KABANATA 26

130 10 21
                                    

[CHAPTER 26:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'


"Grabe pakiramdam ko na drain yong utak ko doon sa exam."

"Ako nga pakiramdam ko tinakbuhan na ako ng utak ko bago pa magexam."

"Yong utak ko naman nagpaiwan sa bahay rest day niya daw kung kailan ang exam."

"Mga sira, baka naman wala kayong utak?"

Ilan yan sa mga sinasabi ng mga kaklase ko ng matapos namin ang exam at lumabas na ang teacher. Totoo naman kasing mahirap ang exam. Napatingin ako kay Elias na nag-aayos rin ng gamit kagaya ko.

"Ano mahirap yong exam?" tanong ko dito.

"Kinda." sagot niya,

"Seryoso ka? Eh ang hirap kaya no'n." halos dumugo na ang ilong ko kanina samantalang siya ay medyo lang daw.

"Yes, it's kinda." napatango nalang ako sa sagot nito, matalino naman talaga ito kaya hindi na dapat ako magtataka.

Dalawang araw narin ang nakalilipas simula nang maging kami. Iba pala sa pakiramdam ang magkaroon ng boyfriend.

Napatingin ako sa labas ng bintana at makulimlim ang langit at parang nagbabadyang ulan.

"Mukha yatang uulan. Wala pa naman akong payong." mahinang bulong ko sa sarili.

"I don't have too." sagot ni Elias na ikinagulat ko, narinig niya ako. "I told you, sinabi ko ng dalhin natin ang kotse ko nagpumilit ka pang hindi. Look paano tayo niyan makakauwi?"

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at napangiwi, hindi ko kasi siya pinagdala ng sasakyan dahil gusto kong sa tricycle kami sumakay. Gusto kong pukpukin ang ulo ko sa kabaliwan na nagawa ko.

"Ah, dalian nalang natin." sabi ko at isinukbit na sa balikat ko ang bagpack pagkatapos ay hinila na siya ng maisukbit niya na ang sariling bag.

Hinihingal kami ng makarating kami ng paradahan ng tricycle sakto ng pagkarating namin ay siyang pagbuhos ng malakas na ulan.

"Kita mo, sabi sayo. Hindi tayo mababasa ng ulan." nakangisi kong sabi dito at pumasok sa loob ng tricycle sumunod naman ito.

Nakasimangot ang mukha nito ng tumabi sa akin. "Oh problema mo?"

"What we did is breathtaking Rina. Ang bilis at ang layo ng tinakbo natin." aniya.

"Para namang hindi ka sanay niyan tumakbo. Exercise narin yong ginawa natin." sagot ko, napailing nalang ito.

Uwian na kaya maraming mga estudyante rito sa paradahan, tatlo nalang ang pasaherong kailangan dito sa tricycle para lumarga na.

"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ni Elias.

"Kailangan munang punuin itong tricycle bago umalis, mga tatlo pang pasahero ang kailangan." sagot ko, "Naiinip kana ba?"

"Hindi naman, ganito ba dito palagi?" tanong niya.

Tumango ako, "Oo."

"Magkano naman ang bayad?" muli na namang tanong nito.

"15 pesos kapag estudyante." sagot ko sa kaniya at tinanggal ang suot kong sapatos, masakit na kasi sa paa.

"What are you doing Rina? Bakit mo tinatanggal ang sapatos mo?" nagtatakhang tanong niya.

"Masakit na sa paa, hindi naman mabaho kaya wag kang maginarte." sagot ko.

"Tsk, anyways nagugutom kana ba?" tanong niya at inilagay sa harapan niya ang bag.

Umiling ako, "Busog pa ako, ikaw nagugutom kana ba?"

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon