KABANATA 25

145 12 30
                                    

[CHAPTER 25:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'

"Kung hindi pa ako makikichismiss hindi mo pa sa akin sasabihin huh." nakangusong sabi ni Rose sa akin, ngayon nalang ulit kami magkakasabay sa tricycle.

Pinagkunutan ko siya ng noo sa sinasabi niya, "Anong hindi ko sinasabi?"

"Duhh, nagmamaang-maangan ka pa Rj." sagot niya at inirapan ako.

Binatukan ko siya, "Hindi ako manghuhula kaya sabihin mo na kung ano yang hindi ko sinabi sayo at kailangan mo pang makisagap ng chismiss?"

"Na nililigawan ka pala ni Elias." derederitsong sabi niya.

"Hindi ka talaga papahuli sa chismiss noh?" sarkastiko kong tanong.

Taas noo siyang tumingin sa akin, "Huli na nga ako eh."

Nang makarating kami sa school ay tahimik, malamang talagang tatahimik dahil malapit na ang exam at nagrereview ang mga ito.

Kahit ako ay kinakabahan rin para sa second quarter exam namin at kailangan ko itong maipasa. Ayaw ko ring sayangin ang pagpapa-aral sa akin ni Tiyu.

Kaya ng makarating kami ni Rose ng classroom at ng makaupo ako sa sarili kong upuan ay agad kong binuklat ang libro at notebook ko.

Wala pa rin si Elias, marahil ay papasok pa lang.

Hindi lang pagbabasa ang ginagawa ko nagsusulat rin ang key notes para madali kong matandaan. Napabuntong hininga ako pakiramdam ko mapipiga ang utak ko.

Dumating si Elias, nagulat ako ng makitang putok ang gilid ng labi nito.

"Anong nangyari?" mahinang tanong ko pagkaupo nito sa tabi ko, sa upuan niya.

Umiwas lang siya ng tingin at hindi ako siangot. "Elias inuulit ko, anong nangyari? Bakit putok yang gilid ng labi mo at may bakas ng dugo?"

"Wala lang ito, don't mind it." aniya na hindi makatingin sa akin.

"Baka gusto mong doblehin natin yan para mas dama mo, tyaka mo sabihin don't mind it." puno ng sarkastiko kong sabi.

Napabuntong hininga naman ito, "Fine. I will tell just don't punch me Rina."

"Ano ngang nangyari?" mariin kong tanong, sinong may lakas ng loob para suntukin siya?

"The three guy in the mall. They saw me in the parking lot, that's why. Just don't mind it." sagot niya at kinuha ang isang libro ko at kunwaring nagbabasa.

"Anong ginawa nila sayo?" mariin kong tanong, hindi siya sumagot at nagpanggap na seryosong nagbabasa. "Sinapak ka ba nila? Bakit hindi ka lumaban, bakit hindi mo prinotektahan ang sarili mo?"

"Rina they all five, I can't fight them all." sagot niya na hindi nag-aangat ng tingin. Nagngit-ngit ang ngipin ko sa inis.

Kinuha ko ang panyo ko at kinuha ang alcohol ko sa bag, binasa ko ng kaunting alcohol ang panyo at lumapit ako sa kaniya para idampi ang panyo na may basang alcohol.

Napa-aray naman ito ng dumampi ang panyo sa sugat niya. "Hindi ka kasi nag-iingat."

"Masakit Rina." sabi niya ng madiinan ko ang panyo, napabuntong hininga naman ako.

"Dapat tinawagan mo ako kaagad ng makita mo sila o dapat umiwas ka nalang." naiinis kong sabi sa kaniya.

Ngumiti siya ngunit nauwi sa ngiwi dahil sa sugat niya sa gilid ng labi. "Are you worried?"

"Aba syempre oo." sagot ko ang piningot, pinitik ko ang tainga niya.

"Ouch! It hurts." ungos niya.

You Are My Destiny  (PUBLISHED UNDER CLP)|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon