C H A P T E R 30

112 8 0
                                    

Justine Mae's POV

Nagising nang maramdaman na may marahan na humahaplos sa pisngi ko at ang malambot na bagay na dumampi dito.

"Hmmm..." Mahina kong ungol.

"Justine wake up, nandito na tayo." May pagka-husky nitong sabi.

That voice... Parang lahat ng balahibo ko sa batok ay nagsitayuan.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at napaayos ng upo dahil hindi ko namalayan na nakapatong pala ang ulo ko sa balikat nya.

I heard him chuckled. Hinanap ko bigla ang maliit ko salamin para silipin ang sarili kung wala ba'ng laway o anuman sa mukha.

Hayss much better.

"Let's go." Napatango na lamang ako.

Pagkalabas namin sa bus ay namataan ko na nandito na nga kami dito. Oh not bad as what I thought.

Maraming tao ang narito na mukhang manonood din, nakita ko rin na nandito ang ibang makakalaban namin na taga ibang schools.

Magkasabay kami sir paglalakad kaya napapangiti ako ng palihim pero napasimangot ako ng may lumapit sa kanya na isang magandang babae na mukhang kasing edad lang ni sir at nakagown ito.

"Hello mr Grayson."

Nakita ko ang pagngiti nito doon sa babae na nagpainis sa akin. Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni sir James at sumunod na lang ako sa mga kasama ko.

Tsk, edi sila na. Paki ko.

Hindi pa ako nakakalayo sa kanila na may kamay ang biglang nagtakip sa mga mata ko.

Sisikuhin ko na sana ng magsalita ito na kusa akong napangiti ng malawak.

"Oppss huwag mo gagawin iyan baby."

Boses ni kuya Shin at dahil pamilyar din ang amoy nito. So ibig-sabihin umuwi na sila?

Tinanggal ko ang kamay nito at mabilis na humarap sa kanya tsaka dinambahan ito ng yakap at halik sa pisngi.

"Aww... Mukhang na-miss yata ako ng baby ko ah, huh?"

Napatingin ako sa hindi kalayuan sa pwesto ni sir na kausap nya pa rin yung babae. Kaharap nya yung babae ngunit sa amin sya nakatingin na may madilim na mukha at nakakuyom na kamao.

Nangyari sa kanya? Nagseselos ba sya?

Ugh! So impossible na magselos sya. Pero kung ganun nga... Haisst masyado akong assuming kung ganun.

Bumalik ang ulirat ko nang magsalita ang nasa harapan ko. Umiwas na ako ng tingin at tumingin na lamang kay kuya.

Inakbayan nya ako at tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad

"How are you here in the Philippines?"

"I'm fine kuya, nasaan nga pala si kuya Haruto?"

"Hindi sya sumama pabalik dito, zoom na muna daw kayo tsaka kukuhanan kita mamaya ng video at pictures para i-send sa kanya."

Nalungkot naman sa sinabi nya.

"At bakit daw hindi sya sumama sa'yo kuya?" I pout.

He just laughed softly then he kissed my forehead.

"Huwag kang magtampo sa kanya baby, mamamasyal daw kayo kapag umuwi na sya."

"Sabi mo 'yan kuya ah."

"I promise."

Hinatid ako ni kuya sa dressing room kung saan inaayusan na rin ang mga kasama ko. Namataan ko na nandito na rin ang mag aayos sa akin at nandito na rin ang dress na gagamitin ko.

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon