PROLOGUE

1.3K 34 0
                                    

PROLOGUE

"MAAYONG BUNTAG sa tanan!"

Malakas na tilaok ng manok ang sumalubong sa napaka ganda kong boses. Binati ko lahat ng magandang umaga ang mga kahayupan sa likod ng bahay namin. Province really feels so good. Ininat ko ang mga braso at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Ang sarap sa pakiramdam na ang malamig na simoy ng hangin sa malamig na umaga ay yumayakap sa akin.

"Naunsa man na, nganong mura mag naay baboy nga gi ihaw."

Napasimangot ako at nilingon ang epal kong Nanay. Sinasabing anong nangyayari at bakit parang may kinakatay na baboy.

"Iniinsulto mo ba ang boses ko, ’Nay?"

"Oh?" Napalingon ito sa akin, mukhang ngayon lang ako nito napansin. "ikaw pala ’yan, anak. Bakit ang ingay mo? Yong boses mo parang baboy na kinakatay."

Napasinghap ako at sinapo ang dibdib kung nasaan ang aking puso. Kunot naman ang noo ni Nanay na pinapanood ako at para bang nasisiraan na ako ng utak. Iniisip na siguro nito na ipa-mental ang napakaganda niyang anak.

"Ang napakaganda kong boses, ’Nay ay kinukumpara mo sa kinakatay na baboy?"

"Ay ambot nimo." (Ay ewan ko sa’yo). "pakainin mo na ’yang mga manok at baboy bago pa kita mapingot. Sigaw ka ng sigaw ang pangit naman ng boses mo. Yong mga kahayupan natin nabubulabog."

Nagdadabog na pinanood ko ang papalayo nitong likod at napasimangot dahil sa pang i-insulto nito sa boses ko. Pasalamat talaga at Nanay ko ito kung saan ako nagmana.

"Mapakain na nga lang ang manok at baboy." I shook my head in disbelief and readied their foods.

Dito na ako sa probinsya ni Nanay lumaki matapos naming bumalik dito mula sa Maynila noong sampung taong gulang pa lang ako. Si Tatay ay dito na rin namalagi at paminsan-minsan ay pumupunta sa Maynila para bisitahin si Lolo at Lola. Gustuhin ko mang  sumama ay wala naman kaming sapat na pera. Tatlo kaming magkakapatid at ang aking Kuya Jacob ang panganay sa amin. Dahil hirap kami sa buhay, isinakrapisyo ni Kuya ang pag-aaral nito para sa’min ni Ivory. My younger sister is in her Senior High, taking the strand of ABM. Habang ako ay kakatapos lang grumaduate at naghahanap ng trabaho.

I feed the chickens and pigs. Isa ito sa pinagkukunan namin ng pera dahil maraming bumibili ng manok at baboy sa aming lugar. Kilala ang isla namin na may magandang tanawin at malinaw na dagat. Maraming dumadayong taga ibang lugar at karamihan ay sa Davao.

Everyone, meet my hometown. Island Garden City of Samal.

"Sasha!"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang matinis na boses ni Nanay. Iniwan ko na ang trabaho tutal tapos naman na ako, kapagkuwan ay tumakbo sa loob ng bahay kung nasaan ang napakaganda kong Nanay. 

"Yes, ’Nay? Anong maipaglilingkod ko?"

"Tigil-tigilan mo nga ako diyan sa kalokohan mo, Sasha." Muntik na niya akong makutusan at mabuti nalang ay naka iwas ako. "muntik ko na ’tong makalimutan na sabihin sa’yo, mabuti nalang naalala ko. Hindi ba at naghahanap ka ng trabaho?"

Umayos ako ng tayo at tumango sa kanya. "Opo. Bakit niyo po natanong?"

"May kakilala ang Tatay mo sa Maynila na nagtatrabaho sa isang farm. Tutal marami ka namang alam sa agrikultura at isa ’yon sa kurso mo, bakit hindi mo subukan? P’wede namin siyang tawagan kung papayag ka."

Napaisip ako sa sinabi ni Nanay. Hindi naman masama kung susubukan ko tutal matagal na rin akong naghahanap ng trabaho. May kalayuan nga lang at hindi ako sigurado kung makakauwi ako ng madalas dito.

UNBEKNOWN FEELINGSWhere stories live. Discover now