36

6.6K 212 21
                                    

FACEBOOK
walang tulugan
TUE | 6:12 PM

Clariss:
@Neve
teeee
ok ka lang? namumugto mata mo kanina
ansabe sayo ni ms julia? red alert na naman ba si ursula?

Neve:
Yup. Okay lang naman ako.
Napagsabihan lang naman ako nang kaunti at binigyan ng advice. Pero okay naman 🙂


Clariss:
sure ba yan?


Neve:
Yup!

Genevieve:
@Neve mumsh pansin ko lang, bat parang pinag-iinitan ka yata ni Madame? Buntis ba yun? Parang ang diin ata sayo lately? Gets ko sa iba, pero di naman masungit yon sayo? E ikaw kaya paborito ka non?

Clariss:
pansin ko nga rin bakla pero baka stressed lang si ursula
daming hawak na serye ba naman at may movie pang kasunod
mafa-fire ka pero di si neve no hahaha

Genevieve:
HAHAHAHA
Gaga ka
Tigilan mo na nga kakatawag na ursula kay Madame. Baka madulas ka pa. Ikaw mauunang matigok hahaha

Clariss:
leche hahaha
totoo namang witch yon? 🤣
wag ka magmalinis. alam kong sinusumpa mo yon kada tapos ng one on one meeting nyo hahahaha


Genevieve:
Gagu hindi hahahahaha

Clariss:
ur.ur hahaha
hello naman sayo jan teee @Neve
wag mo kami i-seen 🤣

Neve:
Nagbabackread lang, saglit. Haha.
Ayan tapos na.
@Genevieve
'Di naman sa gano'n. 'Di naman niya ako pinag-iinitan. 😅 Concerned lang naman daw siya sa 'kin kaya ako napagsasabihan. For my own good naman 'yon kaya naiintindihan ko.


Clariss:
alam mo tama talaga si euphy e
n stands for neversayno daw hahaha naniniwala na talaga ako don
wag ka masyado mabait teee ikaw rin masasaktan sa huli


Genevieve:
HAHAHAHAHA
Pauso talaga yang si Euphy
At wag mo nga dinedemonyo si Neve. Ginaya mo pa sayo
@Neve Ganon? Bat ka umiyak? Ano ba sinabi sayo ni Madame?


Neve:
Kung ano lang din sinabi sa 'kin last time. Hehe. May point naman siya. Paulit-ulit na lang ang laman ng ideas ko. Ngayon daw, nagwo-work yung gano'n kasi bumabagay pa sa genre ng serye. Pero 'di raw ako maggo-grow kung paulit-ulit lang ang ginagalawan ko. Sabi niya, nakapasok ako sa isang box. Kung 'di ko babasagin 'yon, 'di na 'ko makakausad pa. May point naman siya. Okay lang ako. Friendly advice naman yung binigay niya. Mamon lang talaga ako at medyo iyakin 🥲

Genevieve:
Sure na ba yan na okay ka lang?
Wala naman masama kung magra-rant ka. Kami nga ni Clariss oh, wantusawa? Hahaha
Yung mga ganyan, dinadaan na lang namin sa backstab 😂


Neve:
Wag naman. Grabe. Bad yon 😞
Tsaka okay lang talaga ako, promise 😊


Genevieve:
Basta mumsh
Dito lang kami kung kailangan mo ng resbak
Di man tayo makapalag sa pressure ng taas, sama-sama naman tayong iiyak 😂



Neve:
Thank you 😊

Clariss:
tara
shat

Genevieve:
Gaga hahaha
Di naman umiinom si Neve
Hahahaha anong i-shat nyan, juice?

Clariss:
malay mo bakla
basagin daw ang box
baka kailangan lang nyan matikman ang mundo ng mga alak 🤣
ano ba gusto mo? vodka? tequila? beer?
teeee @Neve

Neve:
Pass 🥲
Baka lalo ako 'di makapagtrabaho. Pero thank you. Samgyup na lang tayo sa weekend.

Clariss:
ay rejected pota! minsan na nga lang mag-aya ng libre 🥺
pero g sa samgyup! may alam akong masarap. dami pang side dish! tara?

Genevieve:
Gora! Palibre kaya tayo kay Papa Leonel bilang last 3 weeks naman na? hahahaha


Clariss:
taraaaa! ayain mo naaaa!

Genevieve:
Hahahahahaha char lang
Kala nyo naman hahahaha
Leonel Martinez yun no! Di keri ng powers 🤧 Takot ko lang kay Ma'am Arishe hahahaha


Clariss:
landi now, fired later tayo bakla 🤣

Genevieve:
Gaga
Pinahamak mo pa career ko 😂

Clariss:
mabait naman si leonel at close ng staff. baka pumayag hahaha
baka isama pa si ruscoe, dali hahahaha

Genevieve:
Si Rusc? Nakauwi na ba yon?

Clariss:
oo girl
balik na sa pinas yon
rinig ko balak nila gawan ng new movie pero hinahanapan pa ng ila-launch na ka-love team
apply na ba ko? hahahaha dapat pala nag-artista na lang ako

Genevieve:
Potakka hahaha taas ng pangarap mo
Kung malabo si Leonel, imposible yang si Ruscoe 😂 Alaga ng taas yon
Hanggang kilig ka lang hahaha no touch tayo don

Clariss:
@Genevieve taas ka jan! ganon talaga bakla
yang mga unreachable talaga ang yummers
tsaka crush ko na yan bago pa ko nagtrabaho no hahaha
dito na nga lang humuhugot ng lakas, di pa pagbigyan? 🤣
pagbigyan nyo na ilusyon ng malanding to hahaha


Genevieve:
HAHAHA
you got me at malandi potakka hahaha



Neve:
😆😅
Awat na yan, mga be. Off-limits sa 'tin ang talents, baka san pa 'yan mapunta. Mahirap na ma-issue.


Clariss:
hahahahaha haynako
n for nonservative ka talaga hahaha

Genevieve:
Nonservative HAHAHA buset








INSTAGRAM
7:39 PM

NeverSayNeve
Neve
Writer

Proverbs 16:3

Proverbs 16:3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon