CHAPTER VII

184 69 34
                                    

PAGPASOK na pagpasok ko pa lang ay bumungad na sakin ang pamilyar niyang amoy. Pinaghalong mamahaling pabango at natural na amoy ng kanyang katawan. I like his choice of perfume, hindi masakit sa ilong at parang maadik na ako.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob, aakalain mong walang gumagamit nito dahil sa sobrang linis at lahat ng gamit ay nasa tamang pwesto na parang hindi sila ginagalaw.

Isang larawan ang nakaagaw ng pansin ko. It is a portrait of him, naka puwesto ito sa likod ng kanyang lamesa at medyo may kalakihan ang sukat nito kaya madaling mapansin. Hindi siya nakangiti ron pero napakagwapo parin tignan. Ang makakapal niyang kilay ay mas lalo pang nadipina.

Napunta naman sa buhok ang tingin ko, medyo mahaba pero clean cut ang gupit . Nag-init ang magkabilang pisngi ko nang magbalik sa ala-ala ko ang mainit na gabing aming pinagsaluhan. I was grasping at his hair and he was pleasuring me with his tongue.

Nadapo naman ang tingin ko sa mga mata niya. He has an hooded eyes-shape. Nabiyayan din siya ng emerald green eye color, napakaswerte naman ng lalaking eto at may ganoong kulay ng mata.

Hindi ko matanggal tanggal ang tingin roon dahil parang may sinasabi ito, he looks ruthless in the picture pero kung susuriin mo ito ng mabuti ay parang nagiiba ang ipinapakitang emosyon. He looks unhappy? Or I'm just imagining things? Pero hindi, mukha talaga siyang malungkot. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaunting kirot sa puso dahil sa kaalamang malungkot siya.

Tumaas ang mga balahibo ko sa aking batok nang maramdaman ang mainit niyang hininga. Pinipilit kong ignorahin ang pag iinit ng aking katawan pero mas lalong lumalala, damn this man is driving me crazy.

"Miss Peyn, you seem to enjoy admiring my portrait." Baritonong ani niya sa likod ko.

Napatigil ako dahil sa sinabi niya, ngayon ko lang napagtatanto na kanina pa ako nakamasid sa larawan niya kaya ngayon iniisip niya nang pinagpapantasyahan ko siya!

Umabante ako ng isang hakbang bago humarap sa kanya, naabutan ko siyang nakangisi pero agad iyon nawala at napalitan ng pag awang ng kanyang mapupulang labi. It looks so soft na totoo naman, kung hindi lang dahil sa ginawa niya sa bar noon ay iisipin kong hindi niya iyon pinapagalaw kanino man at inaalagahan ito ng mabuti. Sinunggaban niya ako ng walang paligoy ligoy kaya naman hindi malabong iyon din ang kanyang ginagawa sa mga natitipuhan niyang gawing one night stand.

He looks confused now, dahil siguro iyon sa ginawa kong pag abante. Ang akala niya siguro ay magugulat niya ako at haharap ako sa kanya at don maglalapat ang mga labi namin, pero kanina ko pa nabasa ang kanyang plinaplano kaya hindi na ako nagulat hindi rin ako pangkaraniwang babae na madaling magulat at isa pa nakita ko siya kanina sa peripheral vision ko na naglakad papalapit sa akin.

"N-no sir," nasa baba ang tingin kong sabi.

"Hmmn, you sure?" Aniya habang unti unting lumalapit sa akin. Sa ginagawa niyang iyon ay napapaatras din ako. I don't know why I'm doing this. Hindi naman ako ganito, palaban ako at hindi marunong umatras pero pagdating sa lalaking eto... Fvck tumitiklop ako!

Nagiging balisa ako tuwing nasa paligid siya, unang araw ko palang dito ganito na, paano na sa mga susunod pang araw? Tatlong buwan ang kontrata ko dito at hindi na puwedeng bawiin pa, paano ako magtatagal kung ganito parati ang sitwasyon? Hindi 'to maari kailangan kong mag isip ng paraan para umiwas... pero paano? He's my boss and I am his secretary.

Namilog ang mga mata ko nang mabangga ng pang upo ko ang lamesa. Gigilid na sana ako pero hinarang niya ang kamay niya, lilipat sana ako sa kabila pero ganon din ang ginawa niya! Kinokorner niya ako gamit ang kanyang mga braso, ano naman ang sasabihin niya at kailangan pang humantong sa gan'tong puwesto.

His Precious PossessionKde žijí příběhy. Začni objevovat