CHAPTER X

129 27 8
                                    

Nakita kong naglabas ng patalim ang isang lalaki kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo papunta sa likod ng lalaki at sakmalin ang leeg nito gamit ang braso ko.

"Fuck!" Mura ni Mr. Tajido

Agad niyang nahuli ang kamay ng lalaki at pinipilit ito. Nakuha ni Mr. Tajido ang patalim at itinapon sa malayo. Bumaba na ako at hinayaan silang magpalitan ng suntok.

Puro atake ang ginagawa ng lalaki at wala namang kahirap hirap na iniiwasan ni Mr. Tajido

Tila napagod na ang lalaki sa kakaatake kaya bumagal na ang mga galaw niya. Si Mr. Tajido naman ang umaatake ngayon-mabilis ang kanyang mga galaw. Nakahandusay na ngayon ang lalaki sa sahig at wala ng malay.

Tinignan ko isa-isa ang mga lalaking nakahandusay bago tumingin kay Mr. Tajido. Nakatalikod na siya saakin at parang may kausap siya sa kanyang telepono, hindi nagtagal ay binaba niya na rin. Tumingin siya sakin at lumapit sa kinatatayuan ko.

Walang bakas ng kahit anong emosyon sa mukha niya. "Are you okay?" Mahihimigan mo ang lamig sa boses niya.

Hindi ako naka imik kaagad. His cold voice makes my back shivers. The heck?

"Y-yeah," mautal-utal kong sabi ng hinubad niya ang coat niya at ipinatong sa magkabilaang balikat ko. Fuck this man is really something! His action affects me a lot!

Tumaas ang kamay niya para haplusin ang mukha ko. Napaigtad ako kaunti sa ginawa niya. Ganon parin ang ekspresyon niya. Walang bakas ng kahit na emosyon. Bumaling siya sa mga lalaking nakahandusay parin sa sahig.

"Serves you right," ngumisi siya kahit na hindi kita ng mga nakahiga. Bumaling siya sakin, "sa susunod huwag kang magsusuot ng ganyan lalo na kapag mag isa ka." Mariin niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. Alam kong tama siya pero sino siya para sundin ko? Si Peyn ang empleyado niya hindi si Ericka. Paki niya kung magsuot ako ng ganito? Eh mas malala nga magsuot 'yung mga chix niyang bumibisita sa building niya. Hindi naman masamang ayusan ang sarili paminsan minsan.

Inirapan ko siya, "whatever you say." Sabi ko sabay alis sa harapan niya. Nagtungo na ako sa club. Nahagip pa ng mata ko ang pagiling niya.

Nasa bukana na ako at kaharap ko na ang dalawang lalaking armado at malalaki ang katawan. Bubuksan ko palang sana ang dala kong purse para hagilapin ang ID ko ngunit iminuwestra na ng bouncer ang daan. Hindi ko na kailangan pang lumingon sa likod dahil ramdam ko na ang presenya niya. Gumilid ako para makadaan siya pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Nakipagtitigan lang siya sakin.

"Ano? Hindi ka ba gagalaw diyan?" Irritado kong sabi.

"Ladies first, " ani niya at iminuwestra ang daan. Inirapan ko nalang siya at nauna nang naglakad papasok

Bumungad saakin ang nakakaindak na tugtugin, nakakhilong mga ilaw, magkahalong amoy ng sigarilyo at alak. Tumigil ako sa paglalakad para libutin ng tingin ang club. Maingay ang paligid dahil sa tugtugin at halo halong sigawan ng mga taong nagsasaya. Tumingin ako sa counter at may nakitang bakanteng upuan dun... Napangisi ako, don ako pupuwesto.

Panaka akong sumulyap sa likod ko para tignan kung nandon pa siya. Hindi na ako umasang nandon pa siya kaya nagulat ako ng magtama ang tingin namin.

"What?" Pasigaw kong sabi sakanya.

Yumuko siya para magpantay ang bibig niya sa tenga ko. "Follow me," bulong niya bago nagpatiunang maglakad.

Hindi ako sumunod sakanya. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at humalukipkip.

Nasa pangatlong hakbang na siya ng bumalik ang tingin niya sakin. "Are you going to follow me or I'll gonna carry you?" What the hell? Hindi naman kami magkasama na pumunta rito ah.

His Precious PossessionWhere stories live. Discover now