CHAPTER V

243 131 19
                                    

WALA naman akong masiyadong ginawa pero bakit pakiramdam ko ay napakarami kong ginawa at pagod na pagod ako kaya tamad kong binuksan ang pintuan ng aking condo unit.

Isa ito sa mga kilalang building dito sa Quezon City. Maraming mga mayayaman ang nakatira dito. Nasa top floor ako kaya wala masiyandong mga tao dito. Mga piling tao lang din ang nakakapasok dito.

Sagot ng kliyente ang titirhan ko kaya wala nang naging problema ng lumawas ako paparito. Unang pasok ko palang dito sa building ay alam ko ng hindi basta basta ang aming kliyente.

Nakakapagtaka dahil sa mamahaling condo ako dinala, ang akala ko ay sa isang apartment ako maninirahan kaya naman laking gulat ko ng dito ako dinala sa isa sa mga pinakasikat na building sa buong Pilipinas. Ang dinig ko ay dito naninirahan ang mga anak ng mga mamayaman, business tycoon at iba pang bibigating tao.

Tumingin ako sa wristwatch ko at makita kong maaga pa naman kaya naisipan ko munang magpahinga.

Madaming nangyari ngayon na hindi ko inaasahan. Masyado akong nagpakampante na hindi ko na siya makikita muli dahil umalis na ako. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako pumayag sa misyon na ito.

Nakalimutan ko na napakaliit pala ng Mundo at kung paano maglaro ang tadhana.

Isang mabigat at mahabang buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago tuluyang nagpalamon sa dilim.

"You did a great job my little princess!" Proud na proud na ani ng isang lalaki. "You really never fail to make us proud my princess."

"Popsi naman, hindi na ako bata 'no" Reklamo ng dalaga pero nakangiti.

"Yes, you're not young anymore but you're still our princess, right mi amore?" Baling nito sa ginang na naghahain ng pagkain.

"Dinamay pa ako. O siya tama na yan at kakain na tayo baka lumamig pa ang pagkain. Sagot at pag aanyaya ng napakagandang ginang.

Tahimik silang nagsasalo salo sa hapag nang biglang nabulabog dahil sa marahas na pagbukas ng kanilang pintuan. Sunod sunod napumasok ang nasa labing dalawang armadong lalaki. Matitikas ang mga pangangatawan nila, lahat sila ay nakasuot ng itim may kanya kanya din silang hawak na matataas na kalibre ng baril. Lahat sila ay balot mula ulo hanggang paa kaya kahit na anong pangingilatis ng ama ay hindi niya parin malaman-laman ang pagkakakilanlan ng mga ito.

"Sino kayo at ano ang kailangan niyo saamin!" Nagpipigil ng galit na sabi ng ama. Nasa likod niya ang kaniyang mag-iina. Lahat umiiyak, mahigpit ang yakap ng dalaga sa kanyang ina na mahigpit ding bitbit ang batang lalaki na walang kaalam alam sa mga nagyayaring sa kanyang paligid.

Mababasa mo ang takot sa kanilang mga mata, takot na sila'y masaktan, takot para sa kanilang haligi ng tahanan. Walang tigil ang pag agos ng kanilang mga luha. Takot sila ngunit wala silang magawa dahil alam nilang isang maling galaw lang ay may mangyayaring masama.

"We're here to give your punishment, Villanova." Walang paligoy ligoy na sabi ng isang lalaki na may hawak na mataas na kalibre ng baril at nakakatutuk sa mag iina.

"Our identity won't make your life long." sabi ng lider. "Our boss owe you a lot because of saving his wife's life, unfortunately you're a traitor. And you must have face the consequence of your actions. Ani nito bago itutok ang baril sa nuo ng ama.

Unti unting nawala ang mga imahe bago ako tuluyang magising.

Lagi akong ginagambala ng pangyayaring iyon. Wag kang mag-alala popsi, ipaghihiganti kita. Balang araw makakamit din natin ang hustisya sa pagkamatay mo. Hindi man ngayon pero malakas ang pakiramdam ko na malapit na... Kunting hintay lang popsi.

Hindi ko namamalayan ang patulo ng aking luha, pinunasan ko ito at napatingin sa cellphone kong kanina pa nagriring.

Nagpakawala muna ako ng mabigat na buntong hininga bago sagutin.

"Erickaaaaaaaa! Finally sinagot mo din!" Inilayo ko sa tenga ang cellphone dahil sa tili nito, damn Amira masisira ang eardrums ko sa'yo.

"Low down your voice Amira, kung maka asta ka ay parang limang dikada tayong di nag uusap". Sabi ko habang umiiling.

"Miss na kita bakla! Anong ganap d'yan?" Ani nito.

Napabuntong hininga ako sa tanong niya, nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sakanya ang nangyari ngayong araw o hindi. "You won't believe what's just happened to day." Nanggihinang sagot ko.

Isang putok ng baril muna ang narining ko bago siya nagsalita "ooopseee headshot" bulong niya. Napailing nalang ako, of course she's in a mission. "Sorry, what? Hindi kita narinig". Napaikot naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Seriously, Amira?" Saad ako at narinig ko naman siyang tumawa. "Focus on your mission, don't fail or else..." nakarinig ako ng sunod sunod na putok kaya nagpaalam na ako "I'm hangin' up, byeeaa."

Isang mahabang buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago maisipang tumayo at magtungo sa kusina.

Napasimangot ako sa nasaksihan, ni isa ay walang laman. Napakalaki ng ref ngunit walang laman anong silbe mo kung ganon? Fuck bakit ba napakamalas ko ngayong araw?! Damn it. Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok habang binabagtas ang daan patungo sa aking silid. Itutulog ko nalang muna siguro itong gutom ko.

Nahiga na ako sa kama at sa kabutihang palad ay mabilis din akong hinila ng antok.

-----

Napasipa ako sa kawalan dahil sa inis, sinamaan ko ng tingin ang cellphone kong kanina pa nag iingay. Marahas akong bumangon at inabot ito sa side table.

"What!" Halata sa boses ko ang inis, nadagdagan pa ng marinig ko ang halakhak ng kung sino mang poncio pilato ang gumising sakin.

"Easy miss beautiful, parang napaka aga naman yata para mainis ka sakin." Napairap ako sa kawalan ng mapagsino ang tumawag, none other than Cooper Velasquez also known as walking aids.

"What do you need, Velasquez?!" May bahid parin ng pagkainis ang boses ko.

"Chill Villanova, mas mataas parin ang rango ko kaysa saiyo. Anyway I called you just to wake you up miss Villanova. Your new boss is a short tempered ass man, mahirap na at baka masisante ka pa kapag nag kataon." Sabi niya. "Move your pretty ass, miss beautiful. You need to be there 7 am sharp. And don't forget to wear your disguise suits kalimutan mo na lahat wag lang 'yon." Seryusong sabi nito bago ibaba ang tawag.

"Fuck you Velasquez" sabi ko kahit alam kong di niya maririnig, napatingin ako sa pambisig na relo ko at nanlaki ang mata ko sa nakita. Damn pasado alas sais na! Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at tumakbo papuntang banyo.

-----

Hingal na hingal ako ng makarating ako sa harap ng building. Mukhang ayaw pa akong papasukin ng guards, mabuti nalang at nakahanap ako ng paraan.

Patakbo akong lumapit sa front desk at tinanong kung saang floor ang office ni Mr. Tajido, base sa taas ng kilay ng babae ay alam kung hinuhusgahan niya ako sa suot ko.

Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako ay nababaduyan sa suot kong sky blue button down shirt na sinamahan ng mahabang itim na palda, itim na doll shoes at makapal na wig idagdag pa ang magulo kong buhok dahil sa pagmamadali ko kanina.

"Ano ba miss balak mo bang husgahan ako maghapon? Malalate na ako oh!" Inis na sabi ko na ikina-irap niya. Tulad ng kahapon ay revealing din ang suot nito, mas matanda ang itsura niya kesa sa babae kahapon. Napakunot ang nuo ko dahil hindi mahagilap ng tingin ko ang babae kahapon.

"Sigurado ka bang tama ka ng kompanyang pinuntahan?" Aniya ng may bahid na pangungutya sa kanyang boses.

Napasinghap ako ng marahas kasabay ng pagtunong ng aking telepono. Inis kong kinapa ang telepono sa bulsa ko at di ko inaasahan na di keypad na cellphone ang makikita ko. Binuksan ko ito at nakita ko ang mensahe ni Velasquez.

Nakalagay dito ang dapat kong pupuntahan, napatingin ako sa receptionist at nginitian ito ng nakakaloko bago umalis patungo sa elevator.

His Precious PossessionWhere stories live. Discover now