CHAPTER 33

401 17 0
                                    

Chapter 33

"WHAT ARE YOU DOING HERE?"

Sasha was frowning while looking at the person in front of her. And because she's alone in the house 'cause her mother were out for groceries, she was busy. Hindi nga niya inaasahan ang pagbisita nito dito at may dala pa talagang bouquet ng rosas.

"Visiting you and the triplets, of course. And I brought something for you too." Inabot nito ang hawak na rosas at nagdalawang-isip pa siya bago ito inabot.

"Thank you." She let out a deep breath and sighed afterwards. Her heart were hammering inside her chest for goodness sake. "pasensya na pero mukhang hindi kita maaasikaso. Medyo busy ako sa paglalaba."

"Naglalaba ka na?" Kumunot ang noo nito at kahit naguguluhan si Sasha ay tumango siya dito.

"Ah, oo. 'Yong mga damit lang naman ng babies ang nilalabhan ko. Hindi 'yong mga mabibigat."

"Pero naglalaba ka parin." Napailing-iling ito at tinupi hanggang siko ang damit na suot. "saan ka naglalaba?"

Puno ng kaguluhan na umatras si Sasha para bigyan ito ng daan papasok. Isinara niya ang pinto at naglakad patungo sa likurang bahagi ng kanilang bahay kung saan siya naglalaba.

"Dito. Bakit mo natanong?"

Instead of answering him, Duke sat in the little chair in front of the basin full of baby clothes. Saka ito nag-umpisang kusutin ang isang lampin na ikinalaki ng mata niya.

"What the hell, Duke?! Tumayo ka nga riyan!"

"Why?" He lifted his head and frowned at her. "naglalaba ako dito. You see?"

"But it supposed to be my job!" She was horrified for goodness sake! "Bisita kita kaya tumayo ka diyan at pumasok sa loob ng bahay. Malapit ko rin naman yang matapos."

"Edi ako na ang magtatapos nito." Kibit balikat nito saka muling kinusot ang mga damit ng baby. "magpahinga ka nalang diyan. Tingnan mo oh, namumula na ang kamay mo."

Bumaba ang tingin niya sa kanyang kamay at nakitang namumula nga iyon. Pero walang kaso 'yon sa kanya dahil sanay naman siya. Eh si Duke? May alam ba ito sa paglalaba?

"Tsk. I'm used to it, Duke. Siyempre mamumula talaga ang kamay ko dahil marami ang nilabhan ko."

"That's it." He clicked his tongue. "Stay inside and let me do the rest."

"Alam mo ba kung paano maglaba?"

"Of course!" May pagmamalaki sa boses nito na bahagya niyang ikinangiti. "it's a piece of cake for me."

Naningkit ang tingin niya dito kapagkuwan ay napabuntong hininga at tumango.

"Fine. Bahala ka diyan."

Humalakhak lang ito bago siya tuluyang tumalikod at pumasok sa loob ng bahay. Kahit makipag-argumento siya dito, hindi naman siya mananalo dahil alam niya kung gaano katigas ang ulo nito. Might as well let him. Tutal mga damit naman ng anak nila ang nilalabhan nito.

Napailing-iling nalang si Sasha bago naghanap ng mapaglalagyan ng bulaklak na dala ni Duke para sa kanya. He's still sweet, actually. Sending her flowers even though they're not in a good state right now. Pero hindi no'n napigilan si Duke.

He mention that he loves me. Is this his way of saying his love to me?

She don't know. She's actually clueless and she don't know what to do. But she wholeheartedly appreciate everything he does for her sake. Hindi niya mapigilang mapangiti at kinikilig na itinabi ang rosas para lagyan ng tubig ang magsisilbing flower vase.

UNBEKNOWN FEELINGSWhere stories live. Discover now