48

5.7K 242 157
                                    

iMessage

MON | 5:19 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MON | 5:19 PM


Neve:
Tapos na!
Yung puso ko! Grabe! 😩

Ran:
yong pitch ba yan?

Neve:
Oo. Na-review na ni Miss Julia yung mga nagawa ko.


Ran:
ambilis! kamusta?

Neve:
😅
Medyo disappointed yata siya. Okay naman daw pero parang may kulang daw yung iba. Isip daw ako bago. Binigyan ako ng time mag-propose pa ng iba o ayusin yung mga nagawa ko na.

Milly:
Oh no. How long?

Neve:
2 months? 3? Hanggat naghahanap pa raw sila ng gagawing ka-love team, may time pa raw. Nagbago daw kasi plans ng management. Short serye daw muna gagawin bago yung movie.
Alam nyo ba? Si Miss Julia pala talaga pinapagawa ng script no'ng project pero may tiwala daw siya sa 'kin kaya gusto niyang marinig ideas ko at ma-involve ako 🥲
My heart. Kahit rejected, I feel so soft 🥲

Ran:
aw :"> 
nays! deserve naman yan!


Milly:
Did she give you any advice ba on what you need to improve or what story they're gunning for?

Neve:
Gusto daw nila ng rom-com. Basta yung kakaiba at mapapalabas yung talent ni Ruscoe. Balanse dapat yung comedy at romance, pero may tinge ng drama at angst pa rin.


Ran:
may mga rom-com ka diba?

Neve:
Oo. Pinakita ko na lahat. Kulang daw. Gawa daw ako bago. Halata daw sa gawa ko na 'di pa ako totoong nai-in love. Kulang din daw ako sa male perspective.

Ran:
oh! male perspective hmm 🤔

Neve:
Paano ba dapat gawin sa ganito? Nabablangko na 'ko. Parang ngayon ko lahat naramdaman yung pagod.
Baka 'di talaga for me 🥲 Bitawan ko na kaya?

Milly:
Don't!


Ran:
waq! kaya yan gawan ng paraan!

Neve:
Wala na kasi ako maisip. 'Di ko kayang mag-isip ng kwento from scratch. 'Di ako gano'n ka-creative. Binuhos ko na talaga lahat sa naipasa ko.
🥲🥲

Ran:
kaya need mo kumuha ideas sa iba! tanong-tanong ka. sa mga lalaking friends mo. sa mga may jowa, ganon. ganon lang din ginagawa ko pag kailangan ko ng idea sa book cover. nagtitingin din ako ng pegs sa pinterest etc
need mo lang ng ibang environment at perspective from others

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon