CHAPTER IV

246 139 23
                                    

MARAHAS akong napakamot sa ulo ko dahil sa sobrang inis. Eh pa'no ba naman kase, hindi man lang ako binigyan ng isang araw para man lang makapag pahinga. Ang buong akala ko ay limang araw pa bago ang interview-interview na 'yan... pero ang bwesit na Cooper na 'yon, tumawag nang madaling araw para sabihan ako na ngayong araw gaganapin ang interview.

Sobra sobra na ang pagkainis ko idagdag mo pa 'yong init ng panahon at itong damit na suot suot ko ngayon. Letseng Cooper 'yon...baliktad yata ang utak alam niyang nasa Pilipinas ang tao pagsusuutin ka ng long sleeve na polo at mahabang palda idagdag mo pa ang nakakairatang makapal na eyeglasses at wig.

Pasalamat siya at isa siya sa mga matataas na rango at kailangang sundin. Kung hindi, na'ko...hindi talaga ako magdadalawang isip na iuntog siya sa matigas na pader at durugin ang bungo niya.

-

Busangot parin ang mukha kong pumasok sa loob at dumiretso sa front desk.

"Hi, good morning ma'am!! welcome to Tajido Corporation." masiglang bati nito ngunit halata sa mukha niya ang panghuhusga. Ang hula ko ay nasa trenta'y singko o higit pa ang edad. Makapal ang kilay, halatang drawing. Halos lumabas na ang buong pagkatao niya dahil sa higpit at iksi ng suot nito. Jusko 'di na nahiya.

"I'm here for a job interview." walang emosyong sagot ko.

Matagal pa Ito bago ako sinagot, hinusgahan niya pa ako mula ulo hanggang paa... halata sa mukha nito ang pandidiri. "Okay" Ani nito at tinawag ang isa sa mga kasamahan niya.

Lumapit saamin ang isang hindi katangkarang babae na may bahid ng ngiti sa labi. Tumingin siya saakin at ngumiti ng bonggang bongga. Weirdo.

"Hi I'm Akari Domingo. Come with me ma'am and I will guide you the way!" Masiglang anas niya at nagpati una ng maglakad.

Pumasok siya sa elevator kaya pumasok din ako. Kaming dalawa lang ang nakasakay. Hindi ko na pinansin kong anong floor ang pinindot niya dahil wala namang talaga silbe at isa pa naiinis parin ako kay Cooper, kapag nagkaroon talaga ako ng pagkakataon puputulin ko ang alaga niya... takteng walking aids yun. Ang sarap tirisin.

I looked at her reflection and she's still smiling. "Kinakabahan ka po ba?" Pang babasag nito sa katahimikan. " Don't worry miss, sure na sure ako na ikaw ang makukuha ngayon". Ani nito na ikinailing ko. Wala naman akong Pake kung hindi ako matanggap pero alam kong kahit na ano pang gawin ko alam kung matatanggap at matatanggap parin ako. Alam ko kung pano magtrabaho ang mga kasamahan ko. In just one click they can manipulate everything.

Pero...ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan ko pang magsuot ng pang Manang na suot kung puwede naman akong magsuot ng pormal na damit. Damn it.

Ilang sandali pa ang nakalipas bago makarinig ng tunog senyales na nasa tamang palapag na kami.

Nagpati una na siyang maglakad kaya sumunod nalang ulit ako. Unting unting napakunot ang nuo ko mg makita ang mga nakaupo at animoy may hinihintay. Tumigil na siyang maglakad kaya tumigil na din ako. I looked at her with a confusion.

"I'm here for secretary job interview not for strippers." Nanliliit ang mga matang anas ko habang nakatingin sa mga babaeng todo retouch sa mukha at ayos ng mga tinipid sa telang mga damit. "Maling kompanya yata ang napuntahan ko." Pahabol ko

Napahagikhik naman ang kasama ko sa sinabi ko. "No miss. Tama ka ng pinuntahan, they are here for secretary job interview too. Ang pinagkaiba mo lang sa kanila ay they are from rich family and wants to be the CEO's girlfriend." Anas nito.

Tumango nalang ako dito dahil wala na akong masabi.

"So I guess, iiwan na kita dito miss. Just wait for your name to be called." Sabi niya bago umalis.

His Precious PossessionWhere stories live. Discover now