KABANATA 30

130 11 13
                                    

[CHAPTER 30:]



'Rina Joy (RJ) P.O.V'



Isang buwan na ang nakalilipas umaayon naman ang lahat, at sa bawat araw na lumilipas mas nakikilala pa namin ang isat isa ni Elias.

Ganito pala ang pakiramdam kapag hinayaan mo ang sarili mong magmahal. Sana lang ay hindi ito ang maging dahilan para mawasak ako.

"VALDEZ!" nabalik ako sa kasalukuyang ulirat ng marinig ko ang sigaw ng baklang teacher sa harapan.

"Ano?" tamad kong tanong at humikab.

"Kanina pa kita tinatanong. Nasa ibang planeta ba ang utak mo?" galit na tanong nito, hindi ko alam kung ano problema nito at palaging galit sa akin.

"Oo at kung gusto mo ay sunduin mo na." sarkastikong sagot ni Jen na ikinatawa ng mahina ng mga kaklase ko.

"Quiet!" sigaw nito.

"Ano ho yong tanong niyo?" mahinahong tanong ko, na ikinagulat ng lahat maski ang ang baklang guro.

Wala namang nakakagulat pero kahit ako ay nagulat rin, dahil hindi ko ito sinungitan.

Napaismid ako ng marinig ang mahinang tawa ni Elias. "I'm sorry Sir, Valdez is spacing out because she was thinking about of me."

"Naks! Iba talaga pag pumapag-ibi si Rj." kantyaw ng isa sa kaklase namin na sinundan naman ng iba pa.

Namula ang pisngi ko, matalim kong tinignan si Elias. Na parang sinasabi ng tingin na yon na mamaya ka sa akin. Na mukhang nakuha naman niya.

"I'm just kidding." bawi niya sa sinabi niya.

Uwian na at sabay kaming dalawa na naglalakad papuntang paradahan ng tricycle.

"Why do you always want us to commute?" tanong niya sa akin habang tumatawid kami.

"Aminin mo ng nasasanay ka narin." sagot ko. "Nagugustuhan mo naman ng mag-commute." dagdag ko pa.

Nang makasakay kami ng tricycle ay tyaka na rin pinaandar ng driver ang tricycle. Habang nasa tricycle ay nakatutok si Elias sa cellphone niya, ayaw ko namang silipin dahil privacy naman niya yan.

Sumandal nalang ako sa upuan at ipinikit ang mga mata ko, masyadong nakakapagod sa school at nakakadrain ng brain cells ang pinag-aaralan.

"Are you tired Rina?" tanong ni Elias, at isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

"Medyo, nakakapagod lang. Ikaw?" balik tanong ko.

Umiling siya, "Hindi naman, inaantok ka ba?" tanong niya, "You can sleep for a while gisingin nalang kita pagnakarating na tayo."

"Hindi na." kaso napahikab ako. Hanggang sa nilamon na rin ako ng antok kaya na ako nakatulog.

"Rina?" nagising ako sa mahinang pagtapik tapik ng kung sino sa balikat. Pagmulat ko ay bumungad sa akin si Elias na ginigising ako.

"We're here." aniya, akmang kukuha narin sana ako ng ibabayad na pamasahe ng pigilan ako ni Elias, "Ako na ang magpapamasahe." aniya at inabot ang baryang thirty pesos.

"Good bye Rina." paalam niya at hinalikan ako sa noo.

"Bye." paalam ko.

Pumasok na ako sa loob ng bahay, nagpalit narin ako ng pambahay na damit pagkatapos. Mayroon kaming ensayo ni Tiyu ngayon sa karate.

Twenty minutes lang ay natapos din, pagkatapos naman no'n ay nagluto na ako para sa hapunan namin habang gumagawa rin ako ng assignment at nagrereview.

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Where stories live. Discover now