CHAPTER 8

479 20 0
                                    

CHAPTER 8

"HAPPY BIRTHDAY." Ulit niya sa sinabi niya kanina nang makitang natigilan parin ito at napatitig sa kanya. Nang wala parin itong sinabi, napanguso siya at nag-iwas ng tingin. Nahihiya na siya sa uri ng tingin nito sa kanya.

"M-Magsalita ka naman. Masyado ka bang nagulat na nalaman ko ang birthday mo?"

"Yeah.." he let out a sighed. "I'm shock but I'm so happy at the same time. Paano mo nalaman?"

Nakangiting nilingon niya ito nang maalala kung bakit niya nalaman ang tungkol sa kaarawan nito.

"Nasabi kasi ni Nanay Nina na malapit na ang birthday mo kaya tinanong ko kung kailan at nalaman kong ngayon pala. So, I bought something for you. Pasensya na at maliit lang ang nabili ko."

"It doesn't matter if it's big or small. Ang importante ay kung kanino ito nanggaling." Humugot ito ng malalim na hininga at lumingon sa kanya. "you know what, I could kiss you right now in so much happiness."

Nanlaki ang mata niya. "A-Anong sabi mo?" Tama ba ang pagkakarinig niya o pinaglalaruan lang siya ng sariling tainga?

"What I said is, can I hug you?"

Realization hit her and let out relieved sighed. Akala ko kung ano na ang sinabi niya. Malalagutan yata siya ng hininga sa request nito pero tutal birthday nito, pagbibigyan niya ito.

"Sure."

Hindi na niya ito kailangang pagsabihan ulit dahil naramdaman nalang niya na hinapit siya nito palapit at mahigpit na niyakap. Her heart skipped a beat at that and when her nostrils filled with his scent, she close her eyes. Hindi na niya ito kayang yakapin pabalik dahil bukod sa nahihiya siya, tila wala ring lakas ang mga braso niya para i-angat ito.

She can feel him tighten his hug and she just let him. Ramdam niya ang masuyo nitong paghaplos sa kanyang buhok at napakasarap sa pakiramdam ng ginagawa nito.

"Thank you so much." She can sense the sincere in his voice and it melted her heart.

Sa tingin ko alam ko na kung kanino nagmana si Ashton.

"You're welcome, Duke." Tinapik niya ang likod nito. "masaya ako na masaya ka. And please, enjoy your birthday. Tutal nandito naman tayo sa Mall, hayaan mo ang sarili mo na mag enjoy. But make sure you don't have works." Pumaikot ang mata niya sa huling sinabi at natatawang kumalas ito sa yakap para tingnan siya.

"I will and really, thank you. I don't do celebrate my birthday 'cause I'm always piled with works. Sobrang saya ko lang na may nakaala pala sa kaarawan ko." Anito at lumambot ang tingin niya dito.

The glistening of his eyes is the proof that he's really happy. At wala ng ikasasaya pa si Sasha dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit ito masaya. At least, may napasaya siyang tao 'di ba?

"Duke, ang birthday dapat palaging sini-celebrate dahil pinapaalala nito kung kailan ka pinanganak. Kung kailan mo nasaksihan ang mundo. Naalala mo pa ba kung anong oras ka pinanganak?" Tanong niya dito at naguguluhang umiling ito sa kanya.

"How about you? Naalala mo pa?"

"Oo naman!" Proud na ngumiti siya dito. "July 14, 1995 at exactly 2:42 A.M. 'Yan ang hindi ko makakalimutan."

May sinusupil na ngiti ito sa labi na nag-iwas ng tingin at muling tiningnan ang hawak na cake. Walang namutawing salita sa labi nito at nakatitig lang sa hawak. Hindi maipaliwanag ni Sasha ang kasiyahan na nararamdaman. Kilala niya si Duke na hindi palangiti, tahimik, seryoso, malamig ang tingin at palaging mainit ang ulo. She didn't know when did it start but as days goes by, she can see how he change in a good way. At ang Duke na kilala niya ngayon ay gusto niya.

UNBEKNOWN FEELINGSWhere stories live. Discover now