CHAPTER III

302 138 28
                                    

PABAGSAK akong nahiga sa sarili kong kama. Mag isa lang ako ngayon dito sa bahay. Wala si mama dahil namalengke siya kasama ang nakakabatang kapatid ko. Mabuti na 'yon at hindi ko sila naabutan, ayaw ko namang makita ako ng nanay ko na ganito ang itsura ko at wala pa akong maiisip na idadahilan kung saan ako natulog kagabi.

Ilang ulit akong napabuntong hininga habang nakatingin sa kisame, hindi ko muna inisip ang nangyari kagabi...bahala na.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko napagdesisyunan na tumayo at maligo.

Maglalakad na sana ako papasok sa loob ng Cr nang mahagip ng mata ko ang aking repleksyon sa salamin. Napakunot ang noon ko at bumalik sa kinaroroonan ng salamin. Dali dali akong lumapit doon at nanigas ako nang makita ko ng malapitan ang mga nagkalat na marka sa aking leeg.

Dali dali akong pumasok sa Cr at kumuha ng cold compress. Hindi ko namamalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.

Napabuntong hininga ako nang makitang unti lang ang nabawas, tatakpan ko nalang ng concealer pagkatapos kong maligo. Matagal pa akong nakatitig sa salamin, nagpakawala muna ako ng isang mabigat na hininga bago naisipang maligo.

-------

Lumabas na ako ng kwarto nang makaramdam ako ng gutom. Paika ika parin akong maglakad, dahil masakit talaga. bakit naman kase napakalaki ng alaga niya, last time I checked hanggang 4 inches lang ang mga pilipino, pero 'yong sakanya isang dambuhala.

Nagulat ako ng makita si mama na naghuhugas ng mga plato sa kusina, buti nalang at natakpan ko na ng concealer ang mga marka sa leeg ko, kung hindi na'ko malilintikan tayo kay mama.

"Oh anak nand'yan ka na pala. Mabuti naman at nakauwi kana" anas niya ng makita ako. "Kumain kana ba?" Tanong nito na hindi ko nasagot dahil sa bilis nitong magsalita, ito talaga si mama may lahi yatang rapper, kunti nalang at mag bebeatbox na' ako "oh ito kumain kana muna" sabay lapag ng plato na punong puno ng pagkain.

"Ma naman angdami niyan, parang kakainin na 'yan ng buong pamilya eh" nakasimangot kung angal bago umpo at kumain.

"Hay na'ko kumain kana. Ubusin mo 'yan tignan mo nga ang payat payat mo na." Sabi nito habang binababa sa lamesa ang isang basong juice na agad ko naman ininom. "Alalang-alala ako sayo kagabi dahil dis-oras na ng hating gabi hindi ka pa umuuwi at hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko, mabuti na lang at tinawagan ko ang kaibigan mo'ng si Yannicka, napaka bait talaga ng batang 'yon at inalagaan ka at pinatulog sa bahay nila". Nasamid ako sa sinabi niya,hindi ko alam kung anong mabuting nagawa ko at nagkaroon ako ng mga kibigan na sasaluhin ka sa oras ng sakuna. Oo tahimik at laging masungit si Yan-Yan but she always care for us, she really understand the assignment.

Hindi na ako umimik wala naman akong sasabihin. Laking pasasalamat ko nang hindi niya na dinagdagan pa ang sinabi at umalis na ito agad para diligan ang mga pinakamamahal niyang mga halaman.

Patapos na akong kumain ng may marinig akong mga boses." Halikayo pumasok kayo, wag kayong mahiya." narinig kong panyaya ni mama sa kung sino man.

May narinig akong tawanan sa may sala kaya agad akong pumunta sa doon para tignan ang mga nagtatawanan.

Makahulugang ngisi ang mga sumalubong sakin nang makarating ako do'n. Lumapit ako sakanila at agad na may binulong saakin si Amira. " Kamusta gabi mo? Balita ko may sinamahan Kang fafa kagabi ha!" Mahina lang ang pagkakasabi nito kaya ako lang ang nakarinig.

"Oh siya maiwan ko muna kayo dito at magdidilig pa ako, magtanong nalang kayo Kay Ericka kapag may kailangan kayo". Paalam ni mama sakanila.

Pagka-alis ni mama ay agad nila akong hinila paupo."Gaga ka hindi lang ako sumama kumarengkeng kana agad." Paunang Sermon ni Amira.

His Precious PossessionWhere stories live. Discover now