7

6.7K 219 13
                                    

iMessage

3 years ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3 years ago

Neve:

Ang saya! Graduate na si Ran at nakahanap pa kagad ng work. Doon siya sa major publishing na-hire. Yung Majika. Diba paborito mo ang mga libro doon? So proud of her.

Magkakasama kaming nag-celebrate kanina. Dinala kami ni Milly doon sa Warehouse ba 'yon? Inuman 'yon kaya medyo nailang ako. Pero okay naman ang mga tao at may mga banda rin na tumutugtog. Tuwang-tuwa nga si Master kasi Opm at indie talaga ang mga paborito n'on. Nalilito nga ako kasi sabi ni Milly, 'di raw club 'yon. Dadalhin niya raw kami sa mismong club soon para malaman namin yung difference. Pero 'di naman kami umiinom ni Ran kaya nag-pass na lang ako.

Saka feeling ko, may something si Milly at yung drummer n'ong isang banda kanina. Gwapo naman. Mukhang mayaman katulad niya. Pero 'di ko gusto ang aurahan. Para kasing manloloko? Ang daming babaeng nakapaligid.

Sana naman 'wag siyang masaktan doon.

Pahinga na muna 'ko, be. Napagod yata ako sa celebration namin.

Sweet dreams.

Goodnight

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon