Chapter 22

7 1 0
                                    


NAGISING ako sa tunog ng alarm clock ko. I look at the time and it's already 3:30am, since 8:00am magsisimula ang ceremony kailangan ko gumising ng maaga. Umupo ako sa kama at kinuha ko yung tubig sa night stand. I was about to go to the bathroom when my phone beep.

From: Love

Good morning, Star. I love you...

I smile when I read his message. There's no day that he didn't greet me this way.

Nireplayan ko muna sya bago ako pumasok sa bathroom. Nagpatugtog ako habang naliligo...

I've never opened up to anyone
So hard to hold back
When I'm holding you in my arms
We don't need to rush this
Let's just take it slow

Naliligo pa lang ako pero di ko na maipagkakaila ang kaba na nararamdaman ko para sa event.

Just a kiss on your lips in the moonlight
Just a touch of the fire burning so bright
No, I don't want to mess this thing up
No, I don't want to push too far

This is my first big event. I don't know what to expect or to feel. Pilit kong pinapatatag ang loob ko kahit sasabog na ko sa sobrang kaba.

I close my eyes as I feel the cold water dripping all over my body. I put some conditioner in my hair and wash it out.

Paglabas ko ng bathroom ay saktong pagpasok ni mommy.

"Good morning, sweetie," she said giving me a kiss on the cheek.

"Good morning too, Mom"

"Ako na ang maghahanda ng isusuot mo, diba doon ka na magbibihis?"

"Yes po, may naka assign kaming dressing room." tumango tango sya.

Umupo ako sa vanity mirror at pinagmasdan mula sa salamin si mom na nagsisimula nang ayusin ang gamit ko. I secretly smile to myself and thanking God for giving the best mom.

Tinuon ko na ulit ang atensyon ko sa sarili ko. I grab the blower and start drying my hair why rubbing it with a towel.

Nang matuyo ang buhok ko hinayaan ko lang yon na nakalugay. I ask my mom to put some color on my face since I don't know how to use cosmetics.

"Kung wala si Ethan konti na lang iisipin kong tomboy ka," natatawang sabi ni mommy habang nilalagyan ako ng eye shadow sa mata. Napanguso ako dahil sa sinabi nya...

"Eh sa hindi ako marunong eh! Si Allison ang nag aayos sakin pag may mga sasalihan kami," nakangusong sabi ko pero tinawanan nya lang ako.

Malay ko ba sa mga make up na yan, sa sobrang daming klase di ko na alam kung ano name nang ano. May eyeshadow, concealer, foundation... Pati sa mga brush may pang mata, pang pisngi... Myghad basta para sakin brush lahat tawag ko don.

Mas comfortable ako sa walang make up pag meron kasi feeling ko ang bigat bigat ng mukha ko kaya minsan pag may event hanga't maaari pulbo lang gamit ko. Pero syempre iba ngayon.

Pagkatapos ayusin ni mommy ang mukha ko, buhok ko naman ang pinagdiskitahan nya. Ikot dito, Ikot doon, hila dito, hila doon. Alam nyo minsan iniisip ko si Allison talaga yung anak ni mommy.

Mom is a Classical Singer so as Allison, pareho din silang fashionista. Samantalang ako parang pinulot lang sa kangkungan.

Habang kinukulot ni mommy yung dulo ng buhok ko, biglang may kumatok...

"Aye, Anak... Ethan's here, magkasama na sila ni Treble sa sala." sabi ni Dad habang nasa labas pa din.

"Okay, Dad... Pasabi po patapos na din kami."

MC Series #1: Music Brings Us Together (COMPLETED)Where stories live. Discover now