong burger ang fries.

"Para sa'yo nga pala, bye and eat well." Tsaka sya umalis.

Nakatulala akong naiwan dito habang hawak-hawak ang supot. Kalaunan ay kinilig ako dahil para sa akin talaga ito.

Nagtataka talaga ako kay sir kung bakit nya ako inayang pumunta mamaya sa park mamayang uwian.

Mabilis ang oras at uwian na, habang nag aayos ng gamit ay nakita ko ang lover letter na aking ginawa kagabi, inihanda ko na ito dahil magtatapat ako sa kanya sa graduation day at malapit na nga ang araw na iyon.

Napangiti ako sa aking naiisip. Dali dali akong lumabas ng room kahit may nagtawag sa pangalan ko ngunit hindi ko ito pinansin, baka naghihintay na iyon sa akin.

Pagkarating ko sa park, iginala ko ang aking paningin kung nandito na ba sya. Sa kasamaang-palad wala sya.

Baka may ginawa pa yata sya.

Sana nga.

Umupo ako sa bench at naghintay.

Third Person's POV

Samantala...

Habang papunta si Liam sa park kung saan magkikita sila ni Justine para magtapat ng kanyang nararamdaman sa kanyang iniibig ay biglang nagring ang kanyang cellphone.

Sinagot nya ang tawag na hindi tinitignan ang pangalan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

"James..." Iyak ng babae sa kabilang linya.

Nang mamukaan kung kanino ang boses na iyon ay napahawak nang mahigpit si James sa cellphone.

"Why?" Malamig nyang sabi.

"Please come back to me, babe."

"Why would I, huh?"

"Pumunta ka dito sa condo ko at sasabihin ko ang dahilan."

"I have something important to go on."

"Sino at saan?"

"It's none of your business."

Papatayin na sana nya ang tawag nang...

"Come here or else... Magpapakamatay ako."

Pinatay nya ang tawag dahil sa inis at kabang nararamdaman nito.

"Sh*t! She is insane."

Hindi nya alam ang kanyang gagawin, napahilamos sya ng mukha dahil sa frustration.

Sino ang uunahin nya?

Alam nyang nandoon na sa park si Justine at naghihintay ito ngunit tumawag ang kanyang ex at nagbabantang magpakamatay.

Iginilid nya ang sasakyan at napatingin sa malayo kung saan nakikita nya ngayon si Justine na nakaupo sa bench na patuloy na naghihintay sa kanya.

Hindi sya mapakali. Napabuntong hininga na lamang sya at kinuha ang cellphone. Pagkatext nya ay umalis na sya sa lugar na iyon na may lungkot.

Sa kabilang banda...

Patuloy pa rin ang paghihintay ni Justine na halos dalawang oras na sya naroon at sya na lamang ang tao na nasa park dahil nagsiuwian na ang mga tao dahil pa-gabi na.

Tumunog ang kanyang cellphone. Nalungkot at nadismaya sya sa nabasang text galing kay Liam.

My loves Liam:

Sorry Justine, hindi ako makakapunta dahil may emergency na nangyari. Next time na lang.

Umuwi sya sa kanyang condo unit na bagsak ang mga balikat nito.

"Haisst, huwag kang ganyan Justine dahil mahalaga ang ginagawa nya." Sabi nya sa kanyang sarili habang nakaupo sa couch sa sala.

Naisipan na lamang nyang manood ng movie upang malibang at mawala ang kanyang lungkot at dismaya na kanyang nararamdaman.



To be continued...

Finished Edit: 02/24/2022 10:24 A.M.

© 2021 SweetQueen_24

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon