KABANATA 31

126 9 32
                                    


[CHAPTER 31:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'

Naging maayos naman ang takbo ng lahat, kagaya ng sinabi ko kay Elias ay ang ginawa niya. Nagtratarabaho parin siya doon sa coffee shop hanggang ngayon pero piling araw at may schedule.

Masaya ako para sa kaniya dahil kaya niya ng tumayo sa sarili niyang mga paa, at isa pa no'ng sinabi niyang gusto niyang maging independent ay iyon talaga ang ginawa niya.

"Happy Monthsary Rina my sweetheart." bulong niya sa punong tainga ko.

Napangiti ako, "Happy Monthsary Elias." nakangiti kong sagot.

"Can you call me sweetheart too?" aniya at at hinapit ako sa baywang.

Natigilan ako, at nag-init ang magkabila kong pisngi. "Sure ka?"

"Yes, I wanna hear it from you."

"Sweetheart?" patanong kong sagot.

"Repeat it my sweetheart." utos niya at mas hinapit pa ako sa baywang.

"Sweetheart." mahinang bulong ko.

"I like it when you say sweetheart." aniya at hinalikan ang tungki ng ilong ko, na mahina kong ikinatawa niyakap ko rin siya sa kaniyang baywang at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

Nandito kami ngayon sa bukid at nagpapahangin, at oo. Monthsary namin ngayon.

"Masaya ka ba Elias?" tanong ko sa kaniya habang nakasandal sa dibdib niya.

"Of course, I am. Sobra ang sayang nararamdaman ko." bulong niya at hinalik halikan ang buhok ko. "Ikaw masaya karin ba Rina?"

Napaisip ako, kahit naman hindi na ako mag-isip. "Masaya ako Elias, sobrang saya. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng magmahal. Ayaw kong masaktan Elias kaya please lang huwag mo akong sasaktan."

"I can't promise Rina, but I will do my best not hurt you." sagot niya at pinaharap ako sa kaniya, "I love you in a way I can't explain and I don't want to hurt you Rina. Because hurting you, means killing my own self."

Natigilan kaming pareho ng tumunog ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Bakas ang iritasyon sa mukha niya ng kuhanin niya ito at hindi man lang tinignan kung sino ang tumatawag.

"Who is this?" tanong niya sa kabilang linya.

"Son it's me your father." napailing ako ng marinig ko ang boses ng lalaki, nakaloudspeaker.

Tumingin ako kay Elias at tinanguan siya nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kaya tumayo siya at dumistansiya. Napabuntong hininga ako at humiga sa damuhan.

Marami narin pala ang nagbago sa akin mula ng makilala ko si Elias. Tumabi sa akin si Elias at humiga rin sa damuhan.

"Si dad." aniya at isinandal ang ulo ko sa isang bisig niya.

"Bakit?" tanong ko.

"He wants me to go back." aniya, nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi niya.

"Iiwan mo na ba ako?" mahinang tanong ko. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa na ikinaangat ko ng tingin sa kaniya.

"Of course not Rina, hindi ako pumayag na bumalik na doon at doon na rin mag-aral. Pero pumayag akong bumisita doon." paliwanag niya.

"Huh?"

"Babalik ako ng manila pero sandali lang, babalik rin ako dito." anito.

"Aalis ka parin, iiwan mo parin ako Elias." walang buhay na boses kong sagot sa kaniya.

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Where stories live. Discover now