233

4.5K 183 89
                                    

TWITTER


Neve 🔒@NeverSayNeve • 2hr

Tapos na. Finally 😮‍💨

Grabe lamig ng kamay ko.

Sila na magkausap ngayon.

Hinga lang muna ako. Ang dami kong iniisip.

💬 0 🔁 0 🤍 0



Neve 🔒@NeverSayNeve • 2hr

Nagkaintindihan naman kami. 'Di nag-sorry na kinakausap niya si Kamahalan. Ngumiti pa nga. Parang natatawa na kinausap ko siya.

💬 0 🔁 0 🤍 0




Neve 🔒@NeverSayNeve • 2hr

"Didn't know you had it in you. I'm impressed."

Para akong kuting na humarap sa tigre. Buti na lang may class pa rin siya. 'Di naman nakipag-away 😮‍💨

💬 0 🔁 0 🤍 0



Neve 🔒@NeverSayNeve • 2hr

First time ko 'to. Yung kaba ko, nandito pa rin. Pero proud ako sa sarili ko kasi nasabi ko lahat ng pinagplanuhan kong sabihin sa kanya.

💬 0 🔁 0 🤍 0



Neve 🔒@NeverSayNeve • 2hr

'Di ko siya maintindihan nang buo. Pero nangako naman na huli na. Bilang babae, kaya niya raw respetuhin 'yon. Bilang kaibigan, kaya niya raw pagbigyan si Kamahalan.

💬 0 🔁 0 🤍 0



Neve 🔒@NeverSayNeve • 2hr

Dito siya nag-sorry. Na sinabihan niyang mahal niya si Kamahalan para makalimutan si [redacted].

💬 0 🔁 0 🤍 0



Neve 🔒@NeverSayNeve • 2hr

❓❓❓

Bakit 'di ko alam 'yon? Kailan 'yon?

💬 0 🔁 0 🤍 0




Neve 🔒@NeverSayNeve • 2hr

Kami naman mag-uusap after nila. I wanna hear his explanation first.

💬 0 🔁 0 🤍 0




Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Tapos na sila. 'Di naman nagtagal ang usapan.

Tinanong ko siya kung bakit nangingiti siya nang bumalik sa 'kin.

"I love it when you claim me for good."

💬 0 🔁 0 🤍 0



Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Wala ako sa mood makipaglambingan. Kasi may itatanong ako.

Bakit 'di niya sinabi sa 'kin 'yon?

💬 0 🔁 0 🤍 0




Neve 🔒@NeverSayNeve • 1hr

Kinausap siya saglit ni Ino. Pagbalik niya, itatanong ko na talaga 😮‍💨 Grabe 'tong araw na 'to.

Usap lang naman pero napagod yata ako 😥

Kaso nandito na rin naman na. Wala nang atrasan.

💬 0 🔁 0 🤍 0

Neon Letters (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon