CHAPTER VI

188 93 17
                                    

NAKAHINGA ako ng maluwag nang makarinig ako ng tunog hudyat na nasa tamang palapag na ako. Pigil na pigil ako sa paghinga habang lumalakad palabas dahil sa sobrang lakas ng tahip ng aking puso na para bang sa ano mang oras ay sasabog na ito.

Ang lalaking iyon lang nakakapagbigay sakin ng ganitong pakiramdam. Hindi ko mabatid kung ano ang mayron sakanya at nakakaramdam ako ng labis na kaba. Naguguluhan rin ako sa aking sarili bakit ganito na lamang ang aking reaksyon. Ni hindi nga ako kinakabahan sa mga buwis buhay kong misyon pero sa lalaking iyon... Halos kumawala na ang puso ko dahil sa labis nitong pagtibok.

Nahagip ng mata ko ang wrist watch ko at napamura ako sa aking sarili nang maalalang may hinahabol pala akong oras!

Lakad takbo akong lumapit sa receptionist at agad na sinabing ako ang bagong sekretarya ni Mr. Tajido. Hindi kagaya kanina, medyo may edad na ang receptionist dito at hindi malaswa ang suot at pormal siya manamit. Hindi niya ako hinusgahan sa aking suot, nginitian pa niya ako at kaagad na tinuro kung saan ang daan patungo sa opisina ni Mr. Tajido. She even wished me luck, which was very kind of her.

Ngumiti ako pabalik at nagpasalamat sakanya bago mabilis naglakad patungo sa daang tinuro niya saakin.

Napakunot ang nuo ko nang mapansing tahimik sa bandang ito, niloloko ba ako ng matandang iyon o ulyanin na siya kaya mali ang naituro niya saakin? Babalik na sana ako upang kumprontahin ang matanda pero nahagip ng mga mata ko ang lalaking sekretarya ni Mr. Tajido. Kaagad ko siyang sinundan at hindi naman ako nabigo ng makitang lumapit siya sa isang lamesa. Nagliwanang naman ang mga mata ko nang makita ang pintuan na may nakalagay na 'CEO's OFFICE' sa hindi kalayuan at may bakanteng lamesa na nakapwesto, iyon siguro ang magiging lamesa ko.

Nakangiti niya akong sinalubong kaya naman malugod ko siyang nginitian pabalik. "this is where you'll be working Miss D'pinaglaban" sabay lahad ng tinutukoy kong bakanteng lamesa, pinilit niyang itago pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahina niyang pagtawa pagkatapos banggitin ang gamit kong apelyedo. Nang mapansin niyang wala akong reaksyon ay kaagad siyang nagseryuso at tinanguhan ako, tahimik rin akong tumango sakanya pabalik at nagtungo na sa sariling lamesa.

Para akong nabunutan ng tinik nang marating ko ang aking lamesa. Pinagmasdan ko ang mga magiging gamit ko na naroon. Kumpleto lahat, may laptop at iba pang gamit pang opisina.

Maya maya pa ay nagsimula nanaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso nang matanaw ko ang paparating, he's already here! What should i do?! Damn Ericka just stay calm, don't panic! Tumayo na ako at hinintay siyang makalapit upang batiin.

Humarap siya sa banda ko nang makarating siya sa may pintuan. Nauna muna siyang ngumisi ng nakakaloko bago maangas na ibutones ang kanyang mamahaling tuxedo "Follow me" mautoridad niyang utos bago tuluyang pumasok sa kanyang opisina.

Nagmadali naman akong sumunod sakanya. Tahimik akong pumasok, doble ingat para hindi mapahiya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari saakin at ginagawa ko ito. Ano naman ngayon saakin kung mapahiya ako sa lalaking ito?

Noon ay hindi naman ako ganito kung umasta, hindi kaya sa... ano niya kaya ako nagkakaganito? Umasim ang mukha ko sa pumasok na kaisipan, kung ano ano na ang pumapasok sa kokote ko.

Napabalik ako sa reyalidad nang makarinig ako ng pekeng pag ubo. Sinasabi ko na nga ba! kahit na anong ingat ay mapapahiya parin ako. Napakunot ang nuo ko nang makita ang anyo niya, walang karea-reaksyon ang mukha niya! Ang ipinagtataka ko ay bakit hindi ko mabasa ang nilalaman ng isip niya!

"Take a sit" malamig niyang sabi.

Nasa baba ang tinging sinunod ang utos niya dahil sa kahihiyan na natamo kanina. Dang! paano nalang kung isipin niyang pinagpapantasyahan ko siya, nakakahiya dahil nahuli niya akong nakatitig sakanya!

His Precious PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon