CHAPTER 40

575 20 0
                                    

Chapter 40

PABALIK-BALIK ng lakad si Sasha sa loob ng condo unit na hinanda ng kanyang Tita para sa kanya at mga bata. The triplets were wide awake but their not crying which is good. Though, the three were looking at her while batting their eyelash. Mukhang na-weirduhan sila sa ginagawa niya kaya tumigil siya sa paglalakad saka sila tiningnan.

"I'm nervous, kiddos. Pupunta dito ang Lolo at Lola niyo kasama ang isa niyo pang kapatid. I've never seen them for a while and my nervousness is kicking in. Paano pala kung galit si Ashton sa akin? I broke my promise to him." Sambit niya na para bang sasagot ang tatlo niyang anak.

Sa huli ay napailing-iling nalang siya at naupo sa kama kung nasaan silang tatlo. May nakaharang namang maraming unan para hindi sila mahulog. Bukod doon, malapad naman ang kama kaya hindi sila gugulong pababa.

"But it was my fault, right?" Aniya na parang timang bago napabuntong hininga. "ako naman talaga ang may kasalanan sa simula pa lang."

Kumunot lang ang noo ng anak niyang si Silvanna na ikinangiti niya. She heaved a deep sigh before she lay down beside them. Two days ago, they safely arrived in Manila and Duke were now safe in the hospital owned by his Tito. Nagpapasalamat nalang si Sasha na malaki ang koneksyon nito at nasisiguro niyang magiging maayos rin ito.

Gusto ng kanyang Tita na manatili siya sa mansyon nila pero nahihiya siya lalo pa at hindi na niya muling nakita ang kanyang Tito at anak niyang si Ashton. It maybe sounded so clingy but she's embarrass to meet him. Walang kasiguraduhan kung galit ba sa kanya ang bata o hindi.

Miss na ba siya nito? Gusto ba siya nitong makita? Sasama ba ito? Magiging masaya ba ito kapag nagkita sila?

Maraming bumabagabag sa isip ni Sasha na hindi nakatulong sa kanya. Kahapon pa naman sana sila pupunta dito pero masyado siyang kinakabahan kaya hinayaan siya ng kanyang Tita na mag desisyon kung kailan niya sila gustong makita.

And the day is right now. Yet she's not ready after all.

Napabuntong hininga siya at humiga ng patagilid. Nagkatitigan sila ni Silvanna na siyang katabi niya.

"Magiging masaya kaya ang Kuya Ashton niyo kapag nagkita ulit kami?" She mumbled. "sana maging maayos ang lahat, mga anak."

Isa-isa niya itong hinalikan sa noo bago tinungo ang kusina para maghanda ng meryenda. Nine am sila darating dito at may thirty minutes siya para mag prepare ng makakain. Good thing the condo unit is complete with the stuff in the kitchen. Mas malaki din ang condo sa inaakala niya at komportableng-komportable sila. Mas lalo lang siyang nahihiya sa kanyang Tita dahil alam niya kung gaano kamahal ang isang unit ng condo. Pero ano pa bang magagawa niya kung ang Tita niya mismo ang nagsabi at nabayaraan na nito ang condo.

Nakakalula.

She sighed and prepared some pan cake. Mabilis naman itong gawin at sapat na sapat lang sa oras bago sila dumating. Kanina pa siya nakapaghanda ng agahan at iinitin nalang kung kailangan. Kape at toasted bread lang ang kinain niya kanina dahil balak niyang kumain kasama ang pamilya ni Duke.

Nang matapos sa pagluluto ng pancake, inalagay niya muna ito sa tray para palamigin bago inilipat sa plastic container at nilagay sa loob ng ref. Seeing that she's already done, she blew a loud breath. Nakapameywang pa siya doon nang biglang tumunog ang door bell ng condo na halos ikatalon niya sa gulat.

She's sweating bullets once again. She knew from that time, her visitor arrived.

Napalunok siya nang muli na namang tumunog ang door bell kaya nagmamadaling pumasok muna siya sa kawarto para tingnan kung ayos lang ba ang tatlo. Nang makitang maayos naman, tumakbo siya patungo sa pinto at binuksan ito na may malaking ngiti sa labi.

UNBEKNOWN FEELINGSWhere stories live. Discover now