CHAPTER 36

437 18 0
                                    

Chapter 36

ILANG MINUTO ANG tinagal ni Sasha sa paglilibot pero heto parin siya at hinahanap ang lalaki. Gusto niyang kutusan ang sarili kung bakit iniwanan niya si Clyden. Kung sana kasama niya ito ngayon, mas mapapabilis ang paghahanap niya kay Duke. She blew a harsh breath and sighed heavily. Inayos niya ang suot na hat at nagsimulang maglakad. Seconds later, she saw a construction worker roaming around the area. Pipi siyang nagpasalamat at sinalubong ang huli.

"Hi." She chirped and smiled.

Tumigil naman ang trabahador para ituon ang buong atensyon sa kanya.

"Ma'am, may maitutulong po ba ako sa inyo? Delikado po dito sa site."

"Ahm, hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang malaman kung nasaan si Duke?" Nakangiwing tanong niya rito na agad nitong sinagot.

"Nasa opisina po si sir Duke." Inilahad nito sa kanya ang daan patungo doon at matiim na nakinig si Sasha. "medyo busy si sir at hindi ko pa ito nakikitang lumabas sa kanyang opisina mula kaninang umaga. Sa tingin ko nga hindi pa 'yon kumakain ng pananghalian."

She pressed her lips together and took a deep breath. Nagsisimula na naman si Duke sa dating gawi nito at iyon ang hindi kumain hangga't hindi natatapos ang trabaho.

"Sige, maraming salamat. Pupuntahan ko lang siya."

"Sige Ma'am. Ingat po kayo."

Nginitian lang niya ito bago tinahak ang daan patungo sa opisina ni Duke. Hindi iyon kalayuan kaya agad siyang nakarating roon. She took a deep breath while facing the door. Wala ng atrasan ang gagawin niya kaya kailangan niyang kumuha ng lakas ng loob na sabihin dito ang tungkol sa triplets nila. That would probably a risk for her part but, she need to do it. She need to risk.

"Okay, let's get this over."

Pinisil niya ang palad bago marahang kumatok sa pinto. Wala siyang narinig na tugon mula sa loob kaya inaakala niyang walang tao pero mayamaya ay narinig niya ang barito nitong boses.

"Come in."

She pressed her lips together and open the door. Inaakala niyang abala ito sa trabaho pero laking gulat niya nang makita itong umiinom ng alak. He's drinking from a canned beer and there's five of those. Isa pa lang ang malapit nitong maubos.

"What are you doing here?"

Nawala ang ngiti niya sa labi sa malamig na boses nito. Sinalubong niya ang tingin nito at mariing napalunok nang makita ang walang emosyon nitong mga mata. He looks really cold just like the first time she saw him.

"Duke.."

"May kailangan ka?" Mas lalong lumamig ang tingin nito sa kanya. "Kasi kung wala, p'wede ka ng lumabas."

Parang may karayom na tumusok sa kanyang puso dahil sa pakikitungo nito sa kanya. Nahirapan siyang huminga kaya kinailangan pa niyang huminga ng malalim.

What happen to him? Bakit sobrang lamig ng pakikitungo nito sa kanya? Maayos naman sila kanina pero ano 'tong nangyayari ngayon? He's.. he's turning like before.

"Ano bang nangyayari sayo? Why do you look so cold to me?" She asked, irritated this time. Hindi niya maintindihan kung ano ang takbo ng isip nito.

"Ask yourself. Don't pretend anymore, Sasha. Stop hiding it."

Bigla siyang pinagpawisan ng malamig sa sinabi nito at mariing napalunok. Alam na ba nito na may anak sila? Kaya ganito nalang ang pakikitungo nito sa kanya? Is he mad because they have children? Iyon lang ang naiisip niyang rason.

"I'm.. I'm sorry, Duke. Hindi ko agad nasabi sayo." Puno ng pagsuyo ang tingin niya dito pero ang huli ay nanatiling malamig ang tingin sa kanya.

He scowld.

UNBEKNOWN FEELINGSWhere stories live. Discover now