CHAPTER 30

417 15 0
                                    

Chapter 30

"WHERE have you been?"

Clyden asked her when he saw her in the hall. Kababalik lang niya galing sa labas at kahit papaano gumaan ang kanyang loob na makipag-usap sa estranghero. Ngumiti siya dito at inangkla ang kamay sa braso nito.

"Outside. Nagpahangin lang ako."

"Oh, akala ko umalis ka na ng hall." Hinawakan nito ang kamay niya na nakahawak sa braso nito. "let's go? Hindi ka pa kumakain. Hinahanap ka na 'din ni Mom at Klea."

Ngumiti at tumango siya dito.

"Tara na. Gusto ko na ring kumain."

Bahagya itong natawa saka siya hinila papunta sa kinaroroonan ng Ina at kapatid nito. Puno ng pagkain ang kanilang lamesa kaya hindi nahirapan si Sasha na kumuha ng pagkain at kumain. Everything went smooth and fine. Si Clyden ang medyo busy dahil maraming negosyante ang lumalapit dito at nag o-offer ng project na malaki ang opportunity sa kanyang kompanya.

Sasha is enjoying the party. Thank god Klea is beside her for the rest of the time so she won't be bored. Natapos ang party ng alas otso at si Clyden 'rin mismo ang naghatid sa kanya pauwi sa kanilang bahay.

"I'll visit here tomorrow. Have a good sleep." Anito at masuyong hinalikan ang kanyang noo.

"Sure. See you tomorrow. Have a good sleep too."

Ngumiti siya dito bago lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng kanilang bahay. Saka niya narinig ang papalayong tunog ng kotse nito kaya pumasok siya sa kwarto para maligo at magbihis. The triplets were sound asleep. Isa-isa niya itong hinalikan sa noo bago pumasok sa banyo at naligo.

Tulog na ang mga tao sa bahay at siya nalang ang naiwang gising na hindi pa inaantok kaya mukhang hindi agad siya makakatulog. So, after she took a bath, she watch TV to kill some time. Tutal hindi pa tuyo ang buhok niya. She was in the middle of watching the Sing 2 when someone just knock in the door.

Sino naman kayang pupunta ng ganitong oras sa bahay nila? Sobrang lalim na ng gabi at wala naman siyang inaasahang bisita.

A robber?

Bigla siyang kinabahan sa naisip kapagkuwan ay napasimangot. Wala namang magnanakaw na kumakatok. Napailing-iling nalang siya pero para makasiguro, kinuha niya ang walis tambo na malapit sa TV at dahan-dahang lumapit sa pinto habang mahigpit ang hawak sa walis. Someone outside keep on knocking and she's afraid that it might wake up the people inside the house. Kaya kahit kinakabahan, binuksan niya ang pinto at pikit matang hinampas ang tao sa labas ng pinto.

"Ouch! Damn it! Fuck—shit! Stop it, Sasha! It fucking hurts!"

Tuluyan siyang natauhan sa boses nito at napamulagat na tiningnan ito. Her eyes widened even more when she confirmed who it was. Mariin siyang napalunok at bahagyang umatras habang hindi inaalis ang tingin dito.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Nasa harapan niya ang lalaking iniiwasan at tinakbuhan niya. Gusto niyang tumakbo papasok sa loob at pagsarahan ito ng pinto pero tila siya nawalan ng lakas. While looking at him, she know right in then that he's drunk. Pero hindi katulad noong una itong pumunta dito. He look like shit before.

Duke were about to response when they heard her father's voice from inside.

"Anak? May tao ba sa labas? Bakit maingay?"

Lahat ng cells niya sa utak ay biglang nagkagulo sa kung ano ang pwede niyang sabihin sa ama. Bumuka sara ang bibig niya at bago pa makapag-isip ng tuwid ay sinagot niya ito.

"P-Pusa lang po, Tay! Pinaalis ko lang 'yong pusa!"

"Huh? Sigurado ka, anak? May nagmumura bang pusa?"

UNBEKNOWN FEELINGSWhere stories live. Discover now