KABANATA 11

157 14 14
                                    

[CHAPTER 11:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'


"That's what happened. I hate my father because of that, wala man lang siyang ginawa ng gabing yon habang nakatingin sa amin ni Mommy." anito ng maikwento ang lahat ng nangyari apat na taon na ang nakakalipas.

"Hindi mo dapat kamuhian ang tatay mo Ramirez, hindi naman siya ang pumatay sa ina mo." mahinahong sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"No, it's his fault. My mother died in my arms at nakatingin lang sa amin si Dad. You don't know how feel it is, hindi mo alam ang pakiramdam na mawalan ng ina." bakas ang inis sa boses nito. Napangisi ako ng maalala ang nangyari noon.

"Maswerte ka Elias, maswerte ka at may Ama ka pa. At tinatanong mo kong ano ang pakiramdam mawalan ng ina?" pagtatanong ko at lumingon sa kaniya, "Sobrang sakit Elias, sobrang sakit mawalan ng Ina habang ikaw na walang magawa."

"What do you mean? You don't have mother and father?" nagtatakang tanong nito, umiwas ako ng tingin at tumingin sa ilog.

"Lumalalim na ang gabi Elias, umuwi na tayo." tanging sabi ko at tumayo, nanguna akong maglakad at sumunod naman ito.

"Hey answer my question." pahabol nito,

"Umuwi kana Elias." pag-uulit ko at iniwan na siya.

Sa tuwing bumabalik ako sa ilog na 'yon naaalala ko ang nangyari at para sa akin sariwa pa 'yon. Alaalang kailan man ay hindi ko makakalimutan.

Namatay ang Mama ko na ako ang dahilan, namatay siya ng dahil sa akin at sa ilog na yon, ay doon mismo nangyari.

Kong hindi sana ako iniligtas ni Mama malamang buhay pa sana siya at malamang hindi sana galit ang Tiyuhin ko sa akin.

*FLASHBACK*

"Joy mabuti at naubos rin ang tinda natin anak makakauwi narin tayo." nakangiting sabi ni Mama at hinawakan ako sa kamay.

"Naghihintay na po siguro si Tiyu sa atin." malawak ang ngiti kong bati,

"Oo at kailangan na nating magmadali, malamang nagluto ang tiyu mo ng paborito nating sinigang na bangus." dahil sa sinabi ni mama, ay ako na mismo ang humila sa kaniya para bilisan ang paglalakad.

Natatawang nagpatianod naman si mama sa akin, magatatakip silim na. Kakaunti pa lamang ang tao dito sa barangay dahil ito lamang ay isang maliit na barangay.

Ngunit may tatlong kalalakihan ang sumalubong sa amin ni Mama na pareho naming ikinatigil sa paglalakad.

"Anong kailangan niyo?" tanong ni Mama sa mga kalalakihan, nilukob ng takot ang puso ko para sa amin ni Mama.

Ngumisi ang mga lalaki na parang may hindi magandang binabalak na mas lalo kong ikinakaba. Ng magumpisa silang humakbang ay siyang pag-atras namin ni Mama.

"Ma-ma." mahina at kinakabahang tawag ko kay mama, humigpit ang kapit sa akin ni Mama.

"Saan ang pera niyo, ibigay niyo sa amin." sabi ng isang lalaki.

"Mahirap lang kami, wala kaming pera." bakas ang takot sa boses ni Mama ng sabihin niya iyon,

"Ibigay niyo na." ngumisi ang isang lalaki at naglakad palapit sa amin. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, nanginig ako sa takot sa kong paano ako nito titigan.

"Wala kaming pera, hayaan niyo na kaming dumaan. Padaanin niyo na kami." pagmamakaawa ni mama sa mga kalalakihan.

Lumapit ang isang lalaki sa akin at pilit akong inihiwalay kay Mama ngunit hindi pumayag si Mama, nagulat ako sa sunod na ginawa ni Mama walang kahirap hirap nitong sinipa ang lalaki sa tiyan na ikinaatras nito at napaupo sa sahig.

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Where stories live. Discover now