CHAPTER XII

89 18 2
                                    

Agad akong tumalikod para sana bumalik sa parking area, subalit napatigil ako dahil sa gulat. Nagtagpo ang mga mata namin ni Mr. Tajido ngunit mabilis lang 'yon dahil umiwas ako. Tumakbo ulit ako ngunit mabilis niyang nahuli ang braso ko at pilit na pinatigil. Tinignan ko siya ng may bakas na pagtataka sa mukha.

"You're not leaving," aniya. I can feel the coldness in his voice.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh?" Pilit kong kinakalas ang pagkakahawak niya sakin subalit hindi sapat ang aking lakas, animo'y bakal ang kamay niya na nakagapos sa braso ko. Hindi masakit, hindi mahigpit, hindi rin maluwang, sakto lang kumbaga-pero hindi sapat ang lakas ko para tanggalin 'yon!

"Ano ba! Let go! Nagmamadali ako ngayon kaya puwede ba pakawalan mo na ako?!" Medyo napalakas ang boses ko. Nagpumilit parin akong tanggalin 'yon. Ngayon, humihigpit na ang hawak niya sakin.

He leaned and whispered, " I said, you're not leaving." Naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa batok. His words make my back shiver. Damn, this man!

Gayon pa man ay hindi ako nag padaig. Kailangan ko makaalis ngayon at tumalima sa sinabi ni Velasquez. Hindi ko kayang may mangyaring masama sa kaniya.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon sa buhay ko kaya bitawan mo'ko ngayon din. "

Ngunit nginisihan niya lang ako.

"Let go nga sabi! Ba't ba ang kulit kulit mo?!" I said out of frustration. Nakaramdam ako ng basa sa bandang pisngi ko. Kinapa ko ang mukha ko at napagtantong naglandas ang mga luha sa pisingi ko! What the? Bakit ako umiiyak? What's happening? This is stupid!

Tinignan ko siya kahit na punong puno na ng luha ang mga mata ko. Naaninag kong umamo ang mukha niya, pumungay ang kaniyang mga mata. He suddenly becomes soft. He pulls me into a hug, my head is now resting on his hard chest. His manly scent invades my nose. It's like a drug, it's addicting. I promise I can stay all day just sniffing his manly scent. My tears had stopped dripping but I'm still sobbing.

Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganong posisyon nang tumunog ang telepono ko.

Kumalas siya mula sa pagkakayakap sakin kaya kinuha ko ang telepono ko mula sa bulsa ko. Si Velasquez tumatawag! Sasagutin ko na sana nang hablutin niya ito at siya na mismo ang sumagot.

Hindi siya nagsalita. His eyes darkened, "she can't come." Aniya at pinatay ang tawag.

Umawang ang mga labi ko sa ginawa niya. "A-anong sabi?" Lakas loob kong tanong.

Umiling lang siya at ngumisi. "Greensville seguramente estará allí para salvarla. " Kumunot ang nuo ko dahil hindi ko naintindihan ang tinuran niya.

"Porke marunong sa salitang banyaga, e." Inirapan ko siya. "Edi sorry kung hindi ako marunong! Hintayin mo at aaralin ko 'yang lenggwaheng iyan."

Ganon parin ang ekspresyon niya, nakataas ang kanang bahagi ng labi. Tsk.

Lumapit pa siya lalo sa'kin at inakbayan ako."Where do you want to go?" Tanong niya nang may pataas-taas pa ng kaniyang dalawang kilay. I find it cute, so adorable. Pano niya kaya nagagawa 'yon? Ang pagiging guwapo, makisig, at cute? Sadyang pinagpalang lubos ang lalaking ito, ibang klase! "Do you wanna bed rest or go shopping?" Tanong niya pa uli.

