EPILOGO

233 17 23
                                    

[EPILOGUE:]

'Third Person's P.O.V'

Hindi mapapantayan ang kasiyahang nadarama ni Elias at ni Rj. Ito ang araw nang kanilang kasal, sa mahabang paghihintay at sa wakas dumating na ang araw na pinakahihintay nilang dalawa. Ang pag-iisang dibdib nila.

Hindi maiwasang kabahan ni Elias, hindi pa bumubukas ang malaking pinto nang simbahan.

"What if she will not come? Paano kung hindi niya ako siputin?" kinakabahan niyang tanong sa bestman niya, si Jacob.

Natatawang napapailing ang kaibigan niya at tinapik siya sa balikat. "Baka nga hindi kana talaga siputin."

Nalukot ang gwapong mukha ni Elias, "No, hindi 'yon pweding mangyari." nagpapalatak niyang sabi sa kaibigan na mahinang ikinatawa ni Jacob.

"Dude, I'm just kidding. So chill ka lang sisiputin ka niya. Normal lang na kabahan ka dahil kasal mo." paliwanag nito sa kaniya, huminga nang malalim si Elias.

Ilang minuto lang ay inanunsyo na nandiyan na ang kotse na sinasakyan ni Rj, sinasakyan nang kanyang bride. Sa panglabing limang pagkakataon huminga ulit nang malalim si Elias.

"This is it." mahinang bulong niya sa sarili.

Bumukas ang malaking pinto nang simbahan dahilan para makita niya ang babaeng pakakasalan niya na nakasuot nang gown na pangkasal habang may takip na belo sa ulo nito.

"Beautiful." anang niya sa sarili nang makita niya ang dalaga, nagtama ang mga mata nilang pareho at ilang saglit silang nagkatitigan.

Napansin niya ang maluha luhang mga mata ni Rj kahit pa na may takip na belo sa mukha nito.

Ang ama ni Rj at ang step mother niya ang kasama nitong maghahatid sa kaniya sa altar. Habang siya ay katabi niya ang papa niya at ang bestman niya.

Naramdaman niya ang pagtapik nang kung sino sa balikat niya kaya napatingin siya sa deriksyon nang taong may gawa no'n. "Dad." anas niya.

Ngumiti ang ama niya sa kaniya, "Love and protect your wife my son." anang kaniyang ama sa kaniya na may ngiti sa mga labi nito.

Matagal na silang nagkaayos nang kaniyang Ama. Ngumiti siya dito at gamit ang isang kamay ay niyakap niya ito, habang tinatapik tapik naman siya nang kaniyang ama sa balikat.

"Thanks Dad." tango lang ang sagot nang kaniya ama sa kaniya.

Ilang sandali lang ay nasa harapan na niya ang babaeng pakakasalan niya, ang babaeng mapapangasawa niya.

Tinapik siya sa balikat nang papa ni Rj, "Alagaan mo ang anak ko Ramirez, kung hindi kawawa ka sa tiyuhin niyan." pananakot nito sa kaniya at tumingin sa tiyuhin ni Rj na nakaupo at nakatingin sa kanila ngayon. Tumango ang tiyuhin ni Rj at ngumiti.

"Opo Sir." sagot niya.

"Huwag mo na akong tawaging Sir, just call me Dad." nakangiti nitong sabi sa kaniya at inabot ang kamay ni Rj sa kaniya. "Pinapaubaya ko na ang anak ko sa'yo Ramirez."

Tinanggap niya ang kamay ni Rj, muli na naman silang nagkatinginan. "You are so beautiful my sweetheart." bulong niya dito at humarap na sila sa altar.

Pagkatapos nang seremonyas at sa wakas ay isa na silang ganap na mag-asawa.

Mr. Sebastian Elias Ramirez and Mrs. Rina Joy Sullivan- Ramirez

1 year later....

Kabuwanan na ngayon ni Rj at ilang araw nalang ay lalabas na ang kaniyang mga anak. Dahil kambal ito.

Wala sa lahi nila ang kambal pero pinagpala naman silang magkaroon nito. Walang kaalam alam si Elias na ang anak nito ay kambal, ang tanging alam lang nito ay buntis ang asawa niya. Pati gender nang anak niya ay hindi rin niya alam dahil ayaw sabihin sa kaniya ni Rj at hindi rin siya nito isinasama sa tuwing magpapacheck up ito sa ob gyne

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon