CHAPTER XI

87 20 7
                                    

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Parang ang bigat ng katawan ko ngayon. Ano ba ang nangyari kagabi?

Dahan dahan akong bumangon. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang labis na sakit sa ulo ko. Hinilot ko ang sintido ko at pilit na inalala ang mga nangyari kagabi.

Unti lang ang naaalala ko! Hindi ko na maalala ang mga nangyari nang sundan ko si Mr. Tajido sa pangalawang palapag ng club! Ano ba talaga ang nangyari? Sobrang lasing ba ako kagabi? Pero hindi naman ako amoy alak?  Ipinilig ko nalang ang ulo ko at pinagpatuloy ang pagtayo.

Palabas na sana ako ng kuwarto nang marinig ko ang telepono kong tumunog.

It was a call from unregistered number.

"Hello?" Paos kong sabi. Hindi nagsalita ang nasa kabilang linya. Ngunit rinig ko ang mababang pag hinga ng kung sino sa kabilang linya.

Napa-iling iling ako, mukhang pinagtritripan lang ako nung tumatawag kaya napagdesisyunan ko na papatayin nalang ang tawag pero nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang baritono niyang boses. Si Mr. Tajido ang nasa kabilang linya!

P-paano niya nakuha ang numero ko?

"How are you... feeling?" Hindi kaagad ako nakasagot. K-kailan pa nanging sexy ang boses? Damn! His raspy voice sounds like a music to my ear.

"Zannhel? Nagising ba kita?"

So he knows me as my real identity. I wonder how did he get my number. He's really something. Of course he has connections. I should be alert.

"Hindi naman," malamig kong tugon.

"How are you feeling?" Malamig din ang tono niya.

"What happened last night?" Tanong ko pabalik. Narinig ko siyang humugot ng malalim na hininga, animoy nagtitimpi.

"I asked you first. Answer me and I'll tell you what happened last night," he answered calmly. Hmmmn the impatient and hot headed Mr. Tajido is being patient and calm just to get my answer huh. I wonder why he's that worried about me? "Tch. Whatever," tiyaka niya pinatay ang tawag. May sira ba 'yun sa ulo?

Ipinag patuloy ko nalang ang paglabas sa aking kuwarto. Linggo naman ngayon at wala akong gagawin.

Kaysa umupong maghapon at piliting alalahanin ang mga nangyari kagabi ay mas pinili ko nalang magjogging sa labas.
****

Pababa ako ngayon papuntang parking area. Titignan ko kung naroon ba ang sasakyan ng kaibigan ko. Hindi ako sigurado kung nai-uwi ko iyon kagabi.

Nagliwanag ang mga mata ko nang matanawan ko ang sasakyan. Maayos naman ito at mukhang walang problema. Hindi na ako nag-abala pang lapitan 'yon. Tumalikod na ako at nagtungo sa elevator.

Pasara na ang pintuan ng elevator pero may humabol kaya automatikong bumukas ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na mukha. Si Mr. Tajido!

Nagtama ang mga mata namin. Walang makikitang bakas ng kahit anomang reaksyon sa mukha niya. My back shivers when I saw his jaw moved. Damn... So damn sexy!

"A-anong ginagawa mo d-dito?" Mahina kong tanong tama lang para marinig niya. Pero wala akong nakuhang sagot. Tinignan ko siya ng palihim, nakatayo siya sa gilid ko at deretso lang ang tingin.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Hinarap ko narin siya at inulit ang tanong ko, "anong ginagawa mo dito? Siguro sinusundan mo ako 'no? Are you stalking me?" Sunod sunod kong tanong pero wala parin siyang kibo. Kumunot ang noo niya.

"What are you talking about? I don't even know that you lived here," he said in confusion. Namula naman ang buong mukha ko sa sinabi niya. Tinalikuran ko nalang siya at nanahimik. Sakto namang bumukas ang elevator. Dali dali na akong lumabas at iniwan siya sa likod.

----
Tuloy lang ang lakad ko nang hindi tumitingin sa likod ko nang makarinig ako ng mahinang tunog.

Napalinga linga ako sa paligid para hanapin kung saan 'yon nanggagaling. Wala akong makita kaya ipinagsawalang bahala ko nalang 'yon. Ngunit nakalabas na ako ng bilding lahat lahat pero hindi parin tumitigil ang pagtunog ng kung ano... ani mo'y sumusunod ito sa'kin.

Napagtanto kong ang earings ko pala 'yon! Naalala kong naglagay pala do'n ng maliit na mic at speaker si Velasquez. I tried touching it twice at hindi naman ako nabigo at agad na narinig ang reklamo niya.

"Argh! What's take you so long," naiinis niyang sambit. "Emergency. Since ikaw ang pinakamalapit ikaw na ang tinawagan ko para may tumulong kay AC52. Susunod kami we're on the way ikaw muna ang bumack-up. It's a 10 minutes away from your location ASAP."



A/n: Hello po, hindi 'to kumpleto kasi tinatamad ako pero gusto ko magupdate kaya ito nalang muna. Sa next chapter nalang yung continuations! Maraming salamat sa pagbabasa!

Votes and comments are highly appreciated!

His Precious PossessionWhere stories live. Discover now