Napataas ang kilay ko. Anong meron sa kaniya? Wala ba siyang lakad ngayon? Kaya siguro hindi ko siya nakikita sa opisina dahil busy siya kakatanong sa mga babae niya kung gusto ba nilang mag shopping o bed rest... bed rest ba talaga o jugjugan? Tsk, how about his fiancee? Baka kaya hindi siya nagpupunta sa opisina kasi abala silang pareho sa pag-aayos ng kasal nila. Or baka nagde-date sila? Ine-enjoy na nila ngayon kasi pag kinasal na sila ay magkakapamilya na sila, wala na silang mga oras para magdate kasi nakatuon na yung oras nila sa mga anak nila. Pumait ang mukha ko sa naisip.

"Bakit mo tinatanong?"

Ngumuso siya, "gusto ko lang."

"Sige, sabi mo e." ani ko at tumalikod. Balak kung bumalik nalang sa condo upang magpalit ng damit. Maggro-grocery nalang ako ngayon, tiyaka ko nalang itutuloy ang jogging ko.

Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin.

I looked at him with annoyance. "Get lost," I said before removing his arm from my shoulder. Inismiran ko siya at iniwan. Ngunit ang mokong ay pasipol sipol pang sumasabay sa akin sa paglalakad. Tch, what happened to him? Why is he acting so weird? Nasapian ba ang lalaking 'to?

Napapikit ako ng mariin dahil naririndi na ako sa kaniya. Tumigil ako sa paglalakad. Tumigil din siya.

"What's with the sudden stop? I'm enjoying the moment Ms. Villanova," he said while smiling like a dog. Napairap ako sa sinabi niya.

"Are you trying to hit on me?" napangisi ako. "Well, sorry to tell you this Sir but I don't do replays." Napayuko ako ng bahagya at napakagat sa labi ko pagkatapos kong sabihin iyon. Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi ko. Fuck! Siya pala ang pinakaunang nakagalaw ng petchay ko.

"Really? I still remember how you begged and cried to me just to do it harder," bulong niya sa akin.

Nag init ang mga pisngi ko. Paniguradong nangangamatis na ang pisngi ko ngayon! Hindi na ako nag abalang itaas ang tingin ko sa kaniya dahil sa hiya. Tumalikod na lamang ako at mabilis na naglakad papunta sa elevator. Good thing, mabilis ding bumukas ang pintuan.

Nanlaki ang mata ko nang pumasok din siya. Umatras ako to give him space but then, he chose to stand beside me.

Kaming dalawa lang ang naririto.

Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa.

Pinipigilan ko ang ulo ko na bumaling sa kaniya pero ang mata ko ay ayaw magpapigil. Agad kong pinagsisihan ang ginawa ko. He caught me looking at him. Gosh, ang tanga ko naman.

Magsasalita sana siya ngunit inunahan ko na siya.

"It's not what you thinking. I promise I'm not watching you nor looking at you." agap ko. Tumaas lang ang kanang bahagi ng labi niya.

He's about to talk but the door opened. Lumabas na ako. I'm not expecting him to follow me, pero nararamdaman ko ang presensya niyang sumusunod sa akin.

Ano ba talaga ang agenda nitong si Mr. Tajido? Why is he acting so weird? Ipinilig ko ang ulo ko at ipinagsawalang bahala na lamang ang presensya niya.

Nasa harap na ako ng pintuan ko. I stopped and looked at him. He's looking at his phone—typing something. Maybe he's texting his girl? Tsk.

I grabbed that opportunity to open my door. Pumasok na ako. He's still typing on his phone, napairap ako.

"Thank you!"

Isasarado ko na sana ang pintuan ngunit pinigilan niya 'to gamit ang kamay niya.

He welcomed himself and looked around. He entered the living room and make himself comfortable.

Napamewang ako sa ginawa niya. Ang lakas din ng apog nitong si Mr. Tajido ano. Sinundan ko siya at humalukipkip sa harap niya.

Nakatutok parin sa selpon ang atensyon niya kaya tumikhim ako, ngunit inignora niya lamang ako. Kumunot ang nuo ko sa inis. Aagawin ko sana ang selpon niya ngunit basta niya na lamang itong ibinato sa kung saan at hinuli ang kamay ko—I got out balanced and fell on his lap.

-----
A/n: Eyyy hello pipolssssss! Thankyouu for reading!

Votes and comments are highly appreciated!

His Precious PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon