KABANATA 34

137 13 22
                                    

[CHAPTER 34:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'

Uwian na sa hapon ng makatanggap ako ng text galing kay Jake. Natigil ako sa paglalakad at inayos ang pagkakasukbit ko sa bag bago buksan ang mensahe niya.

"Rj umuwi kana na dalian mo." tanging yon lang ang nakalagay sa mensahe niya na mas ikinasalubong ng mga kilay ko.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa mensahe niya, minsan lang magtext sa akin si Jake kung ito ay importante.

Mabilis akong pumara ng sasakyan at sumakay doon, habang nasa daan ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Ano ang nangyari bakit ako pinapauwi ni Jake?

Malayo palang ay tanaw ko na ang maraming sasakyan malapit sa bahay namin, teka ano bang nangyayari? Gulong gulo na ako.

Pinahinto ko na ang tricycle at sinabing bababa na ako, iniabot ko ang bayad bago patakbong pumunta sa bahay namin.

Kitang kita ko ang sasakyan ng mga pulis at sasakyan ni Elias? At mayroon pang isang sasakyan na hindi ko alam kung kanino. Teka bakit may mga pulis, bakit maraming mga pulis ang nandito? Marami naring mga tao ang nakikisusyo.

Hinawi ko ang mga tao at naglakad papasok sa loob, hinarang ako ng dalawang pulis. Matalim ko silang tinignan. "Padadaanin niyo ako o sisipain ko kayo isa isa."

Hindi nagpatinag ang dalawang pulis, "Ma'am hindi po kayo pweding pumasok sa loob."

"Paano hindi ako pweding pumasok sa sarili kong pamamahay ha?" galit kong tanong at malakas silang itinulak at dumaan. Wala na silang nagawa pa ng tuluyan na akong pumasok sa loob.

Na sana ay hindi ko nalang ginawa dahil sa naabutan kong senaryo. Nakaluhod si Tiyu habang may posas ang parehong mga kamay habang nasa harapan niya si Elias kasama ang lalaking hindi ko kilala, pati narin ang limang mga pulis.

"A-anong nangyayari dito? Bakit may posas si Tiyu? Elias?" sunod sunod kong tanong.

Gulat na napatingin sa akin si Tiyu, samantalang walang emosyon na nakatingin sa akin si Elias.

"Rj bakit ka nandito?" mahinang tanong ni Tiyu sa akin.

"Tiyu umuwi na po ako." sagot ko, "Ano po ang nangyayari bakit maraming mga pulis?" sunod kong tanong ngunit walang sumasagot sa akin.

"Elias bakit ka nandito anong nangyayari?" sunod kong tinanong si Elias ngunit kagaya ng kanina ay nasalubong ko na naman ang malamig niyang mga mata.

"Why don't you ask your uncle?" tunog sarkastiko nitong tanong.

"Kanina pa ako nagtatanong pero wala man lang sumasagot. Ano ba talaga ang nangyayari?" naguguluhan kong tanong at nag-uumpisa narin akong mainis, pinipigilan ko ang huwag maiyak.

Hindi ako tanga para hindi malaman ang nangyayari, pero hindi nila pweding huliin ang tiyuhin ko hindi ako papayag. At bakit nila huhuliin si Tiyu kung wala naman siyang kasalanan.

"Do you really want to know the truth Rina?" malamig pa sa yelong tanong ni Elias sa akin. "Naaalala mo pa ba ang ikwenento ko sayo noon tungkol sa pagkamatay ng mama ko?"

Naguguluhan akong tumango sa kaniya.

"Alam mo bang isa ang tiyuhin mo sa nanloob sa bahay namin no'ng gabing yon?" tuluyan ng nanghina ang tuhod ko sa narinig, nananaginip lang ba ako? Panaginip o bangungot lang ba ito? "At alam mo ba na ako ang may gawa ng marka sa paa ng tiyuhin mo?"

Napaangat ako ng tingin, "Hindi mali ka, nainjured si Tiyu at nasugat noon ang paa niya kaya paanong-" natigilan ako ng marinig ko ang pagak na pagtawa ni Elias.

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Where stories live. Discover now