KABANATA 17

151 11 35
                                    

[CHAPTER 17:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'

"Gusto kita Rina matagal na at nahihiya lang akong aminin yo'n sayo." natigilan ako sa paghakbang ng sabihin yon ni Elias, Teka, Anong sinabi niya?

"Anong sabi mo?" pagtatanong ko,

"Gusto kita Rina at dahil gusto kita, mahal kita Rina." pag-uulit nito, natigilan ako at natulos sa kinatatayuan ko, hindi ako makapaniwala at sobrang lakas ng tibok ng puso ko at nanghihina ang tuhod ko.

Mahal niya ako? Gusto niya rin ako?"

"Elias gusto rin kita matagal na at sa tingin ko ay mahal na rin kita." naiiyak kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko akmang magdidikit na ang labi namin nang-

BIGLA akong nahulog sa kama dahil sa lakas ng sigaw ni Tiyu pati dugo kong tulog pa ay nagising bigla. PANAGINIP! Isang masamang panaginip ang napanaginipan ko!

Inis kong ginulo gulo ang buhok ko at sinampal sampal ang sarili ko, bakit ko yon napanaginipan? Bakit yon pumasok sa panaginip ko? Bakit?

"RJ BUMANGON KANA MAGTINDA KA NG PANDESAL!" sigaw ni Tiyu mula sa kusina.

Arghh! Nakakainis ang panaginip na 'yon, ang sakit ng likod ko dahil sa pagkahulog ko mula sa kama. Nakakainis!

Kasalanan mo 'to Elias, kasalanan mo!

Inayos ko ang gulo gulo kong buhok at tumayo. Naabutan ko si Tiyu na nasa labas inaayos ang mga pandesal na ititinda ko.

Habang nagtitinda ng pandesal ay laman parin ng isip ko ang napanaginipan ko kanina. Bakit naman kasi ayon pa ang napanaginipan ko?

Pwedi namang iba nalang, bakit yon pa? Ibig bang sabihin yon kasi yon yong gusto kong mangyari o naiisip niya kaya ako?

Bigla akong napapreno sa naisip ko, Arghh! Nakakainis na! Gusto kong maiyak sa inis.

Habang naglalakad ay napatigil ako dahil sa nakita kong nakapaskil sa bulletin board. SPORT FEST! Ito ang hinihintay ng karamihan na magagaling sa sports.

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy na sapaglalakad, kahit ang mga nakakasabayan kong kapwa ko estudyante ay 'yon ang pinag-uusapan.

Usap usapan rin na pweding pumunta kahit na outsider o hindi nag-aaral dito. Pupunta rin daw ang ibang school dito.

Kahit pagdating ko ng classroom ay gano'n din ang pinag-uusapan nila.

"Rj anong sports ang sasalihan mo?" salubong ni Rose sa akin, napairap naman ako sa hangin.

Simula noon ay wala akong sinasalihang sport tuwing may ganitong activity sa school. Takot ako sa bola, nakakahiya mang aminin pero takot ako sa bola kaya hindi ako marunong mag laro ng basketball, volleyball o iba pang sports. Hindi ko hilig ang sports dahil hindi naman ako magaling doon, at tanggap ko na yon.

"Wala akong sasalihan." sagot ko at umupo sa upuan ko.

"Hindi pa kayo sanay diyan, eh wala namang sinasalihan yan mula pa noon." dagdag ni Alexa.

"Bakit wala kang sinasalihan?" hindi ko alam pero bigla akong napaigtad ng magsalita si Elias sa tabi ko, at bigla na namang pumasok ang senaryo sa utak ko na nangyari sa panaginip ko.

Puso kumalma ka? Bakit ba naghuhurumintado ang puso ko sa bilis ng tibok nito?

"Dahil wala naman akong alam na sports." pilit kong pinatatag ang boses ko para hindi mautal.

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat