Chapter 2

24 2 0
                                    

Pagpasok ko pa lang usap usapan na agad yung transferee na sinabi sakin ni Allison kagabi. Bulungan dito, bulungan dito, tili doon, tili dito. Napailing na lang ako, may kalandian din naman akong tinatago pero kaya kong mag control ng sarili ko... like kahit kilig na kilig na ko napipigilan ko pa.

Halata namang gwapo yung transferee dahil di naman magkukumahog itong mga to kung hindi.

Pero para sakin wala ng mas gagwapo pa sa lalaking nakishare ng table ko kahapon, Ethan. He seems so familar to be exact it's like I've known him before, pero sure akong ngayon ko lang sya nakita. Actually... it's his hazel eyes.

''Grabe ang gwapo nya sana mapansin nya ko.''

''Tahimik lang sya, pero type ko yung ganon lalaki, yung serious, tahimik tapos medyo mysterious.'' medyo nakakainis yung way ng pag tawa nya.

At kung ano ano pang bagay at papuri yung naririnig ko, pero wala ng makakatalo sa ka OAan ni Allison...

''OMYGHAD MGA GUYS, MAKALAGLAG PANTY YUNG KAGWAPUHAN NYA LIKE PAKINGINANGSHET! Nakita ko sya sa locker room kanina,'' Si Allison yan, sumimangot naman si Jonas at Treble. Sila kasi ang campus hearthrob pero mukhang masasapawan na.

''Tss... He's not that handsome mas gwapo pa din ako,'' reklamo ni Treble, I agree with him. Treble is a definition of Adonis, like a Greek god of hotness. He's my crush pero syempre hanggang doon na lang yon.

''Mas gwapo ako kesa sayo!'' biglang sabat ni Jonas. Bigla naman syang tinawanan ni Diane. 

''Hey, why are you laughing?'' malambing na tanong ni Jonas kay Diane. 

''Coz you're funny, pero gwapo ka naman talaga eh,'' sabi ni Diane, kaya ayun si Jonas halos mapunit mukha kakangiti.

''Narinig mo ba yon? Ha? Treble? Gwapo daw ako sabi ni Diane!! eh ikaw kelan ka sinabihan ng crush mong gwapo ka? NEVER!!'' pang-aasar nya kay Treble... Napataas ako ng kilay dahil sa narinig. May crush pala to? Hindi ako updated.

''Ewan ko sayo, pag yun naging akin tatawanan lang kita... palibhasa manhid crush mo,'' balik-asar naman ni Treble. 

''Okay lang manhid, eh yung sayo di mo na nga pinaparamdam na gusto mo tapos di ka pa sinasabihan ng gwapo,'' sabi ni Jonas kaya nagtawanan kami.

''Tss... mas gwapo pa din yung nakilala ko sa coffee shop kahapon. Yun na ata pinaka gwapong nakilala ko. Well, hmm... Aside from Zac Efron,'' sabi ko. Pumantig naman ang tenga ni Allison dahil sa word na 'gwapo'.

''AHHH!! Talaga ba??'' I nodded.

''Hoy! Kami lang ni Treble ang boy bestfriend nyo kaya dapat kami lang gwapo sa inyo. Parang di kaibigan eh,'' binelatan lang namin sya ni Allison kaya napanguso sila pareho. 

Nasa room na kami at hinahantay na lang namin yung teacher dumating. Habang busy sila magdaldalan sinuot ko na lang yung earphones ko para makinig ng Music.

Maya maya pa naramdaman kong tumahimik yung mga kaklase ko... nagtaka naman ako kaya inangat ko yung paningin ko at nagtama ang mata namin, nagulat ako ng makita ko sya. I never expect to see him again... And just like yesterday, hindi na naman maawat sa pag tibok ang puso ko.

Si Ethan...

Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya dito? Is he the transferee they're talking about?

Prente lang syang nakatayo sa harap habang naka pamulsa. Nakatingin lang sya sakin... Mata sa mata.

MC Series #1: Music Brings Us Together (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang