KABANATA 3

233 16 37
                                    

[CHAPTER 3:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'


Nakaligo na ako at nakapagpalit ng damit na pangtulog. Nakapagluto narin ako ng sinaing at ulang para sa hapunan. Natapos ko narin ang assignment ko. Ngunit wala parin si Tiyu.

Nagugutom na ako. Hindi ko na siya mahihintay pa at mauuna na lang akong kumain.

Ng matapos akong kumain ay iniligpit ko na ito at hinugasan ang pinag-kainan ko. Lumabas ako ng bahay at umupo sa mahabang bangko na nasa tapat lang ng bahay.

Napabuntong hininga ako at isinandal ang ulo ko sa pader. Hindi ko na halos maramdaman ang sakit ng katawan ko. Natuto na yatang maging manhid. Napatingin ako sa kalangitang maraming kumikinang na mga bituwin.

'Mama. Miss na kita, patawarin mo po ako. Kung hindi po siguro dahil sa akin ay nandito ka pa.'

Pinunasan ko ang luha ko na hindi ko namalayang umaagos na sa pisngi ko. Hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko sa nangyari. Dapat lang naman talagang sisihin ko ang sarili ko.

Ako ang dahilan kung bakit wala na si Mama. Kaya marahil palaging galit si Tiyu sa akin.

Ang tatay ko naman ay hindi ko kilala kung sino. Namulat akong walang ama ni hindi ko nga alam ang kaniyang pangalan, o litrato man lang ay walang pinakita sa akin si Mama.

Napabuntong hininga nalang muli ako at pinahid ang luha ko na patuloy sa pag-agos.

"Rina- este Rj lasing na naman ang Tiyuhin mo, nandoon sa bahay nakikiinuman kila Tatay at Mang Berto." Anas ni Jake isa ito sa mga barkada ko dito sa lugar namin.

"Tumba na ba si Tiyu?" Tanong ko.

"Hindi pa, pero alam mo pinagkwekwentuhan ka nila." May pagkachismoso ito at tanggap ko naman ang ganoong ugali niya.

"Wala akong paki-alam." Walang gana kung tugon, napatawa ito at inakbayan ako siniko ko ito sa tiyan kung kaya napadaing ito.

"Distansiya, Jake. Baka makalimutan kung kaibigan kita at hindi kita matantiya."

"Sabi ko nga oo." tugon nito "Tara?"

"Saan?" Tanong ko.

"Sa tindahan, bili tayo ng softdrinks at chitchirya. Libre ko wag kang mag-alala." Paliwanag nito at nginisihan ako.

"Baka utang hindi bili." May sarkasmong sabi ko.

"Ikaw naman hindi no, meron akong pera, oh!" Anito sabay pakita ng sengkwenta, tumayo na ako at isinarado ang bahay bago kami umalis.

"Hoy! Hindi bat sinabi ko na magpatuloy ka ulit sa pag-aaral?" pangangaral ko habang naglalakad kami papuntang tindahan.

"Tinatamad akong mag-aral." tugon nito
at napakamot sa batok.

"Baka tamad ka." ismid ko "Sayang ka, dapat kang magpatuloy sa pag-aaral."

"Sa next year nalang, kung hindi ako tatamarin." natatawang saad nito, napailing na lamang ako.

"Pabili! Aling Esmeralda. Pabili!" anito at kinatok ang tindahan.

Si Aling Esmeralda ang umubos kanina ng paninda kung pandesal at ang may bagong dating na bisita, ang pamangkin raw nito.

"Elias, Iho maaari bang ikaw muna saglit ang magtinda nagluluto ako hindi ko maaaring iwan masusunog ito." rinig naming sigaw ni Aling Esmeralda, kausap nito marahil ang kaniyang bagong dating na pamangkin.

Elias, lihim akong napangiti sa hindi malamang dahilan dahi sa pangalan nito.

"I won't do that. Hindi ako pumunta rito para maging taga tinda ng tindahan mo, Auntie." baritonong boses ang tumugon, na marahil ay si Elias.

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Where stories live. Discover now