13

6.2K 207 7
                                    

iMessage

2 years ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2 years ago

Neve:

May problema sa compound, be. Si Ate, yung pinsan kong nakwento ko na sa 'yo noon, sinasaktan ng asawa niya. Nabaon din sila sa utang kaya lumapit sila kay Nanay para humingi ng tulong. Kaso matanda na 'yon at mahina na. Ano naman ang maibibigay na tulong n'on? Tutulong naman daw siya, pero parang 'di ako sang-ayon kasi dapat sa kanya na ang pera niya, 'di ba? Nagkwento si Nanay kay Mama kaya heto. Si Mama, nag-iisip na baka siya na lang ang tumulong kay Ate.

Ayoko naman magbigay pa ng dagdag na pasanin kay Mama. Titiisin ko na lang muna ulit 'tong nangyayari sa trabaho.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko 'to.

Para sa pamilya. Para sa pamilya lagi, Neve. Konting tiis lang. Kapag naka-graduate na si Kuya, may katuwang na kami.

Konti na lang.

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon