CHAPTER VIII

144 45 28
                                    

TULALA parin ako habang prinoproseso ang mga nangyari. Halo halong emosyon ang aking nararamdaman, lungkot, sakit, kirot, awa, at konsensya. Ilan lamang yan sa mga emosyong sabay sabay kong nararamdaman.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung ang hahayaan nalang ba at babaliwalain ang mga nangyayari o ang tumawag sa nakatataas at ipilit na ako'y palitan na.

"Pst!" Pantatawag pansin ni Evana.

"What?"

"Anong 'yung ganap kanina? Trabaho naman siguro ang ipinunta mo rito at hindi pangangarenkeng ano?" Pranka niyang sabi. "Naku beh! Tigilan mo na ang pagpapantasya sa bakulaw nating amo dahil hindi ka papasa sa standard no'n," dagdag pa niya.

Napakunot ang nuo ko sa sinabi niya. Ni minsan ay hindi man lang sumagi sa isip ko ang sinasabi niya at mas lalong hindi ko iyon pinagpapantasyahan, tanging pinupuri ko lamang ang kanyang angking kaguwapuhan. At tyaka ang ipinunta ko rito ay pawang trabaho lang, hindi ko din naman inaasahan na siya ang magiging boss ko at babantayan ko.

"Tch! Ni minsan hindi yan pumasok sa isip ko 'no," sagot ko na totoo naman.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ahh... kaya pala hinayaang mong halikan ka niya 'no? Parang gustong gusto mo pa nga e," sakristong ani niya. Binigyan ko siya ng blankong tingin, hindi na ako magtataka kung bakit niya alam iyon. I saw him eavesdropping earlier.

"Hindi ko iyon ginusto!" Giit ko sa kanya ngunit nagkibit balikat lang siya, bahala siya kung maniniwala siya o hindi. Wala akong pakialam kung ano ang gusto niyang isipin basta alam ko iyon sa sarili kong hindi ko 'yon ginusto. Hindi talaga kahit na malambot ang labi niya at mamula mula!

"Alam mo bang long time fiancee iyon ni Mr. Tajido? Balita ko ay malapit na silang ikasal, ang pagkakaalam ko pa ay sa katapusan na iyon." Pagkukuwento niya saakin.

FIANCEE...

Ikakasal na pala siya. Then why the hell is he's in the club having one night stand to some random girl? Hindi ba dapat ay iwasan niya ang mga babae dahil malapit na siyang ikasal dahil baka may madisgrasya siya at mabuntis?

He's insane, hindi kaya't hindi niya talaga mahal ang babaeng 'yon at napilitan siyang magpropose. Pero... napakaimposible no'n, sino namang baliw ang papayag sa ganon.

Pero maaari din namang ipinagkasundo lang sila ng kanilang mga magulang, arrange marriage kumbaga. Ngunit 'Hon' ang tawag sa kanya ng babae, at mababasa sa kanyang mga mata ang labis na sakit na kanyang naramdaman nang harap harapan siyang lokohin.

"Arghh fvck!" I cursed silently. Hindi dapat sila ang iniisip ko. Hindi naman ako kasali pero bakit prinoproblema ko pa? Bullshit Ericka sa trabaho ka mag focus at hindi sa mga ganitong bagay!

Napaangat ang tingin ko dahil bumukas ang pintuan. Lumabas doon ang 'fiancee' raw ni Mr. Tajido na may bakas ng ngiti sa labi that made me confused, nalilito ako sa mga nangyayari. Kanina lang ay malungkot at parang sakit na sakit siya kanina, ngayon naman ay tila nanalo siya sa loto.

Nang makita niya ako ay biglang nag iba ang kanyang ekspresyon, ang mukha niya kahapon na galit na galit at mukhang kontrabida sa mga teleserye ay nagbalik.

Dumukwang siya sa aking lamesa. Napabaling sa kanan ang mukha ko dahil sa malakas niyang pagsampal. Napahawak ako sa kaliwang pisnge ko. Paniguradong nagbakat doon ang kamay niya.

Hindi ko inaasahan iyon kaya hindi ako nakaiwas. Fvck! I fvcked up! I shouldn't let my guard down! Ito ang mga napapala ko kapag nakikialam ako sa iba! Damn it ang sakit!

"Ang kapal ng mukha mo! Why did you kissed my fiance?! You bitch!" Animoy sasabog na siya sa galit.

Bobita.

His Precious PossessionWhere stories live. Discover now