156

4.8K 256 100
                                    


TWITTER

Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Dami dapat pag-isipan. Dami kasing complications. It's not just about us. Daming kasali. Daming nasasali. Daming sumasali 😭

💬 0 🔁 0 🤍 0





Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Kaya ko bang sumabay sa gano'ng agos? Sapat ba na gusto ko siya para makayanan ko lahat ng pagkakaiba namin?

💬 0 🔁 0 🤍 0





Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Pumayag ako sa place niya para matauhan ako. At tama nga hinala ko. Ibang mundo talaga 'yon.

Pero bakit parang wala na 'kong pakialam?

💬 0 🔁 0 🤍 0





Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Ayoko nang nami-miss ko siya 😓

💬 0 🔁 0 🤍 0




Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Ayoko nang nag-iisip kung pwede ba... baka kasi lumusot...

💬 0 🔁 0 🤍 0




Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Ayoko no'ng mga oras na nag-iisip ako kung gusto din ba niya ako? Kasi natatakot ako no'n na baka lalo akong mahulog pero wala naman pala?

Ayoko nang gano'n — yung 'di mo alam talaga ang gusto mo.

💬 0 🔁 0 🤍 0





Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Tapos ngayon na sinabi niyang oo... oo, parehas kami ng feelings...

Naisip ko...

💬 0 🔁 0 🤍 0





Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Ayoko nang pinaghihintay siya. Ayoko nang kailangan niya lagi ng rason para makausap ako. Ayoko nang iniisip niya na 'di siya kasama sa priority ko.

💬 0 🔁 0 🤍 0





Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Ako rin. Gusto ko ng karapatan na makita siya kahit walang dahilan 😭

💬 0 🔁 0 🤍 0




Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Pwede ko ba talagang subukan? Ayoko nang magpalamon sa takot...

💬 0 🔁 0 🤍 0




Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Pwede bang... ako naman ang manalo for once? Hindi yung mga what-ifs sa ulo ko?

Pwede bang... piliin magmahal kaysa sumuko?

💬 0 🔁 0 🤍 0

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon