KABANATA 28

129 13 18
                                    

[CHAPTER 28:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'


Nakabihis na ako at suot suot ko na ang gown na binili, dumaan dito si Rose kanina bago umalis para ayusan ako. Nauna na ito sa pagdadausan ng prom.

Hinihintay ko nalang si Elias dahil ang sabi nito ay susunduin niya ako.

"Tandaan mo ang oras ng pag-uwi Rj." bilin ni Tiyu, tumango lang ako bilang sagot. Nanonood ito ng balita sa tv habang nagkakape.

Kanina ko pa ipinupunas ang dila ko sa labi ko dahil hindi ako sanay sa lipstick naaalibadbaran ako.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin, mukha naman akong tao kaya hindi naman siguro ako ipagpapalit ni Elias doon sa prom kung sakali mang may mga magagandang babae.

Napatayo ako ng marinig ko ang paghinto ng sasakyan, huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto ng bahay ng marinig ko ang pagkatok.

"Hi good evening my sweetheart!" natigil ako at napatitig sa kaniya, napakagwapo nito. Boyfriend ko ba talaga siya? Pakiramdam ko isa lang itong malaking panaginip. "I know that I am handsome Rina, wag mo muna akong titigan baka maglaway ka."

Natigil ang pag-iisip ko sa sinabi nito, "Sinong may sabing gwapo ka?" ismid ko.

Bumagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo at nakabrush up rin ang buhok nito. Aaminin ko ngang gwapo ito, pero hindi ko sasabihin sa kaniya baka lumaki lang ang tainga niya.

"Everyone." nakangisi niyang sagot at hinapit ako sa baywang nagulat ako at naghuhurumintado na naman ang puso ko. "Napakaganda mo ngayong gabi Rina."

Napaiwas ako ng tingin baka makita niyang namula ang pisngi ko, "Ngayon lang?" ismid ko.

"No, you are always beautiful. Mas lalo kalang gumanda ngayon that's what I mean Rina." aniya, natigil kaming dalawa ng may marinig kaming malakas na tikhim, sabay kaming napatingin ni Elias kay Tiyu na ngayon ay matalim na ang titig sa aming dalawa.

"Itigil niyo na yan at umalis na kayo. Elias bantayan mo ang pamangkin ko kapag may nangyaring masama sa kaniya hindi magugustuhan ang gagawin ko sayo. Ikaw naman Rj tandaan mo ang limitasyon mo." pangaral ni Tiyu, tumango lang ako at nagpaalam na kami ni Elias.

"Ano naman kayang meron doon sa prom?" tanong ko kay Elias habang nasa daan kami.

"Pareho tayong magkasama tapos mo ako tatanongin, anong alam ko doon." aniya na nakatingin sa daan, mabilis kong kinurot ang hita niya kaya napadaing siya. "Ouch!"

"Nagtatanong ako ng maayos, pinagloloko mo'ko." ismid ko sa kaniya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa na ikinatingin ko sa kaniya.

"I'm just kidding Rina, tignan nalang natin at ienjoy ang gabing ito." sagot niya, napahikab ako hindi pa man kami nakakarating sa even humihikab na ako.

Nang makarating kami sa lugar na pagdadausan ay marami ng tao may mga nakagown, tuxedo, at balita ko ay may guest raw na darating.

Pinagbuksan ako ni Elias ng pinto at pagkatapos ay inilahad niya ang braso niya sa akin noong una ay nagtaka ako ngunit ng maisip kung ano ang gusto niyang ipahiwatig ay iniangkala ko ang braso ko sa braso niya pagkatapos no'n ay sabay kaming naglakad papasok ng loob.

Dumeritso kami sa mesa na nakalaan para sa section namin, maraming tao dito sa hall. Lahat sila ay magaganda at gwapo at pinaghandaan ang gabing ito.

"Whoah! Ikaw ba yan Rj? Babae kana?" gulat na tanong ng isa sa kaklase ko at angtawanan sila matalim ko silang tinignan.

"Babae naman talaga ako." ismid ko. Bago umupo sa tabi ni Elias.

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Where stories live. Discover now