KABANATA 27

119 11 21
                                    

[CHAPTER 27:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'


"Ano ba kasing ginagawa natin dito Elias?" naiinis kong tanong dito, nasa isang restaurant kami ang sabi nito ay may kikitain daw siyang tao, at hindi ko alam kung bakit niya ako isinama.

Kagagaling lang namin ng school at dito kami tumuloy ang alam ko ay uuwi na kami ngunit dito kami dumeritso.

Hindi pa man nakakasagot si Elias ay may babae ng papalapit sa deriksyon namin habang nakangiti sa deriksyon ni Elias, maganda ito, matangkad at nakasuot ng dress na hubog na hubog ang katawan, nakaramdam tuloy ako bigla ng inggit at napatingin sa tiyan ko, malapit na akong magkaroon ng bilbil. Uminom ako ng tubig ng makalapit na ito sa amin, halos masamid ako ng makitang humalik ito sa pisngi ni Elias.

At gusto kong sapakin at sipain si Elias kung paano ito ngumiti sa babae, Ano isinama niya ako para makita siyang harap harapan na nakikipaglandian, gano'n?

"Hi handsome, long time no see." matinis na boses na sabi ng babae, kahit ang boses nito ay napakaganda. Yong boses ko kaya maganda rin ba?

"Yeah, sitdown." utos ng walang hiyang kumag sa babae. Umupo naman ang babae sa tabi ni Elias habang ako ay kaharap nilang dalawa.

"So bakit mo ako dito pinapunta? Don't you know how busy I am?" mataray na tanong ng babae.

"I need your help gaya ng sabi ko." sagot ng kumag na si Elias at tumingin sa akin, pinanlisikan ko siya ng mata. "What's with the look?

"Wala." walang emosyong kung sagot.

"Oh hi dear!" masayang bati ng babae at naglahad ng kamay, hindi ko sana ito tatanggapin ngunit may sumaging kalukuhan sa isip ko.

Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay hanggang sa hinigpitan ko ang pagkakahawak dito at halos pilipitin ko na ang kamay niya.

"Kyaahhhhh! Ouch! Don't please don't! Whoahh!" namimilipit nitong hiyaw sa sakit, ngumiti ako. Nataranta si Elias.

"Sa susunod Miss, wag mo ng hahalikan sa pisngi ang boyfriend ko kung ayaw mong tuluyan ko yang kamay mo." mahinang bulong ko dito bago binitawan ang kamay niya.

Mangiyak ngiyak ito tumango bago tumingin kay Elias.

"My handsome cousin, why didn't you tell me that you have a girlfriend." sapo sapo nito ang kamay na tanong kay Elias.

"Teka ano? Magpinsan kayo?" hindi namalayang napataas pala ang boses ko.

"Yes." tanong ni Elias sa pinsan niya. "Hey Vena ano bang nangyari sayo?" tanong nito sa pinsan at tinignan ang namumulang kamay.

Mariin kung ginagat ang loob ng pisngi ko at halos gusto ko nalang hilingin na lumubog ako. Kinuha ko ang yelo na nasa baso ko at kinuha ang panyo at ibinalot ito doon.

Ngayon ay pareho na silang nakatingin sa akin at nagtataka. Nagulat ang babae ng kukunin ko ang kamay niya iiwas niya sana ito ng hablutin ko ito.

"Sorry hindi ko alam na pinsan ka pala niya." puno ng pagsisisi kong hingi ng tawad dito habang dinadampi-dampihan ang kamay nito.

Magsasalita palang ito ng magsalit ulit ako. "Sorry talaga, sorry akala ko kasi isa ka sa babae ni Elias."

Rinig ko ang mahinang pagtawa nito, "It's okay. You don't need to do that."

Tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin kay Elias na nahuli kong nakangisi sa akin. "So you are easily get jealous huh?"

"Tumigil ka Elias kung ayaw mong sipain kita palabas." nagbabantang sita ko na ikinalunok niya.

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Where stories live. Discover now